13. Akala | Spoken Poetry

502 15 0
                                    


Crush is paghanga.
Minsan nawawala.
Pero 'pag lumala.
Akala ko ba nauuwi sa mag syota?

Akala ko ganon nga.
Akala ko 'pag inaasar ka niya ay may chance na.
Akala ko ok na.
Akala ko ang kasunod ay tayo na.

Pero nagkamali ako.
Malungkot man pero iyon ang totoo.
Walang forever kasi wala namang tayo.
'Wag na akong umasa dahil hindi naman ako ang gusto mo.

Nagbulag-bulagan ako.
Kasi akala ko pwede pang magbago.
Yung kakarampot na kabutihang pinapakita mo.
Akala ko kasi iyon na ang senyales mo.

Akala ko pwedeng maging tayo.
Bakit ba kasi ang bait mo?
Mali pala na bigyan ko ng ibang kahulugan ang palaging pag ngiti mo.
Siguro nga tanga ako.

Akala ko kasi, ako'y gusto mo.
Lalo't palagi kong nakikita ang lihim na pag sulyap mo.
Pati na rin ang pagiging malambing mo.
Pero mali pala ako.

Maling-mali na umasa sa crush mo.
Mali na bigyan ng kahulugan ang ipinapakita ng taong gusto mo.
Maling isipin na gusto ka ng isang tao.
Lalo kung wala naman siyang sinasabi sa'yo.

One Shot Collection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon