PowerHindi ako matahan nang lumabas kami ng police station. Pakirandam ko ay binagsakan ako ng malas ngayong araw na 'to. Natatakot din ako na baka malaman ng mga magulang ko ang nangyari. They will definitely punish me for this mess.
"You're still crying," anang boses sa likod ko.
Hindi ko siya nilingon. I don't even have the guts to face him right now. I just want to evacuate to Mars and kill myself there. Bumaba ako ng hagdan at patuloy ang pag-iyak. Randam ko ang pagkabasa ng panyo ko dahil sa walang katapusang pagluha.
Narandaman ko ang pagsunod sa akin ni Reid. Mabuti na lang at nandyan siya para makipag-areglo sa naperwisyo ko. Baka tuluyan na akong hinuli ng mga pulis kung hindi siya dumating at hinayaan akong damputin na lang sa highway na 'yon.
"Mag-ingat ka na sa susunod. Hindi ka na menor de edad. Reckless driving is punishable by law. That's a minimum of one year imprisonment, Aliyah." Reid added using his ruthless and cold tone.
Tumigil ako sa paglalakad. Kahit na mugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ay lakas loob ko siyang hinarap. He's not making me feel better at all!
Seryoso ang pagkakatitig niya sa akin. Para bang gusto niya akong pagalitan at paluin dahil sa katangahan ko ngayong araw. He's like an old brother who's very angry because his younger sister made a stupid mistake.
"Sa tingin mo hindi ko 'yon alam?" hasik ko sa kanya sa galit na boses.
"I thought you didn't know."
"Shut up!"
Tinalikuran ko siyang muli at saka naglakad ng padabog. Mali na siya ang tinawagan ko para saklolohan ako. I should've contacted Sydney instead! Hindi itong si Reid na akala mo kung sinong abogado kung umasta!
"Where are you going?" agap niya sa akin nang nilagpasan ko ang kotse niya.
"Hindi mo na ako kailangang sundan!" galit kong sabi nang hindi siya nililingon man lang.
Naglakad ako palapit sa terminal ng taxi. Mahaba man ang pila ay pinili ko na lang 'yon kaysa naman sasabay ako kay Reid at lilintanyahan niya ako ng kung anu-ano.
Mataas ang sikat ng araw. I can feel the beads of sweat on my forehead but I didn't mind it all. Ang gusto ko na lang, makauwi at makapagdabog sa aking kwarto.
Sinundan ako ni Reid. Umirap ako nang pumila siya sa likod ko. Ano, mag-tataxi din siya?
Lumingon ang babaeng nakapila sa harap ko. Para bang gulat at natulala kay Reid. Umawang ang labi nito at agad ding tinikom bago bumalik ang tingin sa harapan. I rolled my eyes.
"I'll drive you home."
"No, thanks." I said bitterly and crossed my arms against my chest.
"Don't make this difficult, Al. You just caused an accident. I didn't want you to be in jail so I used my power even it was your fault. I just paid a fucking million just to clear your name. Pati community services, abswelto ka. Ano pa ba ang kulang at ikaw pa 'tong galit sa abalang 'to?" he said through his gritted teeth.
His coldness sent shivers down my spine. Nanunuot ang bawat salitang binitiwan niya, nagsasabing bawal akong umarteng galit dahil ako ang nagsimula ng lahat. Napahikbi ako. I know that I made a mistake, alright? Does he really need to rub it in my face?
"Fuck, you're crying again."
"Stop it, Reid!" I yelled at him.
Nilingon ko siya at nagpunas ng luha. Galit ko siyang tinitigan. Oo, alam ko namang tama siya. I was wrong and I don't have the right to act this way. The only reason why I am upset is because I still can't believe that I created a trouble and Reid, being my fiancé was the one who covered my ass.