Kabanata 6

864 22 4
                                    

Paglaruan

Minsan mahirap intindihin ang buhay ng isang tao. Hindi natin maiintindihan hangga't hindi mo aalamin ang naging takbo ng buhay nito. Try to figure out what happened to his or her life before your malicious comment speak up. Hindi kasi natin maiintindihan ang isang tao kung ikaw mismo ay sarado ang isip para intindihan  sila.

Two hours ago. I met the other side of Coyoka. It's pitiful to know his life. He's miserable knowing that he was blaming himself about his parents incident. Kanina pa niya ako hinatid sa bahay pero hanggang ngayon ay lutang parin ako sa nangyayari. Ang puso ko ay may panibago na naman tinitibok. Bumibigay na naman yata sa taong hindi ako iibigan pabalik. Tuluyan na yata nawala ang reputasyon ko sa isang lalaki.

Na dapat mas matanda sa'kin ang taong mamahalin but it's figure out that I will break my reputation for him.

Break my rules, it will break my heart. Minsan kasi kapag ayaw mo sa isang tao kapag ang puso ay sinisigaw ang taong iyon ay wala ka ng magagawa.

We hate to admit it but we fall inlove with the wrong person. Huwag natin madaliin pero sa nangyayari sa panahon ngayon. Sabik na tayo sa pagmamahal na maibibigay ng isang tao.

Lunes na pero sa dalawang araw na lumipas ay hindi na nagparamdam si Coyoka. I kept checking my phone every minute passed. Baka kasi nakaligtaan ko lang at may text pala siya.

Huminga ako ng malalim at humigpit ang hawak ko sa bag ng makita ko si Steph at Matth na magkahawak ang kamay na naglalakad.

Napangiti ako ng mapakla lalo ng makita ko sila paano ngitian ang isa't-isa. Sinubukan ko pakiramdaman ang sarili ko pero halos wala akong maramdaman ang kahit ano. Siguro sa ngayon nakalimutan ko na ang tungkol sa kanila pero sa kabila nun may iba ng tao natitipuhan ng puso ko.

Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad pero bago ko pa masimulan ang paghakbang ay may humawak na ng kamay ko.

Mabilis ako lumingon at nanlaki ang mata ko ng bumungad sa mukha ko ang nakakalokong ngiti ni Coyoka.

" Maghawak rin tayo ng kamay para di ka na magselos." sambit niya at kinindatan ako.

Umawang ang bibig ko at pilit ko hinihila ang kamay ko sa kanya pero hinigpitan niya ang hawak sa'kin.

" No, I won't let you go." uminit ang pisngi ko sa sinambit niya na mas nagpalawak ng ngiti niya. " Tara na mahal ko."

" H-hoy.. T-teka l-lang." wala akong nagawa ng hilain niya at halos sinusundan na kami ng tingin.

Ano na lang iisipin nila? Isang senior at isang junior magkahawak ang kamay? The heck! Baka mapa- guidance ako ng wala sa oras!

" H-hoy.. C-coyoka b-bitawan mo ung k-kamay ko!"

Hindi na mapirmi ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kamay namin dalawa. Kinabahan ako habang papalapit kami sa gate at nakita ko ang pagkunot ng noo ni Alice habang nakatingin sa amin.

Pero imbes na bitawan niya ang kamay ko ay sinulyapan niya lang ako at binigyan ng isang matamis na ngiti. Ang mabilis na lakad kanina ay naging mabagal na ngayon lalo ng sabay kami pinatigil ng SSG. Sa huling pagkakataon ay hinigit ko ang kamay ko at mabilis naman niya binitawan.

Hindi nakaligtas sa'kin ang pagtaas ng kilay ni Alice ng makita ang ayos namin dalawa kanina.

"Ate Lil." tawag sa'kin ng presidente ng SSG.

Si Jonathan.

Lumingon ako sa kanya nang makitang lumapit siya sa amin. Sumibol ang kaba sa dibdib ko ng makita ang seryosong tingin sa'kin bago nilipat ang tingin kay Coyoka.

I love you, Good byeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon