Myself POV
Pagkatapos ng pistang okasyon, ngayon naman ay paghahanda sa nalalapit na kaarawan ng aking nanay.
Simple lang ang plano naming magkakapatid pero alam namin na mapapasaya namin siya.
5 Araw bago ang Kaarawan
Biyernes ng umaga..
Magandang araw ang bumungad sa akin. Ganado ang aking buong katawan para gumawa ng gawaing bahay, kaya paglabas ko sa kwarto kumuha agad ako ng walis para linisin ang aming sala, pero pagdating ko dun nakita ko ang aking nanay na may kausap..pamilyar sakin ang kanyang mukha, na habang kinikilala ko ay unti unti kong naaalala...
ahhhhh...siya ang sikat na manghihilot at mananawas sa aming baryo, pero bakit siya naririto? pilay kaya ang nanay?
Habang papalapit ako sa kanila narinig ko ang kanilang pinaguusapan, wariy nakaturo siya sa aming halaman na korteng payong,at ang sabi siya sa aking ina...
Manghihilot: putulin mo ang halamang iyon dahil nakikita ko na mamalasin kayo dahil may nakatira dun.
Nanay: matagal na samin ang halamang iyan, dala yan ng isa sa aking anak galing baguio na maliit pa, inalagaan ko at lumaking maganda.
Manghihilot: Ou nga maganda ang kanyang panlabas na anyo pero ang mga nakatira diyan ay sadyang nakakatakot. Kaya hanggat maaga ay putulin mo na.
Nakita ko ang aking ina na napaisip sa sinabi ng manghihilot.
Pagdating ng hapon, habang ako ay pauwi galing simbahan, nakita ko ang aking nanay na abalang naglilinis ng buong bahay..
Ou,!!!buong bahay ang kanyang nilinis super duper general cleaning, kulang nalang ay baliktarin niya ang buong bahay.
Pagkatapos niyang maglinis, nagpasya akong gawan sila ng miryenda ng aking tatay (Juice at tinapay).
Ng makita ko sila ay abalang nagaayos ng hardin namin.
At yun nga nakinig si nanay sa manghihilot, kumuha siya ng itak at tinaga niya ang halaman pero sa aking nakita ay parang bigla siyang napagod. Ang inisip ko ay "siguro napagod siya ng sobra sa paglilinis ng buong bahay" Habang ang aking tatay naman ang nagtuloy sa pagtanggal ng halaman.
Kalaunan ay uminda ang aking nanay na masakit daw ang kanyang ulo, which is normal na namin un naririnig sa kanya. Kaya ang ginawa niya ay nagpahinga at naligo, baka daw dahil sa init. Habang naliligo siya narinig ko pa rin siyang umiinda hanggang sa narinig ko nalang ang kanyang paglabas sa banyo.
Ng Makita ko siya ay puno ng bula ang kanyang buhok na ibig sabihin ay hindi siya nakapagbanlaw.,,,Tinanong ko siya...
Me: Nay ok ka lang ba?
Nanay: Iba ang sakit ng ulo ko anak ngaun na parang iniipit.
Me: Gusto mo nay patingnan na natin yan sa doctor?
Nanay: Nak wag na... baka maya wala natoh..
Pero nagwoworry parin ako sa lagay niya.. Bago maggabi alam ko na hindi pa rin siya ok kaya nagpasya ako na puntahan si tita ine na aming kapit bahay na marunong mag BP, isinama ko siya sa amin kasi baka tumataas na ang prisyon ni nanay.
Ng macheck na niya ang BP ng nanay hindi naman siya highblood..kaya nagpasya akong magtapal sa kanyang nuo ng mga halamang gamot na baka sakaling mapawi ang sakit na kanyang nararamdaman na sa tingin ko ay nakatulong dahil siya ay nakatulog.
Sabado
Kinabukasan maaga akong gumising para maghanda sa aming alay lakad sa simbahan isa sa mga activity namin..pero bago ako gumayak tinanong ko muna ang aking nanay.
Me: Nay kamusta pakiramdam mo?
Nanay: medyo ok na ako anak.. hindi na ganun kasakit ang aking ulo., kaya wag mo na ako alalahanin inaantay ka na ng mga kasama mo.
Me: oh sige po nay maaga nalang po ako uuwi.
Natapos ang aming activity namin sa church at diretso na ako umuwi ng bahay.. ng makita ko si nanay na nakahiga sa aming kwarto at natutulog, ng makarinig siya ng kaluskos nagising siya.
Me: Nay nandito nako.. kamusta pakiramdam mo>?
Nanay: eto mukang bumabalik na namn ung sakit ng ulo ko,itinulog ko nga baka sakaling mawala pero ganun parin.
Me: antayin natin si tatay para makapunta tau sa doctor at mapatingnan na yan.
Ayaw man sumangayon ni nanay at nakikita ko ang pagaalinlangan sa kanyang mukha, Sumangayon nadin siya dahil sa aking kakulitan, alam kong wala silang pera nung mga oras na yon kaya bakas sa mukha niya ang pagalala sa dapat bayaran sa hospital, pero naglakas loob ako dahil may hawak akong kaunting pera ng mga oras na yon dahil sa pinagbilan ko ng mga pampaputing produkto, ginamit ko muna iyon dahil mas mahalaga ang buhay ng aking ina. Kasabay nito ang pagdating ng aking sinundang kapatid, meron siyang naipong kaunting pera at ibinigay niya iyon sakin para pandagdag sa pangpagamot ni nanay.
Nakita kong sumulyap ang aking kuya kay nanay at bigla itong natigilan, iniling iling ang ulo na wariy nagugulumihanan. Nilapitan ko siya para kausapin..
Me: Huiii anong nangyayari sayo?
Utol: wala..wala.. namalik mata lang ako..
Me: Bakit ano ba nakita mo?
Utol: ahhh wala heheh nakainum ksi ako at parang nagewang ako.
Me: ahhh eh magpahinga ka na kaya..matulog ka na para gumaan pakiramdam mo.
Habang inaantay namin si tatay iginayak ko na si nanay dahil hindi siya makatayo para makapagbihis, binihisan ko sia para diretso na kaming aalis pagdating ng tatay..at un nga dumating na si tatay na parang hapo.. 7 ng gabi na kmi umalis pinakaen ko muna at pinagpahinga si tatay dahil alam ko pagod siya sa pagistila ng kuryente.
