Kabanata 10

720 19 0
                                    

Sulyap

Mabilis na nilipad ng hangin ang buhok ko pagkababa ko pa lang sa bus. Pumikit ako saglit at dinama ang masarap na simoy ng hangin.

Kaagad ko nilibot ang buong paningin ko sa paligid at tulad ko ay bakas rin sa buong mukha nila ang saya at mangha sa lugar. Well di ko rin sila masisisi. I'm not fan of nature but I know how to appreciate this kind of nature. Nasabi na rin sa amin na camping kami at more activities.

Sabagay ano pa ba aasahan ko gagawin namin. Eh, obvious naman na di kami naglalakwatsya.

Napasulyap agad ako sa tabi ko ng maramdaman kong may tumabi sa'kin. It's Matt.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang sinabi niya. Kamusta kaya si Steph? I'm sure umiiyak na naman yun.

Matalim kong tinignan si Matt. " Why?" tanong ko.

" I told you. It's personal." sagot niya.

Natahimik ako saglit at tinitigan siyang maiigi. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. " Minsan mas magandang huwag mo na lang alamin. And it's not healthy." sumulyap siya sa'kin at inabot ang gamit ko.

Napasimangot ako at labag man sa loob ay inaabot ko yun.

" Let's go." nauna na siyang naglakad sa'kin. Napailing na lang ako at inirapan siya.

Nagtipon tipon kaming lahat para ipahayag ang mga rules regulations. Mabilis na hinanap ng mata ko si Coyoka habang nasa harapan ko si Matt at tulad ng iba ay nakikinig din siya. Minsan nakakasawa ang pagiging masunurin. Try mo rin kaya hindi sumunod.

" Sino hinahanap mo?" he whispered.

Napatalon ako sa gulat at marahas na nilingon ang taong yun pero mas lalo yata ako nagulat ng mapansin kong sobrang lapit ng mukha niya sa'kin.

Coyoka.

Halos langhap ko na ang hininga niya. Later on, the side of his lips raise up and he wink at me.

" What's up?"

"K-kanina ka pa dyan?" tanong ko.

Tumitig siya sa'kin at dahan dahan tumungo. "B-bakit ba ganyan ka na naman tumingin?" hinampas ko siya sa braso at mabilis na iniwas ang tingin sa'kin.

" Ang ganda mo po ate." narinig kong sinambit niya sa likod ko.

Kumunot ang noo ko sa tinawag niya ulit sa'kin. Teka nang-aasar na siya ah!

" Ano sabi mo? Kanina ka pa ah! Eh, ikaw kaya tawagin kong bata sa tingin---"

He put his finger on my lips and leaned closer. "Shhh." he smiled at me that makes my heart fluttered. " This is my ate. Your are only mine ate. By the way ang ganda mo po talaga."

Uminit ang pisngi ko sa tinuran niya at halos iikot ko na ang dalawang mata ko. Umiling siya sa harapan ko at hinaplos ang pisngi ko.

"Lillie." Matt called my name.

Halos umirap ulit ako sa isip ko. Talaga nakikiepal itong si Matt. Hindi porket naging crush ko siya noon ay hindi ko siya tatarayan.

Humiway si Coyoka sa'kin at maangas na namulsa sa harapan namin dalawa.

" Kita na lang tayo ulit Lillie." sambit ni Coyoka at saktong pagtalikod niya ay siyang pagpunta namin sa lugar kung saan kami magtatayo ng tent.

Hinati kami sa dalawang grupo which is yung nasa kanan ay ang mga lalaki at sa kaliwa ay kaming mga babae. Buti na lang may swerte parin ako dahil hindi ko nakasama si alice sa tent kundi hindi ko alam kung papaano ko siya pakikisamahan.

Ayos na rin mag-alaga ng lower years.

" Ate Lillie saan po kayo banda pwewesto?" tanong ng isa na makakasama ko.

Ngumiti ako sa kanila. " Sa gilid na ako. Tsaka huwag kayo mailang sa'kin okay?"

Mabilis naman sila tumungo at sinuklian ang ngiti ko.

Good.

Bumalik ulit ako sa pag-aayos ng gamit at hinintay na muli kami tawagin. Kaya habang naghihintay ay lumabas ako sa tent at nilibot ulit ang paningin sa buong paligid. Hindi talaga ako magsasawa pagmasdan ito. Huminga ako ng malalim at sinakop ang buhok para itali.

Sana talaga maenjoy ko ang pagtraining namin dito and well maeenjoy ko lalo dahil makakasama ko si Coyoka.

Napangiti ako sa sarili at nilibang ang sarili sa pagmamasid sa paligid habang iba ay kanya kanya ayos ng mga gamit.

" Tsk"

Napasulyap ako sa likod ko at nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko si Alice na masama ang tingin sa'kin. Isa din ito panira ng araw.

Napailing na lang ako at inirapan siya.

" Problema mo?" tanong ko.

" Hindi talaga maiiwasan ang paglalandi mo ano?"

" What?" tumaas ang kilay ko.

Umiling siya at ngumisi sa'kin nakakaloko. " Di ko alam bingi ka rin pala." she crossed her arm. " Ang landi din pala nakakabobo."

Mas lalo tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. " Mas nakakabobo ang umaasa sa taong di ka na gustong balikan. Back off Alice. He likes me." I told her.

Natuwa ako sa isip ko ng makita kong natamaan siya sa sinabi ko. " Hindi ko alam kung ano dahilan kung bakit ka hiniwalayan ni Coyoka but I'm glad that he likes me now." lumapit ako sa kanya at naningkit ang mata ko.

" Ano ka ngayon?" ngumisi ako sabay flip ng hair ko.

Nang-aasar akong tinalikuran siya. Pinili ko muna maglakad lakad para malibang.

Hindi ko maiitatanggi na masaya ako habang nagmamasid sa paligid. I love the view. The mountain, the sweet air, the people, and how the tree sway because of the air. Alam ko may activity kami kung saan may hiking na magaganap.

"Lillie saan punta mo?"

Sumulyap ako at nakita ko si Matt na may dala dalang kahoy sa bandang balikat niya.

" Ah wala nagpapalipas oras lang. Boring kasi." sagot ko at pinagpatuloy ang paglalakad.

" Sige mag-ingat ka at huwag kang magpakalayo layo lalo ng hindi natin kabisado ang lugar." puna niya at mabilis na iniwan ako.

Nagkibit balikat ako at sa paglingon ko sa kaliwa ay may nahagit ng paningin ko.

Si Coyoka.

Kumunot ang noo ko ng makitang nakatitig siya kung saan habang may binubugang usok mula sa bunganga.

Don't tell nagsisigarilyo siya?

Humakbang ako patungo sa kanya pero natigilan rin ng mapansin kong ngumiti siya ng konti. Sinundan ko ng tingin ang sinusulyap niya hanggang sa magsettle iyon mismo kay Alice.

Kumuyom ang kamao ko ng makita ko rin ang pagbalik ng ngiti niya kay Coyoka.

Nakaramdam ako ng kirot at inis sa dibdib ko dahil sa nakita. Ang simpleng sulyap lang nila sa isa'-isa ay nakakapaginit ng noo ko. 

Wala sa sariling hinakbang ko ng paa ko patungo sa kinaroroonan ni Coyoka at

I love you, Good byeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon