SB19 Pablo Fanfiction
-----
Ang akala mo ay may pagkakataon ka pa. Akala mo masasabi mo pa sa kaniya ang lahat ng itinatago mo.
Itinakda mo na sana ang araw ng reunion ninyo para sa pag-amin mo kay Pablo ng nararamdaman mo pero hindi mo na iyon nagawa. Bago pa man kasi matapos ang reunion ninyo: kung kailan mo na planong magsabi ay isang pagsabog sa kung saan ang nakapagpatigil sa'yo.
Ngayon ay wala ka ng maramdaman na kahit ano. Wala ka ng nararamdamang sakit pero bakit may likidong tumutulo sa iyong mga mata. Umiiyak ka ba? Pero isa ka na lang kaluluwa.
“Axie...”
Nang marinig mo ang napapaos na pagtawag ni Pablo sa pangalan mo ay sandali kang napapikit ng mariin. Tila naging isang malungkot na musika kasi iyon.
“Pablo...”
Hindi ka man nakikita ng binata ay alam mong ramdam nito ang presensiya mo dahil sa pagyakap nito sa sarili.
“Ilang araw ka ng walang maayos na tulog Pab. Magpahinga ka na, baka mamaya ay katawan mo naman ang bumigay.”
Gustuhin mo mang hawakan si Pablo ay tumatagos lang iyong malamig na braso sa katawan nito.
“Bakit ba kasi naduwag ako?” Galit na tanong ni Pablo sabay hagis sa hawak nitong regalo.
Naupo ang dumating na si Stell sa kama at inakbayan nito si Pablo. “Hindi ko alam kung paano mapapagaang ang pakiramdam mo pero bro, siguradong hindi magiging masaya si Axie kung makikita ka niyang ganito.”
“Makikita? Nagpapatawa ka ba?” Tulak ni Pablo kay Stell. Galit itong tumayo at tumingin sa labas ng binta kung saan mga makukulay na ilaw lang ang makikita sa paligid. “How could she? Patay na siya Stell! Patay na siya at hindi ko man lang naamin ang tunay kong nararamdaman para sa kaniya.”
“Pab...”
“Ngayon ay wala ng silbi kahit paulit-ulit ko pang sabihin ang salitang 'mahal ko siya' dahil wala na siya. Hindi na niya iyon maririnig at wala na akong makukuhang sagot mula sa kaniya.” Nagsimulang humagulgol ng iyak si Pablo. Unang beses mo lang itong nakita na ganito kalungkot.
Mahal ka rin niya? Isa sana iyong napakagandang balita pero hindi mo magawang magsaya. Hindi dahil sa kalagayan mo. Hindi mo magawang magdiwang kahit pa iyon naman ang matagal mo ng ninanais.
Bakit naman kasi ngayon lang? Pareho naman pala kayo ng nararamdaman para sa isa't isa. Bakit walang nakapansin? Bakit walang nagsimula? Bakit walang nag lakas ng loob? Punong-puno ka tuloy ng pagsisisi. Paniguradong ganoon din ang nararamdaman ngayon ni Pablo.
Kung maibabalik mo lang sana ang lahat sa dati.
“Pablo.” Kahit alam mong tatagos ka lang sa katawan ni Pablo ay sinubukan mo parin siyang yakapin.
Nais mong pagaangin ang loob niya kung maari.
Sa pagkakadikit ng mga katawan ninyo ay napansin mong natigilan si Pablo. Labis na tuwa ang naramdaman mo. Dahil naramdaman niya ang presensiya mo. Ngayon alam mong malalaman na Pablo na naroon ka lang at nakikinig sa kaniya.
Nanatiling nakatayo lang si Pablo. Nakatitig pa ito sa'yo na parang nakikita ka.
Ang saya-saya mo. Sa labis na tuwa ay lalong umagos ang iyong luha. Ganoon din ang binata. Nagpatuloy ito sa pag-iyak.
Ngunit hanggang kailan? Hanggang kailan ka magpaparamdam na nariyan ka lang. Hindi mo ibig na matagal na magdusa ang lalaking iyong mahal kaya umatras ka.
Kailangan mo ng magpaalam. Tama ng nakarating sa kaniya na nalaman mo ang nararamdaman niya.
Alam mong balang araw ay lilipas rin ang lahat. Hindi pa katapusan ng mundo kung kaya't makalilimutan niya rin ang pagkawala mo. Ganoon dapat.
Iyon na ang una at huli mong pagpaparamdam upang mabilis na maghilom ang kaniyang mga sugat na nalikha ng iyong pagkawala.
Paalam Pablo. Paalam.
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
RandomA compilation of my... ✓ One shot stories. ✓ Poem ✓ Spoken Poetry