Para sa aking kaibigan. Eto na Ang request mo bhe. :)
-----
Hindi mo naman kaarawan.
Pero sabi mo ika'y aking gawan ng tula, bilang kaibigan.
Kaya heto aking matinding pinag-isipan.
Nakaraa'y aking pilit na binalikan.Hinalukay sa aking utak at pinag-nilaynilayan.
At heto nga ang kinalabasan.
Kwento mula sa aking nakaraan.
Kasama ang taong palagi kong nasasabihan ng mga lihim at kahit ano pa iyan.Siya ay isang tunay na kaibigan.
Donalyn, nga pala ang kaniyang ngalan
Asus tiyak kinikilig 'yan.
Pero, heto na nga at ako'y inyong samahan na balikan ang aming nakaraan.Si Donalyn, palagi kong kasama sa mga kalokohan.
Handa 'yang makipagsabunutan, ako lamang ay kaniyang maprotektahan.
'Pag may exam pwedeng-pwedeng kopyahan.
In short, ang dali niya lang na lapitan.Madalas siya ang gumagawa ng paraan, para si crush ako'y lapitan.
Gagawa ng sulat na kunyari'y aking pinaghirapan.
Ibibigay kay crush tapos tatawa sa sulok, ang sarap batukan.
Pero ang totoo, kinikilig yarn.Tuwang-tuwa rin iyan kapag dumadating ang tanghalian.
Kasi ang tuloy namin ay doon sa kawayanan.
Isang lugar na ginawa naming tambayan.
Parang mga bata lang na nagbabahay-bahayan.Pinaka the best na alaala noong ako'y nag-aaral pa na kasama siya.
Ang saya kasi, para kaming mga walang problema.
Walang iniisip kung hindi ang magsaya.
Salamat sa kaniya napapangiti ako habang iyo'y naalala.
BINABASA MO ANG
One Shot Collection
DiversosA compilation of my... ✓ One shot stories. ✓ Poem ✓ Spoken Poetry