LIWANAG NG TINIG

64 5 2
                                    

Bakit ikaw ang napili ng puso ko
Para mahalin ng Todo

Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo
Ikaw ng pinili ng puso ko

Pero paano kung bago pa kita makilala
Meron kana palang kasintahan

Yung tipong kahit masakit na saakin
Na nakikita ko kayong masaya
Napipilit ko parin na ngumiti
Na parang wala lang saakin

Yung tipong kahit mahirap saakin
Pinipilit parin bumangon
Mula sa pagkakadapa kahapon

Yung tipong lumuluha na ako
Pero ang mga ngiti mo parin
Ang mga pumupunas dito

Ayaw kong makasakit
Sa pagmamahalan nyong dalawa
Ngunit saaking palagay
Mas nasasaktan ako

Magkasabay kayo
Sa pag pasok
Sa pag-uwi
Sa pananakit nyo saakin

Hindi ko alam
Kung bakit ako nasasaktan
Kung hindi naman naging tayo

DAHIL ALAM KO NAMAN NA HINDI MAGIGING TAYO UMPISA PALANG

Umpisa palang alam kong imposible
Kaya sa huli
Pag-sisisi parin ang bumalot saakin

Nais kong lumaya
Hindi dahil sa ako ay nasasaktan
Kung hindi dahil ako ay nakakasakit na

Masakit man saakin
Masakit man sa dam-damin
Ngunit kailangan Kong lumaya para saatin
Dahil may kayo

Lumuluha ako sa bawat araw na lumilipas
Dahil inaalala parin
Ang pag ibig na kumupas

Habang kumukumpas
Ang puso
Para sa awiting
Lumipas

Sana maging masaya
Ang tinig na dating naging malumbay
Para lubayan na ako ng lumbay

Habang nakangiti
Kailangan paba ang bighati
Para sa pusong nagkawatak watak
Na parang wala lang saakin

Yung kahit wala kang pagtingin saakin
Ngiti mo parin ang sisilayan
Kahit Hindi ka saakin
At kelan pa man hindi ka magiging akin

Dahil sa gabing madilim
Liwanag ng mga bituin
Ang mag sisilbing ilaw
Para a mundong malabo

Dahil ang basehan ng madaming nilalang
Ay liwanag lang ng araw ang malinaw

Pero kahit may kayo
Sanay malaman mo
Na meron paring ako




LIWANAG NG TINIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon