Prologue:

116 0 0
                                    

Umalis kami para mabuhay ng normal mula sa kinalakihan namin.
Iniwasan namin ang buhay na ayaw ng mga magulang namin dahil bata lang kami.
Iniwasan namin ang mga bagay na hindi dapat para sa amin dahil mga babae daw kami.

Linisan namin ang lugar kung saan dapat sa amin.
Pumunta kami sa ibang bansa para iwasan ang mga bagay na kinalakihan namin at para maging normal ang buhay namin malayo sa kapahamakan.

Pero heto kami ngayun, ang tadhana na mismo ang humahabol.
Ang kapahamakan na mismo ang lumalapit.
Ang noon na kami ay hindi na dapat balikan pero ito na mismo ang bumabalik.

Ang mga bagay na pinapalayo sa amin ay kami na mismo ang humahangad para makaligtas lang sa kapahamakan.
Pero hindi nawala ang mga bagay nayun dahil lang umalis kami, nasa dugo na talaga namin ang maging isa sa aming kinalakihan at hindi na ito ngayun maiiwasan.

*****
Sa panahon ngayon marami nang matataas na tao ang gusto ng kapangyarihan para ma control ang mga tao sa Lipunan o di kaya para mag higanti sa mga bagay-bagay o di kaya naman may gusto lng talaga silang patayin pero bakit maraming madadamay dahil lng sa isang bagay o gusto lng talaga nila makakamit ng kapangyarihan.

Si Dr. Lorenzo Baghak ay isang matalinong scientist na tumakbo bilang isang presidente ng Grandiose pero sya ay natalo.

Sumama ang kanyang loob at gustong mag higante sa nanalo na presidente kaya plinano nilang gumawa nang virus para macontrol nya ang mga tao at sumunod sa kanyang gusto. Pero hindi lng sya nag-iisa.

May tumulong sa kanya na taong mayaman at napaka importante nito sa kanyang plano at para mapagtagumpayan ang kanilang plano ay may isang kondisyon at ito naman ay pumayag naman siya para lang magtagumpay ang kanyang masamang plano na madadamay ang lahat.

After 5 years ay na Completo na nila ang virus pero...

"Sir hindi pa po sigurado ang virus nayan baka iba ang epekto o mangyari kapag hindi natin yan itetest kung tama na ba!" saad ni Dr. Leonardo Cy. Si Dr. Leonardo ay isang assistant scientist ni Dr. lorenzo.

"Ihanda mo nayan sa ayaw at sa gusto mo!" singhal ni Dr. Lorenzo kay Dr. Cy dahil matagal na syang naghintay at natatagalan na din ang kasusyo nya sa plano.

"Yes sir!" sagot na lng ni Dr. Leonardo.

'Hahahahaha makakapag higante na ako, saakin silang lahat luluhod sa huli' saad ni Dr. Lorenzo sa sarili nya.

Sa kabilang banda si Dr. Leonardo  Cy ay hindi pabor sa gusto ni Dr. lorenzo sa simula pa lng kaya habang ginagawa nila ang virus sa 5 taon na nag daan ay ganun din ang pag gawa ni Dr. leonardo nang Antidote para sa virus pero ito ay tago lamang dahil alam na nya ang mangyayari sa sarili nya kapag pumalpak ang virus na ginawa nila dahil ito ay mag ca-cause nang...

ZOMBIE OUTBREAK!

Zombie Outbreak: Rise of the DeadWhere stories live. Discover now