PUNO

50 3 3
                                    

Ang sarap pag masdan
Ng mga bituin sa langit

Ngunit nalumbay saaking naalala
Dahil mas madaming beses
Mo akong sinaktan
Kesa sa bilang ng mga bituin

Lagi akong nasa ilalim ng puno
Kung saan tayo laging nag tatagpo
Kung saan tayo pinag layo
Ng iyong kasintahan

Yung puno kung saan kita tinutulaan
Kahit hindi magkakatunog ang mga pantig
Pilit paring binibigkas saaking bibig

Yung puno kung saan kita kinakantahan
Kahit wala sa tono
Pilit paring sinasambit

Yung puno kung saan
Nag tapat ako ng pagtingin ko sayo

Alam kong mali
Alam kongmakakasakit
Ngunit alam kong iyon lang ang paraan
Para malaman mo na ikaw lang ang mahal ko

At ngayon
Ako ay nilayuan mo
Dahil sa mga narinig mo

Kelan nga ba Ang tamang panahon
Para mapagtanto mo
Na merong
"LIWANAG NG TINIG"

Yung tinig na may katotohanan
Na Ang pag tingin ko sayo
Ay malinaw

Hindi katulad ng pag mamahal niya sayo
May tinig ka ngang naririnig
Malabo naman ang kanyang sinasambit

Yung sabi niya
Mahal ka niya
Pero kahit alam mong hindi iyon totoo
Pilit ka paring nag papakatatag

Malinaw sa mga tenga
Ang hangin
Na dahilan kung bakit ka nialalamig

Hangin
Na nararamdaman mo na yung lamig
Ngunit binabaliwala
Dahil akala mo ay mainit pa




LIWANAG NG TINIGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon