Chapter 13:

30 1 1
                                    

Benjamin pov: 

Pagpasok namin sa llob ng room nagpahinga muna kmi bago kumain. "Oh ano naman nangyari dyan?" Tanong ni king kay alijah habang nakaturo sa benda na nasa braso nya.

"Wala" sagot ni alijah.

"Guyz alam nyu ba kung ano ang nangyayari ngayon?" Tanong ni danica sa lahat at Walang sumagot sa kanya bagkus umiyak na naman si rochelle.

"Kumain na kayo" utos ko at hinanda ang mga pagkain na nakuha namin. Saka tinurn-on naman nina zeny ang tv.

[BREAKING NEWS]
"The number of deaths in the City of Grandoise prefecture already exceeds 10,000. The prefectural governor has declared a state of emergency---" 
"That was gunfire!" 
"Just now, the police opened gunfire! But what are they shooting at?!"

"No, Stay away!" reporter.

"Oh My God!" reaksyon nina danica at rochelle.

"HELP" reporter.
Huling sabi ng reporter bago bumagsak ang camera sa lupa.

*GASP*
reaksyon naming lahat, bago naging all blue lahat ng screen sa tv.

Tahimik ang lahat habang  kumakain kami at medyo makarinig ka ng hikbi mula kay rochelle pero wala nang may nag balak pang magsalita. Pero ang tahimik ng paligiran ay pinutol na nina alijah at zeny.

"Guyz matulog kayo ng maaga para may lakas ang lahat bukas" saad ni zeny.

"H-ha? *hik* Bakit naman?" Tanong ni chelle.

"Aalis na tayo dito" sagot naman ni alijah.

"Ano? Alam nyu naman diba kung ano ang nangyayari sa labas! Tapos aalis tayo!" nag-aalburutong saad ni danica sa kanila.

"Ano gusto mo dito na lang tayo? Medyo wala na nga tayo makain ngayon palang, paano nalang bukas sa makalawa sa susunod? Baka mamatay tayo sa gutom hindi sa mga nilalang sa labas" mahabang litanya ni alijah kay danica na tumahimik na ngayun.

"Aalis tayo bukas sa ayaw at sa gusto nyu, kung ayaw nyung sumama maiwan kayo!" dugtong pa ni alijah at tumayo na sabay kuha ng kanyang sword at lumabas sa kwarto nato. Susundan ko na sana sya pero pinigilan ako ni zeny.

"Hayaan mo na baka sayo nya pa ibuntong ang sama ng loob nya, isa pa kaya nya ang sarili nya" sabi ni zeny saakin kaya umayos na lng ako sa pagkaupo.

"Guyz pasensyahan nyu na ang kambal ko gusto nya lng siguraduhin ang kaligtasan natin hmm" sabi ni zeny sa lahat.

"So kung aalis tayo bukas saan naman tayo pupunta?" Tanong ni naydel.

"Sa bahay namin" walang pag-aalinlangang sagot ni zeny kay naydel.

"Sigurado kaba dyan?" Paninigurado ni king sakanya.

"Aha! ligtas tayo dun kaysa dito atsaka kompleto lahat ng gamit namin dun" nakangising sagot ni zeny.

"Pano mo nasabi?" Pilosopong tanong ni lloyd sa kanya.

"Marami pa kayong hindi alam saamin kaya matulog na kayo ng maaga dahil maaga pa tayo aalis bukas hmm" utos ni zeny sa lahat pagkatapos namin kumain.

Nang nakahiga na ang lahat at handa nang matulog sana, bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si alijah na may kasamang dalawang babae.

"Kumain na kayo at matulog dahil aalis tayo ng maaga bukas" utos nya sa dalawa at tumango naman yung dalawa saka tumingin naman sila sa gawi namin atsaka ngumiti.

"Hi ako nga pala si Dhalia at sya naman si Christine sa kabilang section lng kmi at kming dalawa na lng ang natira" malungkot na pakilala nila saamin.

Nagpakilala naman kaming lahat at bumalik na sa pagkakahiga, bago ako humiga ay nakita ko si alijah na umupo sa may sulok saka pinunasan ang sword na hawak nya.

Danica pov:

Paggising ko nakita ko ang iba na tulog parin pero ang dalawang kambal gising na at hinahanda ang hawak nilang armas. Hindi ko alam kung saan nila yan nakuha pero may tiwala ako sakanila. Nag-uusap naman sila about sa kung paano kmi aalis dito.

"Sa rooftop tayo dadaan dun sa may bandang likod meron dung emergency ladder at sa baba may school bus akong nakita" sabi ni alijah sakanila.

"Kung sa hagdan naman tayo dadaan may posibility naman may ma-encounter tayong patay na naglalakad sa baba, tama?" Dugtong ni zeny habang nakahawak sa ibaba ng baba nya at tumango naman si alijah.

'Wow ang lawak naman ng isip nila' bulong ko.

"Sige kailangan na lang natin ang bus sa baba ay dapat hindi sira" sabi ni kenneth.

"At kung may fuel pa" dugtong naman ni khieze.

"By the way may dala kaming sasakyan ni kambal baka nasa parking lot pa" saad ni zeny sa kanila.

"Hindi tayo kakasya, marami tayo!" saad naman ni Khieze.

"Sino nagsabi hmm?" Tanong ni zeny at tumawa.

"What do you mean?" Tanong naman ni kenneth.

"Mukhang nakalimutan nyo na yata? Hahaha" sagot ni alijah at tumawa din, sa lakas ng tawa nilang dalawa nagising ang lahat sa pagkakatulog.

"Ayan may patawa-tawa pa kayong nalalaman sa gitna ng seryosong pag-uusap" sisi ni khieze sa dalawa na tahimik na ngayon.

"Anong nangyayari?" Tanong ni chelle habang kumukusot ng kanyang mata.

"Wala nag-uusap lang kmi about sa pag-alis natin mamaya" sagot ni zeny.

"Bumangon na kayo para malaman nyu kung saan tayo dadaan mamaya" sabi ni kenneth sa amin.

Third person pov:

Sinabi na nina alijah at zeny ang kanilang plano kung saan sila dadaan pagkatapos ay nag ready na silang lahat para umalis.

"Labas na! bilisan nyu ang kilos pero dahan dahan lng sa pagtakbo para hindi makabuo ng ingay baka marinig nila tayo" utos ni khieze, pagdating nila sa rooftop ay sinigurado muna ni zeny na walang makapasok sa pinto. Unang bumaba si alijah para matingnan nya kung may mga zombie sa baba.

'Zombie' na ang tawag nila dahil kuhang-kuha na daw nila ang itsura nito at kung paano sila gumalaw tulad nung mga zombies sa movie na lumalabas sa TV for intertainment pero ngayon naiisip na nila na mahirap magsurvive sa mga ganitong epidemya na nangyayari. Sininyasan nani alijah ang sa taas na walang ni isang zombie na gumagala kaya bumaba na silang lahat.

Dahan dahan naman silang pumunta sa may school bus saka tiningnan ni kenneth kung umaandar pa ang bus pero sira na ang dalawang gulong sa harapan kaya wala silang nagawa at pumunta na lang sa parking lot at hanapin ang sasakyan na dala nina alijah at zeny.

Habang naglalakad sila patungo sa parking lot ay nakasalubong nila ang mga basketball players na naging zombie na ngayon. Pero walang kahirap-hirap lang na pinatay nina alijah, zeny, khieze at kenneth ang mga zombie na nakasalubong.

"Parang sanay na kayong pumatay ah" biro ni king sa apat na nagpatahimik sa kanila. Nagkatinginan naman ang dalawang babae at ngumiti sakanila ng mapait.

Pagdating nila sa parking lot ay maraming sasakyan ang basag ang mga windshield maliban sa dalawang itim na sasakyan sa tabi. Nilabas nani alijah at zeny ang kanya kanyang susi sa sasakyan at binuksan na ito.

"Dali sakay na!" sabay na sabi nina alijah at zeny sakanila.

Sa sasakyan ni zeny ang kasama nya ay sina Khieze na nasa frontsit, si kingjames, rochelle at danica na nasa backsit.

Sa sasakyan naman ni alijah ay ang mga kasama nya ay sina kenneth na nasa frontsit, benjamin, naydel, dhalia, at christine na nasa backsit.

Pagkaalis nila papuntang main gate para lumabas ay nakita nilang bukas ito pero maraming zombies na humaharang kaya no choice silang banggain lahat at lumabas na sila sa school pauwi sa bahay nina alijah at zeny.

At sa tanghaling tapat nayon ay nakalabas ang grupo nina alijah at zeny sa impyernong paaralan na iyun pero hindi nila alam ang dadatnan nila sa labas ng paaralan.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Zombie Outbreak: Rise of the DeadWhere stories live. Discover now