Kabanata 16

719 25 0
                                    

Galit

Tulala ako sa labas ng bintana habang nililipad ng hangin ang buhok ko. Bukas ang bintana ng kwarto ko habang yakap ang mga tuhod ko. Tumulo muli ang luha sa pisngi ko at wala akong ibang ginawa kundi punasan agad ito.

Dalawang araw na ako hindi pumapasok. Sa loob ng dalawang araw ay wala akong ibang ginawa kundi magmukmok sa loob ng kwarto.

Again, the air whispered. My hair blown by the wind and how I wish throught out the wind my pain will go away. This is the first time that it seems like I'm worthless. That my world betrayed me. Para bang hindi nila ako kakailangan dito dahil sobra akong nagkasala. For this is unfair but kung tutuosin ako mas naging unfair sa mga taong nasa paligid ko.

My friendship is over. Pinutol ni Steph ang pagiging magkaibigan namin dahil sa di ko alam na dahilan. She choose to cut her friendship to me. May kasalanan ako sa kanya. Hinding-hindi ko malalaman iyon kung hindi ko aalamin mismo kay Matt but I feel drain right now.

Ang gusto ko lang gawin ay mapag-isa.

Ngumiti ako ng malungkot ng marinig ko ang sigawan mula sa labas. Mga naglalarong bata. Kahit hindi ko silipin iyon ay alam ko ang saya mula sa mga tawa nila na malayong-malayo sa nararamdaman ko.

Para akong nilulunod sa sakit ng nararamdaman ko. My chest hurt so bad na gusto ko na lang gawin ay patigilin ito. Ilang beses ko itong hinampas ng paulit-ulit pero walang kwenta dahil paulit-ulit akong pinapatay.

Mabilis ko sinubsob ang mukha sa unan ng marinig ko ang pagbukas ng kwarto ko.

"Anak kakain na." narinig ko ang boses ni mama.

" Mamaya na lang ma." paos ang boses ko.

Kahit hindi ako nakatingin ay alam ko bakas sa mukha niya ang pag-alala dahil kahit baliktarin man ang mundo ay magulang ko siya. Natural lang na magalala sa anak.

" Hindi parin ba maganda ang pakiramdam mo?"

Naramdaman kong lumubog ang gilid ng kama ko sanhi ng umupo siya. Marahan hinaplos ang buhok ko.

" Ilang araw ka ng ganyan. Pati papa mo nagalala na sa'yo. Okay ka lang ba anak?"

Ang malambing na boses ni Mama ay tila hinahalele ako. Gustuhin ko man ikwento sa kanya lahat pero hindi pa ako handa.

Hinahayaan niya ako mapag-isa hanggang kusa ko na lang sabihin sa kanya.

Kahit paano ay gumaan ng konti ang pakiramdam ko dahil sa marahan mga haplos niya.

Iniwan ako ni Mama sa silid pero wala pang ilang sampong minuto ay dinalhan na niya ako ng pagkain.

Ngumiti siya sa'kin ng mahuli niya akong nakamasid sa kanya. Lumapit siya ulit sa'kin at hinalikan ako sa noo.

Araw ng sabado ay walang pinagbago sa ginagawa ko. Kung hindi umiiyak ay nakatulala naman sa kisame. My head hurt at the same time my heart. Looking at the mirror. I never seen myself how pity I am.

Pinasadahan ng daliri ang buhok ko at malungkot na pinagmasdan ang sarili. Hindi kaaya-aya ang itsura ko. Malayong-malayo sa kinagawian.

Hindi ko inaakala na darating ako sa puntong kaya ko hayaan ang sarili ko ganito. Gulong-gulo ang buhok, busog ang mga mata sa kakaiyak, at lalong ilang araw ko ng hindi pagligo. Nagtataka nga ako kung bakit hindi ko na maamoy ang sarili ko na para bang pati sistema sa buong katawan ko ay unting-unting sumusuko tulad ng puso ko.

Pinakamarupok na parte ng katawan ng isang tao ay ang puso. Madaling mapadala sa matatamis na salita at mabilis rin masaktan. Sometimes we wanted to get something from the people that important in our life's. That is to love and to be loved.

I love you, Good byeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon