Kabanata 20

979 30 4
                                    

Iloveyou, Goodbye

" Anak kanina pa naghihintay sa'yo si Jaxon. "

Muli ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko at sa pangalawang beses sinabi ni Mama about kay Coyoka.

" Ma pauwiin mo na lang. I don't want to see him."

I turned my back. Nagpanggap ako na may binabasa hanggang sa marinig ko pagsarado ng pintuan. Humugot ako ng hininga at pasimpleng sumilip sa labas.

Nakita ko si mama lumabas ng bahay at kinausap si Coyoka na naghihintay sa labas. Matagal sila nag-usap bago ko nakita ang unting-unti pagtungo niya. Suminghap ako ng bigla lumipad ang paningin niya dito kaya tinago ko ang sarili ko sa likod ng kurtina. Matagal nasa ganun akong posisyon tsaka bumalik ulit.

Wala na si Mama naabutan ko pero nanduon parin si Coyoka at nandito parin ang tingin. Inikot ko ang wheelchair ko at pinatay ang ilaw. Muli akong bumalik sa tabi ng bintana at katulad kanina ay nandito parin sa taas ang tingin niya.

Kumirot ang puso ko ng makita ko ang pagod at lungkot sa mukha niya pero ang makita ang sakit sa mga mata niya ang nagpaluha sa'kin.

Matagal siya nasa ganuon posisyon. Nakita ko pa bumuka ang bibig niya at tila may sinabi. Kahit na may sinabi ay naintindihan ko ang sinabi niya.

Babalik ako

I smiled sadly.

No you can't. You shouldn't.

He turned his back and starting to walk away. Sumakay siya sa motor niya hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Bumagsak ang balikat ko at pagod na sinandal ang likod. Mariin akong pumikit at hindi tumigil sa pagluha ang aking mata.

Nagsisimula pa lang ako alisin siya sa buhay ko pero alam kong mahirap. Sa pangatlong araw niyang pagpunta dito ay walang tigil ang sakit na nararamdaman ko. Naawa ako sa kanya. Naawa ako sa sarili ko dahil ako ang dahilan kung bakit naghihirap siya ngayon.

Kaya nga habang maaga pa. Hanggang kaya ko isalba. Puputulin ko na.

" Ano ba ang problema anak at iniiwasan mo si Jaxon?" tanong ni mama habang kumakain kami ng umagahan.

Masakit ang ulo ko ng magising ako at alam ko pansin nila ang pamamaga ng mata ko. Matagal bago ako nakasagot.

" G-gusto ko lang itama ang lahat ma. " sambit ko na nagpatahimik sa kanya.

Hindi ako tumingin. Alam kong nakamasid sila sa bawat kilos ko pero dahil ramdam ko ang pagod ay mas mabuting hindi na ako gumawa ng bagay na kinadududa nila.

Sinimulan ko ulit inumin ang gamot ko pero sadyang naging malupit ang tadhana.

" Sumagot ka! Ano toh Lillie?! Bakit nakabalot itong gamot mo sa tissue at tinatapon mo pa sa basurahan."

Sunod-sunod na tumulo ang luha sa pisngi ko. " M-ma s-sorry p--"

" Sinadya mo? A-ayaw mong gumaling anak?" tanong ni Papa.

Natigilan ako at dumapo ang paningin ko sa kanya. Bihira lang siyang magsalita at marinig ko ang tanong niya ay nagpahina sa'kin.

" P-pa sorry po talaga. A-alam kong mali ang g-ginawa ko at nagpalamon ako s-sa galit--"

" H-hindi mo naisip ang mararamdaman namin ng mama mo?" he asked again. " A-ayaw mo ipagpatuloy ang buhay mo? Mas gugustuhin mo na lang na masaktan kami sa pagkawala mo? A-alam mo anak sinusubukan namin maging matatag para lang samahan ka labanan yan kondisyon mo pero sa natuklasan namin ng mama mo..nakakawala ng gana samahan ka."

I love you, Good byeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon