Myself POV
Dahil sa habag ko sa kwento ng aking ina, gumawa ako ng paraan para matulungan siya.
Sumulat ako sa mga programa na pwedeng makatulong samin tulad ng Wish Ko Lang, Reunion etc. pero ni isa walang nagresponse, siguro dahil na rin sa walang masyadong detalye para mahanap sila kaya wala ni isa man sa kanila ang nagkainterest.
Dumating na din sa point na nagwork ako sa Comelec nagbabakasakaling sa paraang yun magkaron ako ng impormasyon tungkol sa pamilya ng aking ina.
Pero sadyang mahirap sila mahanap sa kakaunting detalyeng aming nalalaman tungkol sa kanila.
Hindi parin ako tumigil sa paghahanap, hanggang sa nauso na ng facebook, madalas ako magsearch ng mga pangalang halos tugma sa pamilya ng aking ina, iniisa isa ko silang padalan ng mensahe at sumasagot naman sila at bigo akong mahanap sila, dahil ni isa sa kanila ay walang kamaganak ng aking ina.
Ayokong panghinaan ng loob, dahil isa iyon na gusto kong mairegalo sa kanyang kaarawan, at yun lang ang alam ko na makakapagpasaya sa kanya.
Simple lang aking Nanay, sobrang baet, masipag at matulungin sa kapwa. Simple lang din ang kanyang kaligayahan, sa maliit na bagay mapapasaya mo siya, Hindi rin siya sa materialistic na tao na siyang namana ko. Kaya sobrang proud ako na siya ang nanay ko.
Malapit na ang kanyang 56th Birthday :) Isa sa mga Gawain naming magkakapatid ay magkanya kanyang share sa dadaling pagkaen para sa aming pagsasaluhan, at meron na din kaming nakahandang mga regalo para sa kanya. Dahil siyam kaming magkakapatid parang laging may okasyon kapag kami ay nagkasama sama. Sobrang magulo pero sobrang saya.
Pero bago ang kanyang kaarawan may isa pa kaming okasyon na hinihintay..
Un ay ang pasasalamat sa aming patrong Apo Roque (parang fiesta pero hindi ganun kagarbo). Bilang pangulo ng kabataan isa ako sa punong abala sa mga Gawain ng aming simbahan Lalo na sa pasalamat na magaganap. Ako ang dapat magorganize sa mga programa pagkatapos ng misa at prusisyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/192683543-288-k28485.jpg)