Tinry kong tawagan ang panglima kong kapatid para ipaalam sa kanya na ipapacheckup namin ang nanay pero hindi namin siya macontact..kaya hindi ko na rin pinaalam sa iba dahil nasa kanya kanya silang trabaho.
Pagdating namin sa hospital kasama ang isa sa aking pamangkin na 3 taon gulang palang nuon, isinama namin siya dahil walang magbabantay sa kanya, dumiretso agad kami sa isang nurse para malaman kung may available na doctor, awa naman ng diyos libre ang isang doctor kaya agad niyang tiningnan ang prisyon ng nanay at medyo tumaas ito, niresetahan siya ng doctor ng pain reliever para sa sakit ng kanyang ulo, pagkainum niya nito medyo bumuti buti ang lagay niya..chineck muna siya para tingnan pa ang ibang part na pwede maging dahilan ng pagsakit ng kanyang ulo.
Habang nakahiga siya at chinecheck ng doctor lumabas muna kmi ng aking pamangkin at pumunta sa aming motor, ng bigla itong magsalita..
Pamangkin: nang nang nanay ohhhh..
(Habang tinuturo si nanay dahil kita namin sia sa bintana dahil gawa ito sa clear glass)
Me: oh bakit..? gagamot si nanay
Pamangkin: ndi nanay patay na..
(na siyang kinagulat ko..haiii nako bata nga naman..kung ano ang pumasok sa isip)
Me: huiii hindi...ginagamot siya ng doctor..gagamot para gumaling ok.
Ng matapos na siyang tingnan tinanong kami ng doctor kung gusto ba siya iconfine? at nagkatinginan kami ng tatay,. Sabi ko sige Doc. kung yun ang makakabuti..pero may biglang nagsalita...
Nanay: Doc. hindi po ako magpapaconfine kasi ok na pakiramdam ko..
Me: pero nay.. (at bigla siya ulit sumabat)
Nanay: ok nako nakakalakad na nga ako ulit..tska magaan na ulit pakiramdam ko. Tara nat umuwi hindi rin ako makakatulog dito.
Me: oh sige po Doc. mauna na po kami at hindi rin po namin mapipilit ang nanay.
Doc: oh cge kung yan ang gusto niya.
Nakita ko naman sa mga mata ni nanay na masigla na siya at hindi na sakit ang nararamdaman, pero hindi maalis sakin ang magalala sa kanya.
Nakauwi na kami ng Bahay at hindi ko na siya inalalayan pababa at ok na daw siya unlike ng papunta kami sa hospital ni hindi niya makuhang umupo kaya todo alalay ako sa knya.
Pagdating namin sa kwarto Nakita namin ang panganay kong kapatid nabalitaan pala niya na pinatingnan namin si nanay sa hospital. Magkababaryo naman kasi kmi ng ate ko kaya lang madalang siya pumunta sa amin gawa ng ang asawa niya ay mahigpit sa kanya.
Dali dali siyang lumapit kay nanay at tatay para magmano...at nagsalita ito.
Ate: Ohh nay anong nangyari? kamusta pakiramdam mo?
(sunod sunod na tanong nito)
Nanay: sumakit kasi ng sobra ulo ko kaya nagpatingin kami sa doctor
Ate: Ohh ano sabi ng doctor?
(sumingit ako)
Me: medyo tumaas prisyon niya, pero ngayon nagiging ok ok na siya.
Ate: Ahhh buti naman...
Iniwan ko muna sila sa kwarto para makapagusap at para makapghanda narin ako ng hapunan. Pagkatapos namin kumain, nagpaalam ng uuwi sila ate at kanyang anak.
Ate: Nay mauna na kami bibisita na lang ako ulit.
(wariy parang nanggaling sa malayong lugar at hirap makabalik)
Nanay: magiingat kayo,.palagi kayong magiingat hah..ingatan niyo ang sarili niyo.
(sunod sunod na pagsabi ni nanay na magingat sila na gumulo sa isip ko)
Ate: Opo Nay..pagaling ka.
Pagkauwi nia ate inasikaso ko muna si nanay bago matulog,at sabay sabay na kami nagpahinga.
![](https://img.wattpad.com/cover/192683543-288-k28485.jpg)