Certified Fangirl

248 29 42
                                    

(AN: 062019. Just want to thank Ate zoeiseiz for the free cover photo! Pwede po kayong magrequest sa kanya. Go na, hangga't free pa at hindi pa siya nadidiscover! Hehe. Super thanks Ate! I really love the cover. SUPER SATISFIED! 💙

Anws, enjoy reading FANGIRLS! (and fanboys! Hehe)

=====


Fangirl.

What is fangirl?

Sa karamihan, ang fangirl ay ang mga taong;

- nagkakandarapa para mapansin ng kanilang iniidolo.

- gustong-gusto na makigulo sa tuwing nakikita ang iniidolo.

- handang makipag-away sa ibang tao para ipagtanggol ang iniidolo.

- gusto na palaging nakikita at napapanood ang iniidolo.

- palaging kinakampihan ang iniidolo – tama man o mali.

- walang nakikitang iba kung hindi ang kanilang iniidolo.

- handang masaktan at makipagsisikan para sa kanilang iniidolo.

- sinasayang ang oras sa taong hindi naman sila kilala.

Idols... na tao rin naman... na kaya namang magsalita para sa kanilang sarili... na lalong sumisikat dahil sa mga fansclub, gulo, issue, endorsement at fangirls.

Pero, ano ba talaga ang ibig sabihin ng Fangirl?

Karamihan pa naman sa mga taong matataas ang tingin sa sarili ay pinagtatawanan lamang ang mga fangirl na kagaya ko. Oo, tama ang pagkakabasa mo. Pinagtatawanan. Bakit? Dahil ang alam lang nila ay baliw na baliw kami sa mga idol namin.

Ang alam lang nila ay nagsasayang kami ng oras para sa mga taong kahit kalian ay hindi kami na-appreciate.

Ang alam lang nila ay nagpapakatanga kami sa mga taong wala naman pakialam.

Pinagtatawanan nila kami dahil hindi nila alam kung paano kami napapasaya ng mga idol namin.

Para sa akin, maraming mas malalim na ibig sabihin ang pagiging fangirl.

Kami ang handang sumuporta sa isang tao (o higit pa) na nagbibigay ng kakaibang inspiration at motivation sa amin. Hindi namin sila sinusuportahan dahil lang sa itsura o panlabas na anyo, maraming mas malalim na dahilan.

Kami ang handang makipagsiksikan masilayan lamang ang kanilang mga ngiti dahil mas malawak na ngiti ang naidudulot nila sa amin.

Kami ang mga taong kahit wala silang gawin ay kaya kaming pasayahin.

Kami ang mga taong hindi mawawala ang pagsuporta sa kanila anuman ang mangyari at pagdaanan.

Kami ang mga taong hindi maiintindihan ng iba lalo na kung hindi nila nararamdaman ang nararamdaman namin.

Wala kang karapatan husgahan ang mga fangirl kung hindi mo naranasan maging isa sa amin.

Dati, hindi ko rin naiintindihan kung bakit kailangan pa nilang puntahan para makita ng personal ang mga artista/singer/model/writer/dancer/influencer/vlogger na hinahangaan nila, samantalang pwede naman nilang titigan at panoorin sa kahit anong uri ng technology ngayon. Hindi pa sila maiinitan at makikipagsisikan.

Dati iyon.

Nagbago ang lahat noong naging fangirl ako.

Ibang-iba ang pakiramdam mo kapag nanonood ka lang at kapag kaharap mo na siya sa personal.

Sobrang iba talaga!

This is my story of being a certified fangirl.

Pero, hindi ito istorya kung saan magkakalapit kami ng aking iniidolo at mahuhulog kami sa isa't-isa.

No.

Uunahan na kita. Hindi ito ganoong klase ng istorya.

Ang istoryang ito ay tungkol sa pagiging fangirl ko.

Ang istoryang ito ay para sa lahat ng certified fangirl.

Kung matatawag mo ang sarili mong certified fangirl, samahan mo akong alalahanin ang mga dahilan kung bakit masayang maging fangirl.

Kung hindi ka isa sa amin, samahan mo pa rin ako para lubos mo kaming maintindihan.

Isa ka ba sa mga humuhusga sa mga kagaya ko?

Bigyan mo kami ng chance para mas maintindihan mo.

✓ Certified FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon