4. Plok Plok Plok | Spoken Poetry

719 15 1
                                    


Plok plok plok, saan ka nga ba nagmula?
Bigla ka na lang sumulpot at sa lahat ay bumulaga.

Pero ang iyong tunay na halaga, hindi ko alam, hindi ko makita.
Kaya nga ako'y nagtataka, bakit biglang naging sikat ka

Plok plok plok, nakakadiri ka daw sabi ng iba.
Ayaw nilang marinig, lalo't ayaw mabasa.
Mga kunwari'y inosente pa, pero lihim namang natatawa.
Hay naku, ewan ko ba.

Plok plok plok, saan nga ba nanggaling ang tunog na ito?
Nilikha ba ito ng maligno?
Ginagamit panakot ng mga multo?
Galing ba ito sa tao?
Iyon ba yung banggaan ng mga ano?
Please lang, ako'y litong lito

Plok plok plok, para ba itong pok pok pok?
Tunog mula sa nabasag na palayok?
O mula sa kahoy na pinupukpok?
Katulad din ba ito ng toktoktok?
Teka nga, meron yatang kumakatok?

Baka naman nagkakamali lang tayo?
Kasi pakiramdam ko ito yung sa banyo
Plok plok plok, tunog mula sa inidoro
Bumabagsak kapag iniiri mo.
Ito iyong mula sa katawan ng tao
Nakakadiri pero totoo
Alam ko ginagawa mo rin ito

O baka naman ito yung nangyayari kapag may multo?
Iyong tahimik ang paligid mo
Tapos biglang bubukas yung gripo
Plo plok plok tunog na tanging maririnig mo.
Kikilabutan ka na lang at tatayo ang iyong mga balahibo.

Plok plok plok, kahit anong klase ng tunog ka man iyan.
Hindi na mahalaga ang iyong tunay na pinagmulan.
Mahalaga, ika'y kinagiliwan.
At nakapagpasya ng ilan.

One Shot Collection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon