6. Bakit Ko Ba Nararamdaman ʼTo? | Spoken Poetry

547 13 0
                                    


Bakit ko ba nararamdaman ʼto?
Ang hanapin ka kahit wala namang tayo.
Ang isipin ka ng pa-sikreto.
Ang hangaan ka ng todo.

Bakit ko ba nararamdaman ʼto?
Iyong kahit nasasaktan ako.
Ikaw parin ang tumatakbo sa isip ko.
Ikaw parin ang laman ng puso ko.

Bakit ko ba nararamdaman ʼto?
Bakit kahit anong pilit ko.
Ayaw tumigil ng tarantadong puso ko.
Sa pagsasabing ikaʼy mahal ko.

Bakit ko ba nararamdaman ʼto?
Kahit alam kong imposible namang maging tayo.
Hindi mo nga alam ang pangalan ko.
Tapos naghahangad pa akong magustuhan mo.

Bakit ko ba nararamdaman ʼto?
Sa totoo lang napapagod rin ako.
Napapagod sa pagsaway sa sarili ko.
Sa pag-awat at pagsasabi na imposibleng mapansin mo.

Bakit ko ba nararamdaman ʼto?
Bakit ba ayaw tanggapin ng utak ko ang sermon ng mga kaibigan ko.
Manhid ba ako?
O sadyang hindi lang talaga mababago ang tinatakbo ng puso ng isang tao.

Bakit ko ba nararamdaman ʼto?
Ano man ang sagot sa tanong na 'to.
Ang tanging hangad ko ay sana, kusang maglaho.
Ang sakit na dulot ng pagkabigo.

One Shot Collection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon