Bakit laging paulit-ulit nalang
Paulit-ulit ka niyang sinasaktan
Paulit-ulit kang bumabangon
At paulit-ulit mo siyang binabalikanBakit paulit-ulit kang lumuluha
Bakit paulit-ulit tumutulo ang tubig
Galing sa iyong mga mata
At pumapatak sa lupaPaulit-ulit mo syang binabalikan
Paulit-ulit mo syang niyayakap
At paulit-ulit kang sinasaktan
Paulit-ulit din akong nasasaktanPaulit-ulit akong nasasaktan
Hindi dahil saaking pagkadapa
Hindi dahil sa ako ay nasugatan"Dahil iyon sa pagkakaalipin mo sa kanya"
Alipin ng pag-ibig
Alipin ng pagmamahal mo sa kanya
Alipin na ayaw ko itawag sayoIkaw ay isang bihag
Nakakadena
Sa kulungan
Ng kalungkutanKahit Ang nais mo lang ay sumaya
Gusto kitang palayain
Mula sa iyong pagkakakadena
Ngunit nasayo pala mismo ang susiAyaw mo bang tumakas
Mula sa rehas ng kalungkutan
Patungo sa paraiso ng puso ko
Kung saan ka dapat nababagayMula sa bilangguan ng kalungkutan
Patungo sa paraiso ng puso ko
Ngunit hindi parin saakin pumatungoLaging nakabukas ang pinto
Ng paraiso ng puso ko
Ngunit mas pinili mo sa bilangguan
Ng puso niyaNaaalala ko yung araw
Na papalapit na ako sayo
Magtatapat na sana ako
Ng pagtingin ko sayoNgunit lumapit siya sayo
Humingi ulit siya ng kapatawaran
At pinatawad mo ulitKahit paulit-ulit ko itong nakikita
Paulit-ulit parin akong nasasaktanHabang kinikilig ang maraming tao
Nasasaktan parin akoNasasaktan parin ako
Dahil alam kong iiyak ka ulit
Muli
"Paulit-ulit"Yung akala kong may tayo sa huli
May kayo parin pala hangang sa huliKahit hindi naging tayo
Kahit mahal ka Kita
Kahit paulit-ulit
Kahit masakitMinarapat na ikaw ay palayain