10. Tula Para Sa Aking Ina | Poem

514 15 0
                                    

Bata palang ako ay siya na,
Ang naghahanap buhay para sa aming pamilya.
Ang nag iisang tao na sa amin ay sumuporta.
Kahit ramdam naming hirap na hirap na siya.

Sa dami naming magkakapatid.
Pagmamahal niya sa amin ay walang patid.
Tamang paggabay ang palagi niyang hatid.
Dahil ayaw niyang lumuha kami ng walang patid.

Sa mga panahon na ramdam namin ang kahirapan.
Siya ang palagi naming takbuhan.
Sa mahigpit na yakap niya ay napapagaan.
Ang mabigat naming kalooban.

Kahit hanggang ngayon na mayroon na kaming mga sariling pamilya.
Nariyan pa rin siya at nakasuporta.
Patuloy na nagpapayo bilang isang ina.
At ipinapakita ang walang humpay na pagmamahal niya.

Kaya sa'yo aking ina.
Mahal po kita ng sobra.
Labis labis ang aking pasasalamat sa Kaniya.
Dahil sa amin ay ikaw ang ibinigay niya.

One Shot Collection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon