Ako nga pala si Mary, turning 27 this year at tubong bulacan.
Lumaki ako sa pamilyang hindi mayaman at hindi rin naman hirap sa buhay, means kumakaen kami tatlong beses sa isang araw at nabibili kahit papano ang gusto namin.
Malaki ang aking pamilya at sobrang pasasalamat ko dahil nakabilang ako sa kanila, isang masaya at mapagmahal na pamilya.
Bata pa lang ako ay busog nako sa pagmamahal ng aking mga magulang at mga kapatid, kaya siguro madali din akong magmahal sa kahit anong bagay, like sa mga taong nakakasalamuha ko, mga maliit at simpleng bagay na ibigay sakin, ganun na lang kung pahalagahan ko..nandiyan narin ang pagmamahal ko sa mga halaman at mga bulaklak, at sa mga nagbabantay rito.
Nagbabantay means>>,.? mga lamang lupa tulad ng mga duwende at mga engkanto.Di ko man sila nakikita,bagkus nararamdaman ko sila,kaya Malaki ang paniniwala ko na merong sila sa mundong ito.
Naaalala ko nung grade 4 ako napakahilig kong tumambay sa aming hardin. yesss...meron kaming amazing garden :) dahil may malawak kaming bakuran at ang aking ina ay madaling makapagpatubo ng iba't ibang uri ng halaman at bulaklak. Sa dami ng aming bulaklak lagi akong namamangha sa ganda nito, nabubuo ang araw ko sa tuwing nakikita ko silang namumukadkad, araw araw na lumalago na wari'y nakangiti sakin.
Naaalala ko pa ang kwento ng aking ina,nung bata daw kasi ako madalas niya akong makita na may kinakausap saming hardin na parang may kalaro ako.
Nanay Fely POV
Ohh...anak kanina pa kita hinahanap nandyan ka lang pala.. (Habang si mary ay masayang nakatuon sa mga halaman na para bang may kausap)
pero parang walang narinig si mary sa aking mga sinabi, inulit ko ulit ang pagtawag sa kanya..pero parang wala siyang pakialam kaya dali dali ko siyang nilapitan at hinawakan sa kanyang balikat, pero pag harap niya sakin agad siyang tumamba at nawalan ng malay.
Dali dali ko siyang dinala sa aming kwarto para punasan ng basang bimpo at mahimasmasan ito, habang ginagawa ko iyon unti unti siyang nagkamalay.
Luminga linga sa kanyang paligid at ang tangi lang niyang sambit ay "bakit ako narito sa ating kwarto"?
Mary POV
Pagmulat ng aking mga mata si Ina ang unang bumungad sa aking harapan.
At tanging nasambit ko na lang ay "bakit ako narito sa ating kwarto"?
Dahil ang huling alaala ko ay nandun ako sa aming hardin at masayang pinagmamasdan ang aming mga bulaklak. Sabi ng aking Ina natagpuan daw niya ako roon, wariy may kausap ako at masayang nakikipagtawanan. Ilang ulit daw niya akong tinawag pero parang hindi ko siya naririnig at parang walang akong pakialam, kaya dali dali daw niya akong pinuntahan at pagharap ko sa kanya ay sabay naman ako nawalan ng malay.
Sabi pa sakin ng aking Ina ay baka daw napagkatuwaan ako ng mga lamang lupa, kaya ganun ang nangyari sakin. Wala akong matandaan sa nangyari basta ang alam ko lang nun is masaya yung pakiramdam ko and kung napagkatuwaan man talaga ako hindi ako nakaramdam ng takot dahil unti unti ko napapatunayan na totoo talaga sila.
*
Hanggang sa nagdadalaga ako laging pumapasok sa isip ko ang tungkol sa mga hindi ko nakikitang nilalang, mas Lalo akong nagiging interesado sa kanila, may mga oras na naiimagine ko sila at may mga panahong naghihintay ako ng paglabas nila, nagbabakasakaling magpapakita sila sa akin.
