Magtatapos na ako ng highschool ng makausap ko ng masinsinan ang aking Ina. May pinagtapat Siya sakin tungkol sa kanyang nakaraan.
Habang kami ay nakaupo sa sala at nagtitiklop ng mga nalabhang damit. Nagsalita ang aking Ina.
Anak may sasabihin ako sa iyo..
Me: Ano po iyon Nay.?
Nanay Fely: tungkol sa aking nakaraan.
At nagpatuloy ako sa aking kwento..
Nanay Fely: Hindi ako tunay na anak ng pamilya evangelista, naampon nila ako noong 8 taong gulang pa lamang ako.
Me: paano po nangyari yun nay?
Nanay Fely: Nakatira kami sa Samar ng aking tunay na pamilya, dahil sa hirap ng buhay namin dun nagpasya kami ng iyong lola na lumawas ng maynila. Sa kasamaang palad habang kami ay naglalakad sa palengke na kung tawagin ay taguiq (hindi Taguig kung di taguiq)yun ang pagkakaalala ko, Nahiwalay ako sa iyong lola, di ko namalayan na ako pala ay nawawala na ng mga panahong iyon, dahil narin sa aking malakas na pagiyak nabigyang pansin ako ng lahat ng tao na naruon at isa na dun ang lalaking umampon sa akin na nagngangalang perling. Nung araw na iyon wala akong ibang ginawa kung hindi umiyak ng umiyak dahil nawalay ako sa iyong lola, pero ayaw ko naman maiwan magisa sa lugar na iyon kaya't sumama na lang ako kay kuyang perling tutal muka naman siyang mabuting tao. Siya ay nasa edad 20 taong gulang, hindi matangkad at hindi rin maliit, kayumanggi ang kanyang kulay at may mapupungay na mata.
Habang naglalakad kami naisip kong tanungin siya.
Nanay Fely: Bakit niyo po ako gustong isama? at san po tayo pupunta?
sunod sunod kong tanong sa kanya.
Perling: Dahil una pa lang kita Nakita , natuwa na ako sa iyong pagiyak at alam kong ikay nawawala hindi ko naman kayang hayaan na iwan na lang basta ang isang batang paslit na kagaya mo na nagiisa sa delikadong lugar, bukod pa dun ay wala kaming babaeng kapatid kaya't sigurado akong matutuwa si ama't ina kapag ikaw ay kanilang Nakita.
*
Pinalaki ako ng maayos ng pamilya evangelista sa kanilang poder, hindi nila ako tinuring na iba.
Hanggang sa ako ay nakapagasawa na, nakakalungkot man isipin na hindi ko na nakitang muli ang tunay kong pamilya, gustuhin ko man silang hanapin pero hindi ko alam kung pano ako magsisimula, at paano ko magagawa iyon ultimo apelido ng aking pamilya ay hindi ako sigurado. Ang pagkakatanda ko ay Miranda ang apelido ng aking pamilya, may tatlo akong kapatid, dalawang babae at isang lalaki ang pagkakaalala ko ay Emilio ang pangalan ng aking kaptid na lalaki at susan at anna naman sa babae...halos di ko narin sigurado kung yun ba talaga ang kanilang pangalan,sobrang labo ng aking mga alaala. Walang kasiguraduhan sa lahat ng aking nakaraan kayat paano ko sila mahahanap.
:)
Kakaloka ang kwento ng aking nanay..
pede na siyang pang MMK or Magpakailanman.
Haiii..ang hirap siguro ng ganung pakiramdam na mawalay sa iyong magulang at pamilya.
![](https://img.wattpad.com/cover/192683543-288-k28485.jpg)