StunnedNakasunod ako sa dalawang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong bumuntong hininga. Kanina lang ay ang saya saya ko dahil nag-eenjoy ako sa paghulma ng mga clay samantalang ngayon ay kinakain na naman ako ng masamang hangin.
Nilingon ako ni Reid. His left hand is inside his pants' pocket, ang isang kamay ay hawak ang paperbag laman ang kauna-unahang paso na ginawa namin ni Bea.
"Malayo pa ba?" tanong ni Reid sa akin at tinanaw ang Tayid Lighthouse.
"Malapit na," matabang kong sabi at saka nilapagsan sila ni Vash.
"I'm tired as fuck, bro. Can we just take a rest for a minute or two?" Naririnig kong reklamo ni Vash sa kaibigan niya.
Hindi ko napigilan ang pag-ismid. Sino ba naman kasi ang nangulit na puntahan ang lighthouse, 'di ba? This is all Vash's idea and now he has the audacity to complain? Iba!
"Magpahinga ka nang maiwan ka," ani Reid mula sa likuran.
Sinabayan niya ako sa paglalakad. Humalukipkip ako at tinignan ang huling kalsadang lalakaran namin papuntang lighthouse. Lumalakad kami sa pataas na burol at ang magkabilang gilid namin ay purong berdeng hills at asul na dagat.
Bandang mag-aalas kuatro nang umalis kami kila Bea. Halos mag-iisang oras na kaming naglalakad pero hindi naman alintana ang pagod dahil sa magandang tanawin na nakikita namin. Umihip ang sariwang hangin. Nililipad no'n ang mahaba kong buhok.
"Lalim ng iniisip mo," puna ni Reid sa akin habang sinasabayan ang paglalakad ko.
Saglit akong sumulyap sa kanya. Agad din akong tumingin sa asul na dagat mula sa gilid ko. Hindi ko talaga matagalan ang tingin niya dahil sa kung anong naramdaman ko kanina. Bigla akong nailang na hindi ko malaman.
"Wala kang pake."
I heard him sigh. Nilingon ko si Vash. Hindi na ito sumama sa amin, nakaupo siya sa railings at halatang nagpapahinga. Bahala siya!
"Your parents told me that you got mad because they wanted you to resign at your work for me," sambit ni Reid. "And if you think I'd do the same, you're wrong."
"What do you mean?"
He glanced at me. Seryoso ang pagkakatitig niya na para bang kailangan kong seryosohin ang lahat ng sasabihin niya. I swallowed hard, as his intense eyes speak of something bigger which I can't decipher.
"I'll let you do stuffs that will make you happy and comfortable, Al. Hindi ako masamang tao para ikulong ka sa magiging bahay natin." he uttered gently.
Umawang ang labi ko. Alright, I didn't expect that I will hear it from him. I thought he's the kind of man who wants to be served. Iniisip ko pa ngang aalilain niya lang ako kapag kinasal kami. Now, what he said is a breath of fresh air.
"Baka sinasabi mo lang 'yan para mapauwi ako sa Manila..." I pouted my lips.
He laughed a bit and shook his head. He ran his finger through his hair before he looks at me carefully.
"You can trust my words," he added.
Lumunok ako at nag-isip ng mabuti. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero sa huli ay pinili ko na lang manahimik. It's kind of difficult to let it all out. Hindi ko alam kung maiintindihan niya ako.