Binalewala
"Be mine then." subok ko sa kanya pagkatapos ng ilang minutong pagiging tahimik namin.
Saglit siya napatitig sa'kin at tahimik na umiling. Parang may tumusok sa dibdib ko sa naging sagot niya.
" I don't want to hurt you. Oo gusto kita pero may mahal akong iba." malungkot niyang sinabi sa'kin.
Saglit ako natigilan at tila namanhid sa hindi malaman dahilan kaya ng tumingin siya sa'kin ay napaiwas agad ako ng tingin.
Halos nanginig ang labi ko ng bumukas ito para tugunin siya. " A-ah ganun ba?" napalunok ako at sumubok ulit. Ayoko man magmukhang tanga para habulin siya pero sumubok ulit ako.
" H-hiwalay naman kayo kaya bakit hindi natin subukan?" buong tapang humarap sa kanya at sinalubong ang mga titig niya..
Grabe ang kabog sa dibdib ko kaya pati ang pag function ng utak ko ay nawala ng landas. Napahugot siya ng hininga at dahan dahan lumapit sa'kin. Hinuli niya ang mga takas na hibla ng buhok ko at nilagay sa likod ng tainga. Marahan siyang ngumiti sa'kin at tila nag-isip muli habang malalim na nakatitig sa'kin.
Umihip ang malamig na hangin sa pagitan namin dalawa kasabay sabing.
" Yeah you're right. Walang masama kung liligawan muna kita." nangiti niyang sambit sa'kin.
Sumilay rin ang ngiti sa labi ko dahil sa konting pag-asa pero hindi katulad sa kanya ay nababasa ko ang pagdadalawang isip sa mga mata niya.
Later on, my smile fade away. Still not enough. Pinagloloko ko lang sarili ko.
"Lillie."
Hapon na at nandito ako sa green house para lumanghap ng simoy ng hangin ng tawagin ako ni Matt. Taka akong tumingin sa kanya dahil di siya madalas mapagawi dito.
" May problema ba?" tanong ko sa kanya. Marahan siyang umiling. Naglakad siya palapit sa'kin at umupo sa harapan ko. Napatikom ako ng mapansin ko ang paninitig niya.
" B-bakit?" kinakabahan tanong ko.
" Okay ka lang?" sambit niya. Hindi inaalis ang tingin sa'kin kaya halos mailang ako sa paninitig niya.
Iniwas ko ang tingin sa kanya. Ganitong-ganito. Ganitong-ganito kung bakit umaasa ako na may pag-asa ako sa kanya. Yung mga titig niya na akala ko may ibig sabihin but mali ako. He only see as his friend. Masakit sa noon iyon kaya di na ako magtataka kung bakit may pait pa sa dibdib ko.
Napayuko ako at dahan dahan tumungo. " Oo naman. Ako pa kaya bakit di ako magiging okay." tugon ko ng hindi parin tumitingin sa kanya.
Hindi agad siya nakasagot at kahit di ako nakatingin ay alam kong nakamasid siya sa bawat emosyon bumabalatay sa mukha ko. Ayokong mabasa niya ang emosyon sa mukha ko kaya pilit kong sumimangot at buong tapang na binalik ang tingin sa kanya.
He raised his eyebrow at me and pout his lips. Pinipigilan niyang ngumiti.
" Seryoso mo kasi kanina eh." sagot niya at sa wakas ay inalis niya ang tingin sa'kin.
Halos nakahinga ako ng maluwag sa ginawa niya. Tila naubusan kami ng sasabihin kaya ang ending tahimik lang kaming dalawa habang pinapakiramdam ang isa't-isa. Hanggang siya na mismo ang hindi nakatiis.
" Nanliligaw sa'yo?"
Kumunot ang noo ko. " Si Coyoka?"
Tulad ko ay kumunot ang noo niya. " Who's Coyoka?" balik niya.
Napatawa ako ng maalala na ako lang pala tumatawag ng ganun sa kanya. " Well, si Jaxon ba ang tinutukoy mo?"
Naguguluhan na tumungo si Matt. Napatitig ako saglit sa kanya. By the way,how did he know?
" Yes. " sambit ko.
He nodded his head and lick his lips. " Mas bata siya sa'yo kaya bakit..."
Hindi ko tinuloy ang sasabihin niya. " I'm only two years older than him. Tsaka uso naman ngayon ang age doesn't matter."
" Sa'yo okay lang pero yung iisipin ng iba? Lillie mas maganda parin na mas matanda ang lalaki kaysa sa babae. " tangi niya.
Napairap ako sa hangin. Psh. Kung mahal mo naman ang tao may pakialam ka pa ba sa age? Syempre wala. Mahal mo e. Tsaka it just a number. Ang importante naman mahal niyo isa't-isa.
" I like him. Valid na rason iyon kung bakit wala na akong pakialam sa agwat ng taon namin dalawa. " naiiling na turan ko at tumayo para ihanda ang pag-alis.
Sinisira niya ang araw ko.
Hindi pa ako nakakalayo ng inis akong lumingon sa kanya dahil muli niya ako tinawag.
" Sasaktan ka lang niya. " tugon niya.
Awtomatikong tumaas ang kilay ko at hindi na sumagot. Tinalikuran ko siya na may sama ng loob sa dibdib..
You too. Sinaktan mo rin ako pero ano ginawa ko? Tinanggap ko ang pagkatalo ko alang ala sa friendship namin ng girlfriend mo. Ginusto kita kahit wala na akong pag-asa sa'yo.
Lumandas ang luha sa pisngi ko ng maalala ko ang sakit ng malaman kong gusto niya ang bestfriend at ginawa niya akong tulay para maging sila.
Ang saklap.
Inis na pinahid ko ang luha ko. Maybe...maybe this time. Ilalaban ko na ang damdamin ko kahit wala naman akong pag-asa. Mas okay na umiyak ako dahil sinubukan ko parin, hindi yun iiyak ako dahil hindi ko man lang sinubukan ipaglaban ang nararamdman ko.
Lumipas ang ilang araw ay marami ng nakakapansin na tungkol sa amin dalawa ni Coyoka. Binabalewala ko na lang kapag tinatanong nila ako. Lalo na alam kong ako mas nakakatanda parin sa kanya.
" Handa ka na?" mula sa kabilang linya ay yun ang naging bungad niya sa'kin. Napahugot ako ng hininga at napatingin sa dala kong bag.
Sapat na siguro para sa dalawang araw. Napatango ako bilang sagot sa kanya kahit alam kong wala siya sa harapan ko.
" Oo..." mahinang sambit ko at pigil ang sarili huwag sumabog dahil sa bigat na nararamdaman.
May leadership training na magaganap at nagkataon na parehas kami officer sa ibang clubs. Imbis na sa school gaganapin ay mas pinili nila mag campaign sa bundok na nasa likod lang ng school.
Mabilis ako bumaba at nagpaalam kay mama. Tahimik lang siya tumungo at pinagsabihin na mag-iingat. Pagkabukas ko ng gate ay hindi na ako nagulat ng makita ko siya nanghihintay sa'kin.
Tulad na palagi niyang ginagawa. Ngumiti siya pero muli hindi umaabot sa mga mata niya. Napabuntong hininga ako at lumapit sa kanya.
" Sakay na." sambit niya at binigay sa'kin ang isang helmet. Wala akong imik na kinuha sa kanya at sumakay sa motor niya. Nasanay na rin ako na yakapin siya mula sa likod.
" Shit, I feel you." bulong niya pero di nakatakas sa pandinig ko..
Napairap ako sa hangin at naiilang napatawa. " Para naman di ka nasanay..."
He chuckled. Mabilis niya manapula ang manibela kaya napayakap ako sa kanya ng mahigpit.
How I wish ng ganito lang. Gusto ko maramdaman ang kapayapaan sa dibdib. Habang tumatagal. Bumibigat ang pakiramdam ko kasama siya. Kahit alam kong ganun din ang nararamdaman niya dahil may mahal siyang iba ay mas pinili niyang manatili sa tabi ko pero hanggang kailan? Hanggang kailan siya mananatili sa tabi ko? Paano kapag pinapili siya sa dalawa, sino pipiliin niya?
The woman he loved so much or yung babaeng mahal siya? What he will going to choose?
BINABASA MO ANG
I love you, Good bye
Genç Kurgu"You loved her, She loves you but I love you too. Paano naman ako?" Kailan ko pa ba maging kontrobida para mapansin niya ako? Started: March 29, 2019 End: April 03, 2020