Chapter 3

2.7K 41 2
                                    

Nagising ang diwa ko dahil sa kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at nakakangalay ang bigat na iyon. May nararamdaman din akong humihinga sa leeg ko at may mga brasong nakapulupot sa katawan ko.

Humihinga at nakapulupot?

Agad akong napadilat at ngayon ko lang nalaman na may lalaking nakadagan pala sa akin. Lalaking walang suot na pang-itaas.

Napalunok ako ng laway.. A-Anong nangyari kagabi? May nangyari ba sa amin? Naisuko ko na ba ang lahat sa lalaking hindi ko kilala?

Kinagat ko ang labi ko at napahinga ng malalim. Gumalaw din ako ng kaunti dahil sa pangangalay pero lalo niya kong yinakap ng mahigpit kaya naman nanahimik na lang ako. Nanahimik na lang ako at hindi na gumalaw pa, Dahil sa takot kong baka kung ano ang maaaring gawin sa akin ng lalaking ‘to.

Isip Charyn! Ano bang nangyari kagabi? Bakit may lalaki sa harapan mo at nakapatong pa sa’yo?

Ugh! Nakaka-frustrate ng sobra! Ano ba ang ginawa ko kagabi?

Tama! Pumunta akong bar kasama si Cade at Erin tapos.. Tapos uminom ako nung inabot sa akin nung waiter at agad akong natigilan.

Ilang minuto rin akong natigilan..

Nanlaki ang mata ko at agad na napasigaw nang maalala ko na hinalikan niya ko kagabi. At dahil sa sigaw kong iyon, Wala na! Nagising ko ang lalaking nakapatong sa akin.

“Iris shi---”natigilan siya at nanlaki ang mata.

Parehas na nanlalaki ang mata naming dalawa habang nakatitig sa isa’t-isa. Agad ko siyang tinulak kahit nangangalay ang mga braso ko, Pero agad niyang hinawakan ang kamay ko at inipit sa magkabilang gilid ng ulo ko.

Nakaramdam ako ng pag-panic at agad na nagpumiglas. Kaya lang masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. Sinubukan ko ngang gamitin ang mga binti ko para paalisin siya sa ibabaw ko, Pero pinulupot niya ang mga hita niya sa dalawang binti ko kaya mas lalo akong nahirapan. Napa-groan na lang ako sa asar ko sa kanya.

“Ano ba?!”asar na asar kong sigaw sa kanya. “Sino ka ba? At anong ginagawa mo sa suite namin?”tanong ko habang hirap na hirap akong pumiglas sa kanya.

Masyado kasi siyang malakas at yung mga titig niya nakaka-intimidate, Ang tatalim kasing nakatitig sa akin.

“What the fuck? Ako dapat ang magsasabi niyaan. Sino ka at anong ginagawa mo sa kwarto ko? Saan mo dinala si Iris?”napakunot ang noo ko sa sunod-sunod niyang tanong sa akin.

“Wait what? Sinong Iris? At anong sabi mo? Kwarto mo?”matawa-tawa kong sabi sa kanya. “Excuse me, For your information kwarto ko ‘to, Kwarto namin ‘to. Paano ka nakapasok dito?”

“Is that your lamest excuse ever? But i am sorry Miss hindi mo ko mauuto, Akin ang kwarto na ‘to. Ngayon sabihin mo sa akin, Ikaw. Paano ka nakapasok dito?”napairap ako sa kanya.

Yung tanong ko kasi sa kanya ibinalik niya lang sa akin.

“Siyempre key card! Duh.”inis na sabi ko sa kanya at mas diniinan niya ang paghawak sa pulsuhan ko. Mas nagpumiglas ako kasi masyado nang masakit.

“Tell me the truth.”matigas na sabi niya habang mas dinidinan pa ang paghawak sa pulsuhan ko.

“Nagsasabi ako ng totoo! Ano ba?! Masakit!”sigaw ko sa kanya at naluluha na ko sa sobrang sakit ng pulsuhan ko.

Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Siya nga ‘tong may ginawang masama sa akin kagabi, Hinalikan niya ko nang walang paalam. Sinamantala niya yung kalasingan at panghihina ko. Hindi ko nga rin alam kung may nangyari sa amin dahil parehas kaming walang suot na pang-itaas.

Walang suot na pang-itaas?!

Lalo akong nakaramdam ng kahihiyan. May nangyari ba sa amin kagabi? Ang huli ko lang talagang naaalala ay binaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Mukhang may nangyari nga ata sa amin. Nawala na, Wala na yung pinagkakaingatan kong virginity.

Ang tanga-tanga mo Charyn!

Napapikit na lang ako ng mariin kasabay ng pagpatak ng luha ko sa mga iniisip ko, Idagdag pa yung pananakit niya sa akin.

“Shit!”rinig kong mura niya.

Ilang segundo lang ay naramdaman kong lumuwag ang hawak niya sa pulsuhan ko at naramdaman ko rin na umalis siya sa ibabaw ko.

Napadilat ako’t agad na umupo habang hinihimas ang magkabilang pulsuhan ko. Tinakluban ko rin ang sarili ko ng comforter dahil hindi ko alam kung na saan ang damit kong pang-itaas. Suot ko pa rin naman ang brassier ko kaya may chance rin naman siguro na walang nangyari sa amin.. Hindi ba?

Nakita ko siya na naka-upo sa kama’t ginugulo ang sarili niyang buhok habang nakayuko.

“Huwag ka nang umiyak, I am sorry.”mahinang sabi niya at bumuntong-hininga siya.

Agad kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at tinitigan ko siya na halatang naguguluhan. Panay kasi ang pag-gulo niya nang buhok niya kaya naman naisip kong naguguluhan siya sa kung ano ba ang nangyari sa amin. Kahit ako rin kasi naguguluhan, Hindi ko alam kung may nangyari sa amin o wala naman.

“May nangyari ba sa atin?”tanong niya sa akin.

Dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya ay mas pinili ko na lang manahimik.

“Do you feel sore?”napalunok ako ng laway ko.

Bukod sa pangangalay ng katawan ko, Bukod ‘don wala nang masakit sa akin kaya naman umiling ako. Somehow nung umiling ako, Parang na-relieve siya.

“Pero nangangalay ako, Siguro sa pagdagan mo sa akin.”halos pabulong kong sabi sa kanya.

Narinig ko na naman ang pag-buntong hininga niya. “Let’s tidy first, Then we talk later about this.”

Matapos niyang sabihin iyon ay tumayo siya’t dinampot yung damit pang-itaas niya sa sahig. Naiwan ako dito sa loob ng bedroom at hinanap yung damit ko. Luckily, Nakita ko yung Cardigan at spaghetti top ko sa ibaba ng kama. Agad kong sinuot iyon at inayos ang magulo kong buhok.

Pagkalabas ko ng bedroom nakita ko siya na naka-upo sa sofa habang hawak-hawak ang sentido niya. Napakunot ang noo ko.

Wait lang! Na saan yung mga maleta namin nila Cade at Erin? At sa pagkakaalala ko, Hindi white at pink tulips ang nasa vase namin. Ang alam ko Lilies ‘yon.

Nanlaki ang mata ko don’t tell me..

Napanganga ako at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maalala kong bukas ang pinto nang makapasok ako kagabi sa suite na ‘to.

“Nandyan ka na pala.”biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. “Umupo ka muna at mag-uusap tayo.”

Agad naman akong umupo sa kaharap niyang sofa. Magsasalita na siya pero inunahan ko siya.

“Excuse me sandali, Pwede mo bang sabihin sa akin kung anong room number nitong kwartong ‘to?”napakunot ang noo niya at tinitigan niya ko ng matalim.

“Bakit mo naman tinatanong sa akin ‘yan? Pumasok ka dito gamit ang key card hindi ba?”sabi niya at kinagat ko naman ang labi ko.

“Lasing kasi ako kagabi at nahihilo rin ako.”sagot ko sa kanya at huminga ako ng malalim. “Please sabihin mo muna sa akin kung ano ang room number ng kwartong ito.”

“Room two thou..”pigil hininga ako habang nagsasalita siya. “.. sand three.”

Nalaglag ang panga ko sa narinig ko. Tinakasan ako ng kaluluwa ko. Nasa room 2003 ako?! Hindi 2008?! Patay! Ang tanga-tanga mo talaga Charyn!

Napa-frown siya nang mapansin niya ang ekspresyon ko sa sinabi niya.

“Wait.. Miss.”medyo natatawa ang ekspresyon niya, ‘Yun nga lang parang sarkastiko. “Where’s your Key card?”

Natumbok na! Kinagat ko ang labi ko at tinatayuan na ako ng balahibo sa katawan sa sobrang kaba. Bakit naman kasi maling kwarto yung pinasukan ko?

“I said where’s your key card, Miss?”mariin ang boses niya at talagang nakaka-intimidate kaya naman agad kong kinuha iyon sa bulsa ng pantalon ko at inabot sa kanya.

Hinablot niya sa akin iyon at tinitigan niya iyon. Sobrang kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya.

Nung tumingin siya sa akin ay umiwas agad ako ng tingin. Ang sama rin kasi ng tingin niya sa akin.

“Obviously, Your room number is 2008. So now tell me Miss? Paano ka nakapasok dito sa kwartong ito gamit itong key card na ‘to?”tanong niya at bakas sa tono niya ang paghihinala.

“Sa totoo niyaan, Bukas ang pinto nang makapasok ako. Masyado akong nahilo kaya ang pagkabasa ko sa 3 ay 8.”pag-amin ko sa kanya at nahampas niya ang coffee table sa harapan namin.

Napa-pikit naman ako sa sobrang gulat at takot. Nang wala akong naramdaman na pananakit ng katawan ay dinilat ko ang mata ko.

Nakita ko siya na may hawak na telepono. “Call the residing CEO here in my room now! Don’t forget to bring the securities there’s an intruder here.”

Nanlaki ang mata ko sa biglaang sigaw niya pero mas nanlaki ang mata ko sinabi niyang “intruder”. Napatayo ako sa sinabi niya.

“Excuse me! Hindi ko naman sinasadyang makapasok dito sa suite mo ah? Sinabi ko na naman sa’yong nagkamali ako ng room na pinasukan. Akala mo kung sino ka porket mayaman ka?”pananalita ko sa kanya.

Humalukipkip siya habang prenteng naka-upo at nakatingin sa akin.

“Don’t use stupid excuses, Miss. I won’t tolerate those kind of things, Isa pa hindi mo ba ko kilala?”nakangisi niyang sabi at bakas na bakas sa kanya ang pagiging arogante niya.

Inirapan ko siya. Wala akong pake kung mayaman siya at kung sino siya.

“Miss you should be thankful dahil kasama mo ko sa iisang kwarto at kinakausap kita.”arogante nga talaga.

Inilingan ko na lang siya at tinalikuran.

“Where are you going?”matigas na sabi niya.

Sexy sana ang pagsasalita niya ng English, Kaya lang arogante siya kaya nakakainis pakinggan. Nilingon ko siya.

“Hindi ko na kasi makaya yung hangin dito sa loob ng suite mo eh kaya aalis na lang ako at babalik sa sarili kong suite.”sarkastikong sagot ko sa kanya at tinalikuran ko siya ulit.

Pero pagkatalikod ko, Nandoon na ang securities at may dalawang lalaki pa na naka-formal suit. Napa-awang ang labi ko at muling nilingon ang aroganteng lalaking iyon na nag-kibit balikat sabay ngisi.

“Hah!”napabuga na lang ako ng hangin sa asar ko sa kanya at tinignan siya ng masama.

Hinawakan ako ng dalawang securities. Nagpumiglas naman ako pero walang epekto dahil malakas nga sila. Yung dalawang naka-formal suit naman lumapit naman sa aroganteng iyon.

“I am so sorry Mr.Elago for this inconvenience.”may French accent na sabi ng isang naka-formal suit. Yung suot niya mas magara kesa sa isa.

“I want to tighten the security in our Hotel..”nanlaki ang mata ko. “.. this is for the safety of our guests from..”tinignan niya ko sabay ngisi. “.. the intruders.”

“Sinabi ngang hindi ako intruder! I am a guest in this hotel too. Nagkamali lang ako ng room na pinasukan.”sabi ko at nilingon ako nung isang naka-formal suite.

“Filipina sir?”rinig kong bulong nung lalaki, Halatang secretary nung aroganteng ‘yun.

“Hindi ako bulag, Peter.”ngisi niyang sabi pero nakatitig pa rin sa akin na parang nang-aasar.

Para patunayan yung aligasyon ko na nagkamali nga ako ng room na pinasukan ay dinala kami sa CCTV room ng hotel. Masyado pang mahigpit ang pagkakahawak sa akin ng dalawang security guards na akala mo naman ay tatakas ako.

“I said, I am a guest here. Let me go!”paninindigan ko. “Kahit i-check niyo pa.”

Sumuko na ko dahil wala akong mapapala dito. Bakit naman kasi ang tanga mo Charyn? Nagkamali ka ng kwartong pinasukan at ang mas malala pa ‘dun, Bukas yung pinto at ang may-ari isang aroganteng lalaki.

Argh! Ang malas!

“Sir, Confirmed na guess siya dito. Presidential suite, Room 2008.”rinig kong bulong nung Peter sa boss niya.

Ipinakita rin ang record ng CCTV, Kung saan naglalakad ako na parang lasing (samantalang isang baso lang naman ang ininom ko) at pumasok sa loob ng kwarto niyang bukas.

Sinamaan niya ako ng tingin at hinampas niya yung desk. Lahat ng tao sa CCTV room nagulat.

“This is absurd!”sigaw na lang niya sa sobrang pahiya.

Binitawan ako nung dalawang security at humingi ng paumanhin. I accept their apology, Wala naman silang ginawang masama kung hindi ang sumunod sa boss nila.

Eventually pinakawalan ako at lumabas na ko agad ng CCTV room. Tahimik akong naglakad, Nilunok ko yung ginawa sa akin nung aroganteng ‘yun at dahil napahiya naman siya, Ayos na.

“Wait..”rinig kong boses niya kaya naman nilingon ko siya.

Lumapit siya sa akin at ibinaba niya ang kanyang sarili sabay lapag ng sapatos ko sa harapan ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya at tumayo rin siya.

Nakaramdam ako ng hiya dahil sa wala pala akong suot na sapin sa paa. Agad ko iyong sinuot.

“I am sorry.”napalunok ako ng laway ko at tumango sa kanya. “Lasing din ako kagabi, It’s my fault too.”

Napangiti ako. Akala ko puro siya hangin, Marunong din palang mag-sorry ang lalaking ito. Kaya naman para hindi siya ma-guilty at dahil sa katangahan ko rin kaya nangyari ang lahat.

“Wala namang may kasalanan, Aksidente ang nangyari at..”

“But i am sorry too, I disrespect you. Sinabihan din kitang intruder kahit na guest ka talaga.”sinserong sabi niya. “As a peace offering i will treat you, Can you accept my offer?”

Tumango ako sa kanya habang nakangiti. Ngumiti rin siya.

Nauna siyang maglakad at sinundan ko lang siya. Pumasok kami sa loob ng restaurant ng Hotel. Masyadong enggrande ang restaurant ng Hotel na ‘to. Tinataasan ako ng balahibo sa katawan sa bawat pagtapak ko sa loob at sa bawat chandelier na nasusulyapan kong naglalambitin sa mataas na kisame ng Restaurant.

Pinili niya ang table for two at agad kaming inasikaso ng mga staffs.

Habang inaantay ang pagkain namin ay tahimik lang kaming dalawa, Hanggang sa dumating nga wala talagang nagsalita.

Nang matapos kaming kumain ay doon lang kaming nag-simulang mag-usap, Nung nagpasalamat ako sa kanya.

“It’s okay, No worries. It’s my peace offering.”sabi niya.

Agad kong naalala si Cade at Erin, Baka nag-aalala na silang dalawa sa akin. Naiwanan ko pa naman ang cellphone ko sa suite namin.

“Salamat pa rin pero kailangan ko nang mauna.”sabi ko sa kanya at tumayo siya.

“Yes, We should.”sabi niya sabay ngiti.

Kaya naman sabay kaming naglakad palabas ng restaurant. Habang naglalakad kaming dalawa ay bigla siyang nagsalita,

“My name is Davin Elago, What about you?”tanong niya sa akin.

“Charyn, Charyn Manuel.”sagot ko sa kanya at nagtatango siya habang naglalakad kaming dalawa.

“Miss Charyn, I hope na kalimutan mo na lang kung ano man ang nangyari sa ating dalawa kagabi and..”sabi niya. “No matter what happened to us here in Paris, Stays here in Paris, Okay?”

Tumango ako at natawa. “Okay. After this, Hindi na naman tayo magkikita, Kaya mas maganda na yung kalimutan na lang. Like a midsummer night’s dream.”sabi ko.

“Right, Like a midsummer night’s dream.”

Pluck of VinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon