MessPanay ang tingin ko sa calling card na binigay sa 'kin ni Reid kagabi. Ilang beses ko ding inirapan 'yon, pilit tinatago ang interes na tawagan siya at yayaing mag-lunch.
If I call him now, that would only show that I am just one of the girls who can't resist him. Baka isipin pa ng walang hiyang iyon na mabilis lumipas ang galit ko. Well, lipas na talaga ang galit ko. The fact that he visited me here last night and apologized to me, that's an enough reason for me to forgive him. I just didn't like it when he speaks with full of arrogance.
I sighed heavily. Hinawakan ko ang sintido ko at bahagyang hinilot 'yon. I am just twenty-two, but this fixed marriage and my soon-to-be husband are both giving me headaches!
Ni wala pa ngang detalye na binibigay sa akin ang mga magulang ko. Kung kailan ang official announcement ng engagement. Kung kailan ang kasal. Kung tuloy ba ang kasal na 'yon, o umatras na ba si Reid dahil nakapagtanto niyang hindi kami bagay?
I cringed at my last thought. Noong una ay medyo interesado pa ako ng lubos sa kanya dahil challenging ang dating niya sa 'kin, ngayon naman ay interesado ako sa kanya dahil gusto ko siyang matauhan sa pagiging arogante niya. He's full of himself. Pakirandam niya ay isa siyang hari na hahabul-habulin ko. I'd like to see him being humbled because that's all he can do. Kung paano ay hindi ko pa alam.
* * *
Humagalpak ng tawa si Sydney nang ikwento ko sa kanya ang nangyari sa amin ni Reid kahapon sa office niya. My face heated in shame. I was telling her what happened so I can get her sympathy but she ended up laughing at my story.
Sumimangot ako at nagsisi. I didn't like it when she's making fun of me. Kapag naaalala ko ang nangyari kahapon. Ang pagkapahiya at galit ko, sumasama pa din ang loob ko.
She sipped on her coffee and tried to control her amusement. Tumikhim ito at pilit na pinigil ang pagtawa.
"Walang nakakatawa, Sydney." inirapan ko ito at ininuman ang aking frappe.
"Sorry, Ali!" ngumisi siya at umiling. "Hindi lang ako makapaniwala na nangyari 'yon. I mean, I would understand if his secretary doesn't know the situation. Pero pati si Reid, hindi alam na may fiancée siya? That's weird! Baka sinadya niya 'yon!"
That's exactly what I've been thinking about. Pakirandam ko tuloy, hindi ako importante at isa lang laruan na magpapalago ng negosyo ng pamilya ni Reid. Pero, nag-sorry siya kagabi... He admitted that he forgot...
I don't even know if he's really telling the truth.
I shook my head. "Mukhang sasakit lang ang ulo ko sa lalaking 'yon. He isn't really nice like what I thought."
Sydney looked at me as if she's trying to read through my head. Naningkit ang mga mata niya habang pinag-aaralan ang emosyon sa mukha ko.
"Hindi naman lahat ng lalaki, makukuha mo agad ang ugali sa isang titig lang, Ali. He may be handsome and has an angelic face but you'll know his attitude once you see him twice or multiple times. Kung ako sa'yo, tatawagan ko siya at makikipag-date, just to test if he's just enough to be my husband. Alam mo 'yon? Kahit walang pagmamahal basta pareho kayo ng iniisip o nagkakasundo sa mga bagay, pwede na 'yon para matagalan niyo ang isa't-isa bilang mag-asawa."
Syd is probably right. Kinuha ko sa wallet ko ang calling card na binigay sa akin ni Reid.
I'm giving him the benefit of the doubt. What if he's just really arrogant because he doesn't know me yet? What if he's really a kind-hearted guy if I just get to know him more? Baka naman mabuti talaga siya at bunga lang ng sawing pag-ibig kaya gano'n kabastos ang ugali niya pagdating sa 'kin.