11. Bitiwan Mo Na | Spoken Poetry

454 13 0
                                    


Bitiwan mo na.
Sana ganoon lang kadali 'di ba.
Kapag nasasaktan ka na.
Sana magawa mo kaagad na bitiwan siya.

Oo, hindi ka naman tanga.
Alam mong niloloko ka niya.
Pinaglalaruan at pinapaasa.
Pero bakit hindi mo magawang palayain siya?

Dahil ba sa salitang pagmamahal?
Salita na paminsa'y nakakasakal.
Daig pa ang isang rehas na gawa sa bakal.
Na magtatali sa iyong katambal.

Bitiwan mo na kasi.
Bakit ba pinipilit mo pa ang iyong sarili?
Umaasa ka ba talaga na magbabago siya kahit hindi ka naman niya iniintindi?
Paano nga kung wala naman talaga siya sa'yong paki?

Kailan mo pakikinggan ang sinasabi ng iyong mga kaibigan?
Kapag huli na ang lahat at nagsawa na sila na ika'y tulungan?
Huwag mo naman sanang hintayin pa na ika'y kanilang iwasan.
Dahil diyan sa taong pilit mong ipinaglalaban.

Bitiwan mo na.
Tama na.
Sumuko ka na.
Lalo't may mga bagay na kahit ano ang gawin mo ay hindi na magbabago pa.

Oo, may mga bagay na hindi natin kontrolado.
Hindi porket iyong ginusto,
Ay tiyak na makukuha mo.
Katulad niyang ipinaglalaban mo.

Hindi dahil binibigyan mo siya ng pagkakataon ay bibigyan niya iyon ng halaga.
Hindi dahil ipinaglalaban mo siya, ay ipaglalaban ka rin niya.
Hindi dahil umiiyak ka, ay maiintindihan niya ang nagawa niya.
Hindi dahil nahuli mo siya, ay hindi na siya uulit pa.

Ano ba, tama na kasi.
Bakit hindi mo na lang mahalin ang iyong sarili?
Bakit kailangan mo pang humanap ng magpapasaya sa'yo, kung sakali?
Hindi ba pwedeng mag solo ka na lang para wala ng iniintindi?

Bitiwan mo na.
Tumigil ka na sa kakapantasya.
Hindi dahil sinabi niyang mahal ka niya.
Ay gusto niya talagang ika'y makasama.

Palayain mo na siya.
Hayaan mo't ang sabi nga nila.
Nalalaman ang tunay na halaga, ng isang bagay kapag nawala na.
Kaya hayaan mo na magsisi siya.

Ipakita mo kung ano ang sinayang niya.
Tumindig ka at ipakita mo na malakas ka.
Isupalpal mo sa kaniya, na heto ka.
Kahit ano pa ang gawin niya ay hindi ka na niya makukuha pa.


One Shot Collection Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon