Chapter 8

26.7K 712 48
                                    


Decision

Dinala ako ni Reid sa isang lugar kung saan kita ang kalakihan ng syudad— ang mga naggagandahang city lights ay kita mula dito, ang mga nangniningning na bituin at ang bilog at maliwanag na buwan. Umiihip ang malamig na hangin na hinihipan ang aking buhok. I gathered the strands of my hair and tucked it behind my ear.

Nilingon ko si Reid na lumabas sa kotse dala ang plastik na may lamang beer . Binuksan niya ang isa at binigay 'yon sa akin.

"Thanks," I said and stared at the city view once again. Ininuman ko ang bote ng beer. Nagdala iyon ng init sa lalamunan ko pababa sa aking tyan. Kahit papaano ay naibsan ang lamig na nararamdaman ko.

"Is something bothering you?"

I shook my head and smiled bitterly. Wala namang bumabagabag sa akin. Sa tingin ko'y napagod lang talaga ako sa trabaho.

"I am just tired from the case we've handled today," I shrugged and sighed in defeat. I looked at Reid who's also staring at me. "Legal Stenographer lang ako pero hindi ko maiwasang maapektuhan lalo na kung matindi ang case na kailangang ilaban sa court."

"Ano bang case ang natanggap niyo ngayong araw?" kuryoso niyang tanong.

Bago 'to, ah? Binuksan niya ang beer niya gamit ang metal na beer opener ring na suot niya. Pinanood ko kung paano niya inuman ang bote habang pinagmamasdan ang kabuuan ng syudad mula sa kinatatayuan namin.

"It's actually a rape case," I replied and then we had a minute of silence.

Reid looked at me carefully. I breathed in and shrugged it off. Ininuman ko ulit ang bote ng beer na hawak ko. Pinunasan ko ang labi ko pagkatapos ay nagpasyang magpatuloy sa pagsasalita.

"Hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa ng ibang mga lalaki ang mangbastos ng mga babae sa ganoong paraan. There must be a serious problem in their heads to come up with this kind of harassment... violating and abusing women up to the point that they will destroy every bit of hope and purity they have..." I sighed and shook my head. "Hindi ko alam ang pakiramdam ng mga nabibiktima ng rape pero isipin ko pa lang, ang sakit na sa dibdib. Paano pa kaya ang nararamdaman nila gabi-gabi, ano?"

Nag-igting ang panga ni Reid. Ininuman niya ang hawak niyang beer at saka bumaling ang mga mata sa tanawing nasa harapan namin.

"Kung sa kapatid ko nangyari ang ganiyan, handa akong makulong habang buhay, mapatay lang ang siraulong may sala..." he said  firmly and muttered a curse. 

"Just be thankful that your sisters are safe and let's just hope that these rape victims will get the justice they deserve," I said and smiled a bit. "Who would have thought that we'll have a conversation like this? Hindi mo yata ako inaaway ngayon?"

Sumilay ang ngiti sa labi ni Reid. Bumalik ang tingin niya sa akin. He raised his brow and smirked more.

"You missed my grumpy side?"

Umiling ako. "I'm glad that your grumpy mood isn't activated this time. Pasensya ka na. Kababalik ko lang sa trabaho 'tapos ang bigat ng kasong bumungad sa akin kaya medyo lutang ang isip ko."

"No worries, Al."

I bit my lower lip and tried to avoid his piercing stare.

Chasing Reid AlvedoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon