Kutob

20 0 0
                                        


Di ko nga pala nasabi na halos lahat sa aming pamilya ay alagad ng simbahan, ang aking tatay ay miyembro ng KOC or (Knight of Columbus) ang aking nanay naman ay miyembro ng samahang sundalo ni Apo Roque or Mothers kung tawagin, miyembro din siya ng legion of Mary Sr. and Black Rosary, ang sinundan kong kapatid naman ay sacristan at ako naman ay pangulo ng kabataan sa simbahan, miyembro ng SPPC or (Sub-Parish Pastoral Council), Choir member,legion of mary Jr. member, black rosary member, at PCY member sa PPC. Sinakop ko na nga daw lahat, halos sa simbahan na nga daw ako magtira ksi mas madalas ako sa church kesa sa Bahay namin heheh. Which is suportado naman ako ng aking pamilya.

Isa sa aming paghahanda ang magaganap na sayawan sa lahat ng mga mothers na nasasakupan ng aming parokya. Hindi kumpitisyon kundi isa sa mga magbibigay saya sa pasalamat ni Apo Roque. At kasama ang aking Nanay sa nasabing programa.

Dalawang araw bago ang bisperas ng pasalamat ay ang paglilinis ng aming munting tahanan.

Habang ang lahat ay abala sa paglilinis, may Nakita akong isang mahabang puting damit na may kumikinang na disenyo na parang makaluma na. Tinanong ko ang aking Ina...

Me: Nay kailangan mo pa ba itong damit na ito? kung hindi ay itapon na natin kasi masyadong balki wala ng space sa cabinet natin.

Nanay: Huwag anak..baka magamit ko pa ito. Kung sakaling mawala man ako may maisusuot ako.

Me: Si nanay naman..with simangot Face..

Nanay: Haha biro lang, pero yun ang realidad hindi ba?

Me: ou nga nay pero hindi dapat pinaguusapan yan ngayon hindi ba..o siya end of conversation na regarding sa pagkawala. OK..

Tapusin na natin ang general cleaning Nay...ngiti kong sagot sa kanya.



Bisperas ng Kapistahan..

Abalang nagluluto ang lahat para sa magaganap bukas..inaasahan na naman ang mga bisitang mga kamaganak na galing sa ibat ibang lugar para makisalo sa aming kasiyahan. Panigurado pudpod na naman ang aking Noo sa pagmamano sa aming mga kamaganak hehe...


Me: Natapos na lahat ng mga lutuing handa para bukas ..sa wakas pwede na tayo magpahinga para maraming lakas bukas.

Nanay: Ou nga mahabang araw na naman para bukas. Anak wag mong kalimutang kuhanan ako ng litrato bukas hah.

Me: Ou naman Nay..Cge nay goodnight na...

Araw ng Pasalamat

Ang araw na aming hinihintay..

Masaya ang buong baryo patungo sa aming Bahay dalanginan para makinig sa salita ng Diyos at abangan ang lahat ng magiging programa pagkatapos ng misa.

Hindi ako magkandamayaw sa aking mga ginagawa, ako ang punong abala sa lahat. Sa pagsasaayos ng misa, sa pagkanta at sa pamumuno ng sayaw sa mga bata pagkatapos ng bendisyon. Worth it naman lahat lalot Nakita ko na naging successful ang mga nangyari.

Pagkatapos ng misa, isinagawa na namin ang aming programa.

Una ay ang sayaw ng mga mothers na pinangungunahan ng mga taga ibat ibang baryo na nasasakupan ng aming parokya. Sa dami ng aking gingawa nalimutan ko ng kuhanan ng litrato si Nanay.

Natapos na lahat ng programa,sobrang pagod pero masaya.

Nagkausap kami ng aking nanay at humingi ako ng pasensya dahil hindi ko siya nakuhanan ng litrato.

Me: Nay sorry napakarami ko kasi ginagawa kanina, nawala na sa loob ko.

Nanay: ok lang anak, Nakita ko naman na ikaw ang punong abala sa lahat kanina.

habang naguusap kaming dalawa ni nanay nakatulog ako sa sobrang pagod.


Dalawang araw pagkatapos ng pasalamat, kinausap ako ni nanay habang inaayos ko lahat ng kuha ko sa camera ko.

Nanay: anak kuhanan mo nga ako ng litrato..

Me: Sige Nay (habang nakatalikod ako sa kanya)

Nanay: ready nako nak.


Pagharap ko sa kanya, Nakita ko siyang nakasuot ng kimona na siyang ginamit nila nung nagsayaw sila nung pista.

Me: (Nagulat) Nay bakit nakasuot ka pa ng ganyan>?

Nanay: Para may maganda naman akong picture..kung sakali man na mawala na ko may magandang picture ako na mailalagay niyo sa burol ko.


Me: nakakainis ka na nanay...hmmmp :( dina nawawala yung topic na yan.

Nanay: Kuhanan mo nalang ako haha..binibiro ka lang eh..

Me: Haii nako sige na nga...oh siya 123 click...


Isang araw habng ako ay nagpaparikit ng apoy para sa sinaing na lulutuin, lumapit sa akin ang aking ina, at ako ay kanyang kinausap.


Nanay : Anak may insurance akong kinuha sa aming samahan, at tinago ko iyon sa ating cabinet kasama ng ibang dokumento ng ating lupa.

Me: para san po iyon nay?

Nanay: para kung sakali man mawala ako, wala na kayo intindihin Lalo na ang tatay mo..

Me: si nanay naman...(na wari'y nagpapaalam samin.)

Nanay: di naman natin alam kung kelan tayo mawawala hindi ba? kaya dapat nakahanda tayo sa kung ano man ang posibleng mangyari.

Me: Ou na sige na po..pero hindi kasi magandang pakinggan kapag ganyan ang topic Nay eh.. So change topic tayo ok.

Nanay: Oh sige.. ano na kayang balita sa kuya johny mo?

Me: hindi ko rin po alam nay, simula nung parang nafeel niya na hindi natin gusto ang napangasawa niya, lumayo na loob niya satin..eh mukang tinataguan na nga niya tayo eh..

Nanay: Hanapin kaya natin siya...bukas ipagdrive mo ako magbakasakaling Makita natin ang kapatid mo para makausap ko siya at bumalik sa dati ang samahan ng pamilya natin.

Me: sige po nay, ilaan natin ang buong araw para hanapin siya..namimiss ko na din siya eh..


Kinabukasan gumayak kami ni nanay para simulan ang misyon namin na hanapin si kuya..haiii pano ba naman kasi magugustuhan ang babaeng kinasama niya eh madalas siya nitong bugbugin o kaya'y ipahiya sa iba. Sino ba naman ang matutuwa hindi ba? lalot pamilya mo ang pinaguusapan.

Habang nagmamaneho ako ng motor

 (nga pala di ko nasabi ang dinadrive ko "mio sporty")Rider ako, kasali ako sa iba't ibang grupo ng riders club. Nung una hindi pabor si nanay sa ginagawa ko kasi daw takaw aksidente pero kalaunan hinayaan na rin niya ko,siguro dahil nakikita niya akong masaya, ang tatay ko naman ay nakasuporta palagi sa lahat ng nagiging desisyon ko.

Oh back to the story.. habang nagmamaneho ako nagsalita si nanay na sana daw Makita namin si kuya kasi baka daw hindi na sila magkita ulit.

na habang nagmamaneho ako napaisip ako sa lahat ng kanyang sinasabi, pero iniling ko ang ulo ko para mawala ang iniisip ko...kaya ang inisip ko na lang is ganun talaga ang mga magulang lalot nawalay sa kanila ang kanilang anak.

Sa maghapong nagdaan, wala kaming nakitang bakas ng aking kuya. bigo kaming mahanap ito kaya ganun na lang lungkot ni nanay.

Haiii ang sakit sa pakiramdam na nakikita mong malungkot sila.





Enchanted FamilyWhere stories live. Discover now