LUNAS

29 0 0
                                    

Kita na ang hanganan
Sa liwanag halata na ang dilim
Sa tinig na malakas unti-unti ng humihina

Sa mga tinig kong halata na ang hinagpis
Luha na Ang tinatangis
Ikaw lang naman ang gustong makamit
Ipinagkait pa saakin

Paunang lunas
Para sa puso kong inuna ka
Ngunit mas pinili mong ako ang ihuli
Dahil hindi naman ako importante sayo

Lunas sa sakit
Sa pabago-bagong panahon
Sa pagkalipas ng maraming panahon
Kayo parin pala hangang ngayon

Gamot sa sugat
Dahil sa makirot na kahapon
Para bukas ako parin ay malakas
Para matapang na maipaglaban ka

Kaya mas pinili ko na
Na ang utak ko na ang humusga
Dahil ang puso ko
Ay sadyang ikaw lang ang gusto

Ngunit ang sabi parin ng utak ko
Na wag parin kitang bitawan
Dahil kahit pagod na ang puso ko
Ikaw parin ang dinadama neto

Kahit mali ang pag-ibig na ito
Larawan mo parin ang laging titignan ko
Yung tipong kahit masakit
Na nakikita ko kayong masaya

Magiging malaya din ako
Magiging masaya din ako
Ngunit hindi ko alam kung paano Yun gagawin
Kung wala ka saaking tabi

Magiging malaya din ba ako?
Katulad ng mga ibon
Na malayang lumipad

Magiging malaya din ba ako?
Katulad ng mga isda
Na malayang lumalangoy

Magiging malaya din ba ako?
Katulad niya
Na malaya mahalin ka
Ng walang pag-aalinlangan

Magiging masaya din ba ako?
Katulad ng mga bata
Kapag nag lalaro

Magiging masaya din ba ako?
Katulad ng mga bata
Kapag nag ke-kwentuhan

Magiging masaya din ba ako?
Katulad ng pagiging masaya niya sa piling mo

Sugat ang palatandaan
Peklat ang marka
Lunas ang solusyon

Sugat na palatandaan
Na kailangan masaktan
Kailangan mahirapan
Ngunit hindi parin ako magiging sayo

Peklat ang marka
Ng sakit na nadama kahapon
Ngunit hindi parin nag hihilom ang sakit na nadarama

Lunas na solusyon
Na lahat ng nasasaktan
May lunas na kailangan gawin

Sa bawat tinig
May sakit sa bawat tono
Katulad ng sakit na nadarama
Kapag magkasama kayong dalawa

LIWANAG NG TINIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon