ULAP

47 1 0
                                    

Pagsapit ng Gabi
Ning-ning ng mga bituin
Akin laging sinisilayan

Mula saaking pagkakatitig
Mula sa malayo aking nakita
Na nawawala na unti-unti
Ang mga bituin

Hindi ko namalayan
May bagyo na palang paparating
Hindi ko alam
Kung paano pa sisilayan Ang ning-ning
ng mga bituin

Hindi ko alam
Kung paano pa magkakaroon ng liwanag
Para sa gabi kong madilim

Kasabay ng mga ulan
Kasabay ng mga luha
Kasabay ng mga paghihinagpis

Hindi ko alam kung bakit ako lumuluha
Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan
Hindi ko alam kung mahal ba kita
Eh kung may mahal kang iba

Hindi ko alam kung magiging masaya pa ba ako
Kung ang dahilan ng pagngiti mo ay hindi ako

Sa bawat tula na aking sinusulat
Sanay mabasa mo
Kung paano mo ako sinaktan
At kung paano ninyo ako sinaktan

Sa bawat kanta na aking inaalay
Sanay mapakingan mo
Ang hinagpis ko sabawat mga tono

Sa bawat mga pawis
Yan ang marka
Ng pagod sa paghahabol ko sayo

Sa bawat dapit hapon
Nag aagaw ang liwanag sa dilim

Katulad ng liwanag ko sayo
Na hindi mo kayang tignan
Kaya naagaw ka ng dilim

Ang labo katulad ng mga ulap
Pumapagitna sa liwanag
Para sa mundo

Parang pag-ibig ko sayo
Binibigyan kita ng liwanag
Ngunit may pumapagitna saating mga ulap
Para hindi lang tayo magkita

Ako ang mag sisilbi mong liwanag
Para makita niya ang tunay mong halaga

Ako Ang mag sisilbing init
Para maging malinaw ang liwanag

Ngunit hindi ko alam
Kung bakit pa kailangan ng gabi malamig
Na walang silbi ang buwan at bituin
Para maging maliwanag at hindi maging malabo

Ulan ang mag sisilbi Kong luha
Para sa pag-ibig Kong nanlalamig
Dahil walang nagsisilbing init
Ikaw parin ang iibigin ko kahit ako ay giniginaw

Sanay pagkatapos ng ulan
Sanay mapansin mo ang liwanag
Ng pag-mamahal ko sayo
Kahit nanlalabo sa ulap

LIWANAG NG TINIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon