StingIlang beses akong umirap kay Vash na walang patid ang makahulugang ngiti habang panay ang titig sa akin. I scowled at him at padabog na naupo sa metal na upuan sa waiting area. Napakaaga namin dito sa airport samantalang dalawang oras pa bago kami magboarding!
Sumunod ang dalawang lalaki sa akin. Naupo sa likuran ko si Reid samantalang ang walang hiyang si Vash ay talagang tumabi sa akin. Hindi man ako nakatingin sa kanya ay alam kong pareho niya kaming tinitignan ni Reid. He's giving me a maliscious grin that makes me want to slap his face. Kairita!
"I'll bet a fucking million, I know something happened in the lighthouse that I didn't know," he boyishly grinned once again.
I glared at him angrily. Talaga bang hindi siya titigil, ha? Sumasakit na mata ko sa kakangisi niya! Mariin kong tinikom ang labi ko at humalukipkip. I looked away, trying to activate the remaining patience within my entire being. Baka masampal ko na talaga ang lalaking 'to sa inis.
"What? Aren't you gonna say a single word, couple?"
Kumpara kay Reid ay may pagkaisip bata itong si Vash. Mukha lang siyang matured tignan pero saksakan ng pagkatsismoso't maloko. Sa kanya palang ay sumasakit na ang ulo ko. Paano pa kapag nakilala ko ang ibang kaibigan ni Reid? There's one named Seiji and there's another one whose name is Klaus. Sana naman ay maayos ang turnilyo ng mga iyon.
"Call your Mom, Aliyah. She's texting me and is asking for you to call," wika ni Reid mula sa likod ko.
"Alright..." matabang kong sagot at saka kinuha ang cellphone ko mula sa sling bag ko.
Huminga ako ng malalim. Pagkatapos nang nangyari sa Lighthouse ay hindi ko siya kinausap. Una sa lahat, hinalikan niya ako. Pangalawa, wala akong lakas ng loob para kausapin siya dahil paulit-ulit ang nangyari sa utak ko.
That unexpected memory is still vivid to me like I won't be able to forget it sooner. Bakit ba niya ginawa iyon? He kissed me and told me things that I honestly didn't understand.
Inalis ko sa isip ko ang halik na iyon. Masyadong malaki ang epekto no'n sa dibdib ko kapag naaalala ko. This is just a business, Aliyah. Don't dwell on it!
Kagaya ng sinabi ni Reid ay tinawagan ko si Mama. She answered my call immediately. Halos manghina ako nang maghisterya si Mama sa kabilang linya.
"Anak! Oh, my God!" she cried. "I'm sorry... Mabuti at nahanap ka ni Reid... Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo... Please, umuwi ka na. Nag-aalala na ako sa'yo..."
I sighed. "Opo, Mama."
"Thank you, Aliyah..." patuloy ang pag-iyak ni Mama. "Hayaan mo at hindi na namin papakialaman ang trabaho mo. Just please, please... go home, okay?"
Mabigat ang dibdib ko habang pinapakinggan ang mga iyak ni Mama. Parang sa isang iglap ay nawala ang galit ko. Parang ang bilis na humupa ng sama ng loob ko. Hindi ko pa rin sila matitiis. Lumunok ako at kahit hindi niya nakikita ay tumango.
"Sige po, Mama. Pauwi na kami..." tanging nasabi ko at pagtapos ay huminga ng malalim.
Ilang beses pang humingi ng tawad sa akin si Mama. Pagkatapos naming mag-usap ay tumahimik lang ako sa kinauupuan ko. Katabi ko pa din si Vash pero tumigil na siya sa pangungulit nang mapansin ang pagiging seryoso ko.