"Ipagpipilitan ang sa kanila kahit mali na. Tao lang din naman ang mga iniidolo nila pero handang makipagsiraan. Iyan ba ang gusto nila? Wala namang kwenta."
----
It's a date! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng Yohan ko para mag-invite na kumain sa labas. Naks, Yohan ko. Extra sweet siya ngayon, palibhasa ay malapit na ang birthday ko at may pakulo na naman siya. Mahilig siyang mang-surprise kapag birthday ko. Wala pang palya ang pagbibigay niya ng sorpresa. Ako nalang ang manghuhula kung anong klase ang gagawin niya.
Magkasama kami sa kotse ngayon. Hindi ko nga alam na aalis kami. Kay Mommy at Daddy kasi siya nagpaalam kaya kahit tinatamad akong umalis sa bahay ay pinalayas kami ni Daddy. Panay ang pagpaparinig na nga niya na gusto na niyang ikasal kami ni Yohan. Baka nga nape-pressure na ang isang ito kaya sinasabi ko sa kanya na nagbibiro lang si Daddy. Ako nalang kasi ang kasama nila sa bahay kasi nakabukod na si Ate Natie kasama ang pamilya niya at siyempre si Lala – ang cute na cute kong pamangkin, kaya palaging kami ni Yohan ang napagdidiskitahan ni Daddy.
"Bakit biglaan yata ang lakad natin?" pag-uusisa ko sa kanya.
"Bigla kitang namiss, eh."
Bigla ko tuloy siyang hinampas nang mahina at tiningnan niya lang ako habang nakangiti siya. Lumapit nga ako sa kanya para pagmasdan ang mukha niya. Una kong napansin ang kanyang mga mata. Sobrang catchy kasi talaga. Isa ito sa dahilan kung bakit gustong-gusto ko siyang pinagmamasdan noon kahit na wala naman siyang ginawa kung hindi sirain ang araw ko.
Mata talaga ang una kong napapansin. Kahit naman sa idol kong si Chance. Hay, naisip na naman kita Chance.
Hinawakan ko ang maganda niyang kilay, minsan nahihiya na ako dahil mas maganda pa ang kilay niya kaysa sa kilay ko! Sunod kong hinawakan ang pointed niyang ilong at ang mga labi niyang nakangiti ngayon.
"Damn it, Nakeisha! What are you doing?" pagtatanong niya sabay harap sa akin noong ihininto niya ang sasakyan. Nagulat naman ako sa pagsigaw niya!
"Just enjoying my blessing," sagot ko naman sa kanya sabay hawak sa mukha niya.
"Let me concentrate on driving. You are distracting me. Big time, Hon!" Natatawa ako sa kanya. Bago niya paandarin ang sasakyan ay hinalikan ko siya sa labi at bumalik sa pwesto ko.
Nasabi ko na ba sa inyo? Ang gwapo at ang bait ng Yohan ko!
"You are unbelievable. Are you seducing me, Nakeisha Noreen?"
I laughed. "Do I need to seduce you? Kailangan ko bang mag-effort para ma-seduce ka?" pagbibiro ko naman sa kanya, with confidence iyan!
"Stop it! Nakeisha!" he shouted.
"What?" I laughed.
"Just stop it," paki-usap pa niya. Tinatawanan ko lang siya.
"Got it. Sorry, Hon," sabi ko pa sabay halik sa pisngi niya.
"Sa kabila pa," request pa niya kaya ginawa ko naman. Spoiled!
Finally, naisipan din niyang paandarin ulit ang sasakyan niya. Akala ko ay sa kotse lang kami mag-stay. Usually naman ay hindi siya nag-i-invite na lumabas nang biglaan dahil parehas kaming busy. So... bakit kaya?
"By the way, how's your work?" I asked.
"Bakit mo naitanong? Ngayon mo lang ako tinanong ng tungkol sa trabaho ko, ah?" malaking pagtataka niya na kitang-kita sa expression ng kanyang mukha.
"Bawal ba akong magtanong? Kakamustahin ko lang ang manliligaw mo. Hindi ka pa rin ba tinitigilan? Gusto ba niya talagang sumugod ako sa kanya? Nakita ko pang nag-co-comment sa mga pictures natin pero ikaw lang ang pinupuri! Walang respeto!" Bigla kong naalala si Apple! Nakakairita talaga ang mansanas na iyon. College palang kami ay palagi na niyang dinidikitan si Yohan. Nagkataon naman na same company pa rin sila. Ewan ko kung nagkataon lang o baka sinasadya niya na mapalapit kay Yohan.
![](https://img.wattpad.com/cover/191428293-288-k608202.jpg)
BINABASA MO ANG
✓ Certified Fangirl
Short StoryThis is a story about a fangirl. Not just a fangirl. But, a certified fangirl! Ano nga ba ang napapala ng isang babae na sumusunod at nakikipagsisikan para lamang makita ang kanilang idol? Nagtitiis sa init. Pumipila ng matagal. Nagtitiis sa sikat...