CharmTahimik lamang ako habang nasa kotse kami ni Reid papuntang trabaho ko. I am completely struggling for words. I don't even know what to tell him after all the mess I've created last night. Pabalik balik sa isip ko ang kakapalan ng mukha ko kagabi...
I did throw dagger looks at Cassandra.
I insulted his feelings damn hard.
I almost picked up a fight with his first love.
I am friggin' embarrassed...
Tila ba sinaniban ako ng espiritu ng alak dahil hindi ko naman kayang maging gano'n kapag normal ang pag-iisip ko. Napapikit ako at hinilot ang aking sintido. I can't believe it all happened in just one night.
Not just that.
Waking up in the morning wearing a different clothes really freaked me out. Hanggang ngayon ay palaisipan pa din sa akin kung totoo ang sinabi ni Reid na siya ang nagbihis ng pangtulog sa akin. Kung totoo man iyon, shit lang...
Nag-init ang mukha ko habang naiisip na nakita na nga ni Reid ang katawan ko. Damn it, nanginginig ang kalamnan ko sa kahihiyan! Hindi ko na yata siya kayang kausapin lalo na't alam na niya ang itsura ko kapag nakahubad...
Bakit ba kasi niya pinakialaman ang damit ko? Hindi na nga niya ako inuwi ng bahay pagkatapos ay talagang pinalitan pa ang damit ko? Kaya ko namang matulog ng suot pa din 'yong dress!
I purse my lips, forehead creased. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako habang buhay dahil sa mga katangahan ko.
Tahimik lang din naman si Reid habang nagdadrive. Mabuti na lang at tinigilan na niya ang pang-aasar niya sa akin.
He assumed that I got jealous because he was with Cassandra last night. He must be kidding! Why would I even get jealous, huh? Hindi ko naman siya gusto!
I mean, I'm kinda interested in him as he's like a puzzle and a challenge to me but that's all. I just want to teach him a lesson and so he would be less arrogant when dealing with me.
Ano naman kung magkasama sila ni Cassandra, 'di ba?
For me, jealousy is a cheap feeling. I know where to stand, so does my heart.
Liking someone who hasn't moved on from his failed relationship isn't my forte.
Saglit kong sinulyapan si Reid. Seryoso siyang nakatingin sa highway, bahagyang kunot ang noo, taimtim na nakasarado ang mapulang labi, at tila nag-iisip. Lumunok ako at agad na nag-iwas ng tingin.
Ano kayang naramdaman niya nang makita ang katawan ko?
Pinagmasdan nga ba niya? O pikit mata niya akong binihisan?
"Fucking bastard..." I murmured and sighed heavily.
"What?" his tone is normally difficult.
"Nothing," I cleared my throat and just closed my eyes for a fake sleep.
Darn it!
***
Nang makarating sa office ay agad kong tinanggal ang suot kong seatbelt.
"You're really up for silence," ani Reid habang pinagmamasdan ang bawat galaw ko.
Nakayuko lang ako habang nag-iisip ng sasabihin. I bit my lower lip. Sa huli ay saglit ko siyang tinignan at agad ding binuksan ang pinto ng kotse.
"Thanks..." tanging nasabi ko at mabilis na lumabas ng sasakyan niya.
As much as possible, I don't like to have an eye-to-eye contact with him. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa kahihiyan kapag nakipagtitigan ako sa kanya.