"Wala naman kwenta ang ginagawa niya, ginagastusan at inuubos pa ang oras niya."
----
"Woah! I love you, Jason Robie Rushton!" malakas na sigaw ng kaibigan kong si Ashley kaya naman hinila ko kaagad siya para umupo.
Nakakahiya siyang kasama!
Paanong hindi ako mahihiya sa kanya, halos kakapasok palang namin sa music convention hall kung saan gaganapin ang mini-concert for a cause ng asawa niya, as she claims, na si Jason Robie Rushton... na mas kilala sa tawag na JR Rushton. Besides, ni anino ng isang JR Rushton ay wala pa kaya pinapatahimik ko si Ahsley.
Ang tagal na niyang sinusuportahan si JR kasi nagsisimula pa lamang ito ay sinusundan na niya. Sa katunayan ay member siya ng fansclub na Rushtoners.
"Aray ko!" reklamo pa niya sabay irap sa akin. "Excited lang naman ako, Nakeisha! Napakasungit mo."
"Napaka-OA mo, ah. Wala pa nga siya sa harap mo," sagot ko naman sa kanya.
"Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi ka pa nagiging fangirl." Nagdadrama ba siya? Palaging ganiyan ang sagot niya sa akin.
"Sino ang nagsabi sa iyo? I am Yohan's number one fangirl!" Pwede naman iyon, right?
"Hindi iyon kasali. Malamang naman, boyfriend mo siya pero baka nakakalimutan mo na naiinis ka sa kayabangan niya bago naging kayo!" Sabihin ba naman iyon sa harap namin ni Yohan?
Sumama kami ng boyfriend kong si Yohan dahil for a cause ito at matagal na akong kinukulit ni Ashley na sumama sa kanya.
She also loves music at doon kami nagkakasundo. We both play guitar and piano instruments. But our course is Business Administration. Malayo sa musika na gusto namin pero kaya naman namin pagsabayin ang musika at ang pag-aaral. Hobby ko lang din naman ang pag-gigitara pero passion ko ang photography. Dami 'no? Ipipilit ko talaga ang gusto ko pagdating sa photography. Iyon nga lang, hindi pa ako makabili ng gustong-gusto kong camera dahil hindi pa sapat ang ipon ko. Hanggang pangarap pa rin iyon ngayon. Business Administration ang napili kong course dahil iyon ang gusto ni Mommy, na eventually ay minahal ko rin naman. Balak kasi niyang ipamana sa akin ang mini restaurant namin.
Si Yohan naman ay isang Mechanical Engineering student. Same campus kami at nagkakilala kami sa gym noong matamaan niya ako ng bola habang naglalaro sila ng basketball. Bakit ako nasa gym? Dahil sa magaling kong kaibigan na si Ashley, kinaladkad niya ako roon para sa ultimate crush niyang basketball player! Sa halip na sa canteen kami tumatambay kapag vacant ay sa gym niya ako hinihila.
Doon nagsimula ang kwento namin ni Yohan. Doon nagsimula ang pagka-inis ko sa kanya. Doon nagsimula ang pagpapapansin niya sa akin. Ang ganda ko 'no?
Sobrang nayayabangan ako sa kanya noon. Feeling gwapo! Gwapo naman pero nakakainis talaga noon, eh! Tumawa lang si Yohan sa mga sinasabi ni Ashley. Hanggang sa lumabas ang isang special guest na hindi ko kilala.
I asked Ashley, "Who is he?"
"He is Maximus Chance Castillo. Hindi mo ba siya kilala?" Alam niyo ang pagkakatanong niya sa akin? Pagtatanong na may panghuhusga pang kasama! Parang ang laki ng kasalanan ko na hindi ko kilala ang lalaking nasa harapan ko.
"He is a singer and composer," dagdag pa ni Yohan kaya sabay kaming napalingon ni Ashley sa kanya.
"Hon, bakit mo siya kilala?!" nagtatakang tanong ko naman sa kanya. He smiles at inutusan pa kami na manood at makinig nalang. Nakakaloko ang ngiti niya, ah?
Napansin ko kaagad ang gitara niya. It is an acoustic guitar pero ang kulay nito ay kapansin-pansin. Isa sa mga dahilan ay dahil navy blue – my favourite color – ang kulay nito, idagdag mo pa ang mga sticker na astig at maganda ang pagkakalagay sa gilid.
![](https://img.wattpad.com/cover/191428293-288-k608202.jpg)
BINABASA MO ANG
✓ Certified Fangirl
Historia CortaThis is a story about a fangirl. Not just a fangirl. But, a certified fangirl! Ano nga ba ang napapala ng isang babae na sumusunod at nakikipagsisikan para lamang makita ang kanilang idol? Nagtitiis sa init. Pumipila ng matagal. Nagtitiis sa sikat...