Chapter 7

2.4K 55 4
                                    

Huminto ang sasakyan niya sa tapat ng apartment building namin ni Erin. Binuksan ko ang pinto, Pero bago ako lumabas ay may itinanong ako sa kanya. Kanina ko pa gustong itanong ito habang nasa biyahe kami.

“Sa lahat ng babaeng nasa paligid mo, Bakit sa akin mo in-offer ang dalawang ‘yun?”tanong ko sa kanya.

“Because.. We need each other.”sagot niya at napalunok ako ng laway ko.

“Salamat sa paghatid. Babalik ako bukas para sa interview.”sabi ko sa kanya bago ako tumapak palabas ng kotse niya.

“About that..”napahinto ako at nilingon siya. “.. Yeah, Let’s talk about it tomorrow.”

Napatango ako sa kanya at papalabas na sana ako nang..

“Good night.”

Nilingon ko ulit siya at napangiti ako sa sinabi niya. Because those simple words touched my heart, It was warm and familiar. Somehow.. Naalala ko ang nangyari sa amin sa Paris. Kahit na ga-gago-gago kasi siya buong araw, He really feels sorry at the end of the day. Hindi rin siya completely Gago.

“Thank you and Good night.”sabi ko bago ako tuluyang lumabas at sinarado ang pinto ng kotse niya.

Pinanood ko muna ang sasakyan niya na unti-unting nawawala sa paningin ko, Bago ako naglakad papasok sa loob ng Apartment Building.



KINABUKASAN sinabi ko kay Sir Axel na magpapa-interview na si Davin Elago or Jacob Elago. Hindi ko lang sinabi ang kondisyon niya sa akin kapalit ng interview.

Sa tingin ko kasi ay personal masyado ang kondisyon na ‘yon at kailangan sa aming dalawa lang ‘yun. Napag-isipan ko rin ang kondisyon niya sa akin. Hindi nga ako nakatulog sa kakaisip sa gagawin ko.

“Really? He said that?”nakangising sabi ni Sir Axel. “Pinababalik ka niya ngayong araw?”


Sa tono ni Sir Axel parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko sa kanya na pinababalik nga ako ngayong araw ni Jacob Elago.

“Well, Seventy-five percent ang chance na makuha mo ang interview niya. Good Job as always, Charyn. Sabi ko na nga ba at inilagay kita sa perfect department.”ngiting tagumpay na sabi ni Sir Axel.

Matapos niyang sabihin iyon ay pinalabas na niya ko ng office niya. May tawag kasi siyang natanggap at mukhang importante at pribado ‘yun kaya lumabas na rin ako agad. Wala na naman akong gagawin ‘dun.

Pero bago niya ko pinalabas ay sinabi niya sa akin na, “Pumunta ka sa E.I. mamayang lunch para makabalik ka agad.”

Pagka-upo ko sa tabi ni Erin na busy sa pag-type sa laptop niya ay agad siyang tumigil sa ginagawa at humarap sa akin.


“Chacha, Hindi ako makakasama sa interview mamaya. Ginigipit ako masyado ni Sir Axel dito sa article na ‘to. Pinapa-revise niya sa akin kagabi at gusto ko nang matapos agad ito, So kayong dalawa na lang ni Cade ang pumunta.”stress na stress na sabi ni Erin.

Sinabi ko rin pala kay Erin ang tungkol sa interview kaninang umaga habang nag-aalmusal kami. Nagdududa pa siya kung paano ko napapayag si Jacob Elago pero nakumbinsi ko rin siya.

Ang sinabi niya pa nga “Masyadong pakipot, Bibigay din pala.” Sabay ismid, Nabilaukan tuloy siya habang nag-aalmusal kami kaninang umaga.

“Ay hindi ako pwede, May sched ako ng photo shoot. Sabi ni Sir Axel, Ako raw ang kukuha ng photo shoot sa Entertainment Magazine dahil nagkasakit si Tayler.”biglang singit ni Cade.

Napakunot ang noo ko. “So ako lang ang pupunta ng E.I. mamaya?”

“Ano sa tingin mo?”sabi ni Erin kaya naman napabuntong hininga na lang ako, Bago kami bumalik sa kanya-kanya naming trabaho, Umalis na rin si Cade.

Pagsapit ng lunch break ay tumayo na ko at kinuha ang bag ko. Si Erin hindi inaalis ang focus niya sa laptop niya, Ni hindi niya rin napansin na lunch break na.

“Uy break na.”sabi ko sa kanya sabay tapik ko sa balikat niya. “Hindi ka kakain?”

Pero tinanguan niya lang ako at hindi pa rin niya inaalis ang focus niya sa laptop niya. Napa-iling na lang ako sa kakaibang focus ni Erin, Hindi natinag eh.

“Yung recorder?”tanong ko kay Erin at kinuha niya ang recorder niya sa drawer ng desk niya nang hindi inaalis ang mata sa laptop.

Gusto ko na lang matawa pero ganyan din naman ako minsan. Pagkakuha ko ng recorder ay umalis na ko para maka-balik ako agad. Saglit lang naman siguro ako ‘dun.

Nag-taxi na lang ako papunta sa E.I. dahil coding ang sasakyan namin ni Erin.



PAGKARATING ko sa building ng E.I. ay binati ko ang receptionist at ipinakita ko ang ID ko na taga- R Publishing nga ako. Tulad kahapon ay binigyan niya ako ng pass para makapasok ako sa loob ng E.I.

Pinapasok din ako ng mahaderang secretary ni Jacob Elago (na parang nakita ko na kung saan.) sa Office niya. Pagpasok ko nga ay wala siya sa loob ng office, Kaya hindi ko alam kung pwede ba o hindi akong mag-intay doon.

Bumukas ang pinto at ang akala ko ay siya na ‘yun, Ang secretary niya pala.

“Nasa meeting pa si Mr. President, Pinapasabi niya sa akin kanina na asikasuhin daw kita.”sabi sa akin ng secretary niya kaya naman umupo ako sa couch.

Inilapag niya sa harapan ko ang isang baso ng juice, Kinuha ko ‘yun at ininom.

“Hindi ba Publicist ka? Paano mo nagawang mapapayag si Mr.President na makuha ang interview niya? May ginawa ka bang hokus-pokus?”usisa niya sa akin kaya naman nilapag ko ang baso sa coffee table.

“Ha? Anong ibig mong sabihin?”kunot noo kong tanong sa kanya.

“Eh kasi pinaasikaso ka niya sa akin ngayon samantalang kahapon lang ay balita kong ipinatapon ka raw palabas.”kuwento niya kaya naman gusto kong ibuhos sa kanya yung juice na nasa coffee table.

Pinaalala pa yung nangyari kahapon sa akin.

“Ay wag kang mag-alala! Hindi lang ikaw ang Publicist na ipinatapon palabas ng building na ‘to. Alam mo bang sobrang daming gustong makakuha ng interview ni Mr.President at mula pa iyon sa mga sikat na Magazines. Kaya nga nagtataka ako kung bakit sa inyo siya nagpa-interview.”ang daldal niya.

Hindi ba siya nauubusan ng laway? Siguro iritado dito si Jacob Elago? Ang daldal eh.

“Talaga?”sabi ko na lang sabay inom ng juice.

“Nakipag-sex ka ba sa kanya?”sa sinabi niyang iyon ay naibuga ko sa kanya ang juice na nasa bibig ko sa sobrang gulat.

“Sorry! Nakakagulat naman kasi yung sinabi mo.”sabi ko sa kanya at ibinigay ko sa kanya ang panyo ko.

Nanahimik siya at napapikit. Sobrang nakakagulat naman kasi talaga yung sinabi niya at hindi naman ako ganoong klase ng babae.

“Sorry talaga at hindi ako nakipag-sex sa kanya, At hindi ako makikipag-sex sa kanya para lang sa interview.”sabi ko at tinulungan ko siyang magpunas.

“Sorry din sa sinabi ko ah?”sabi niya sa akin kaya naman ngumiti na lang ako. “Simula kasi nung nanggaling kaming Paris two months ago ay nagbago si Mr. President. Kung sino-sino pang modelo ang dumadalaw dito except sa Iris Lacsamana na ‘yun. Pakitang tao ‘yun eh.”

Napanganga ako. Naalala ko na kung saan ko nakita ang secretary ni Jacob Elago!

My God!

“Bukod kasi sa pakitang tao ang Iris Lacsamana na ‘yun. Inis din kaming mga staffs ni Mr. President sa kanya dahil nga sa maldita siya at siya ang dahilan kung bakit mas naging mahigpit si Mr. President sa aming lahat.”sabi niya habang nagpupunas ng naibuga kong juice sa kanya.

Kinagat ko ang labi ko at sana hindi niya ko naaalala. Siya kasi yung nakatabi ko sa eroplano noon papunta sa Paris.. Siya yung dakdak ng dakdak na inalok ko ng hopia para manahimik.

“Hay naku! Sana talaga bumalik na sa dati si Mr. President. Yung hindi masyadong mahigpit at magagalitin. Alam mo bang Devil Elago ang naging nickname niya ngayon sa buong kompanya? Wala na lang kaming magawa, Masyado kasi talaga siyang naging Devil.”sabi niya at parang nanigas siya sa kinauupuan niya nang tumingin siya sa likuran ko.

Napakunot ang noo ko lalo na nung tumayo siya at pinagpapawisan ng malamig. Lumingon ako at nakita kong nandoon sa pintuan si Jacob Elago, Nakatayo habang masama ang tingin sa secretary niya.

“Mi-Mr. President!”

“What did I told you earlier, Belinda?”nanlambot ang tuhod ko.

Kahit na hindi ako si Belinda, na secretary niya, Ay nanlalambot ang tuhod ko sa matatalim at nakaka-kilabot niyang tingin.

“A-asikasuhin po siya Mr. President.”nanginginig na sabi ng secretary niya.

“And? What are you doing?”sabi pa ni Jacob Elago habang masama ang tingin sa secretary niya. “Fuck it! I told you earlier na asikasuhin mo siya, Hindi kwentuhan ng kung anu-ano!”

Tumayo ako kahit na nanlalambot talaga ang tuhod ko.

“Salamat sa accompany, Ako na ang bahala sa kanya.”sabi ko sa secretary ni Jacob Elago.

Nagdadalawang isip pa siya sa gagawin niya. Masama kasi masyado ang tingin ni Jacob Elago sa kanya at para siyang kakainin ng buhay.

“Ako na ang bahala sa kanya, Lumabas ka na at magpalit ng damit. Masyadong malagkit sa pakiramdam ‘yan.”sabi ko at mabilis siyang umalis sa harapan ko.

“Belinda, Anong nangyari sa’yo?”rinig ko pang nag-aalalang bulong ng lalaking nasa likod ni Jacob Elago habang inaalalayan si Belinda.

“What do you think are you doing?!”sigaw niya sa akin.

Napalunok ako ng laway ko dahil masyadong nakakatakot ang tingin niya.

“Natapunan ko siya ng juice, Maglalagkit siya.”sabi ko at lumapit siya sa akin, Marahas niyang kinuha ang braso ko.

“Sino ka para palabasin ang secretary ko habang pinagsasabihan ko?! Sino ka para gawin ‘yun?!”napangiwi ako sa sakit, Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Who do you think you are?! Are you that great?! Do you think you’re that great to do that?!”

Pumiglas ako sa kanya. Masakit na masakit na ang pagkakahawak niya sa braso ko.

“Masakit.”mahinang usal ko sa kanya.

“Masakit? Nasasaktan ka? Bakit mo ginawa ‘yun?! Bakit mo pinalabas ang secretary ko habang pinagsasabihan ko? Why did you do that in the first place kung ayaw mong masaktan?!”tinignan ko siya sa mata niya.

Kahit na nasasaktan na niya ko ay nagawa ko pa rin siyang kaawaan. Sa tingin ko, Hindi lang ito tungkol sa pagpapalabas ko sa secretary niya, May iba pa..

Nakikita ko kasi sa likod ng nakakakilabot niyang tingin ay ang lalaking nasasaktan.

“Ang pagpapalabas ko ba talaga sa secretary mo ang kinagagalit mo o may iba pa?”tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo niya at mas tumalim ang tingin niya. Mas humigpit din ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya naman nagpupumiglas na ko. Masyado na niya kong nasasaktan. Grabe na ang pananakit niya.

“Pwede ba?! Wag ako ang saktan mo kung nasasaktan ka! Hindi ako ang nanakit sa’yo at sorry kung pinalabas ko ang secretary mo!”sigaw ko sa kanya habang pinipiglas ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

Lumawag ang pagkakahawak niya sa braso ko. Mabilis kong hinatak ang ngayo’y namumula kong braso at hinimas iyon.

Lumandas ang luha sa mata ko kahit na hindi ko gustong umiyak sa harapan niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

Lumunok ako ng laway ko kahit na parang may nagbabara sa lalamunan ko.

“Sa susunod wag kang mananakit ng iba kung nasasaktan ka.”sabi ko sa kanya. “At kung hindi naman iyon ang kaso, Kung ang ikinagagalit mo talaga ay dahil pinalabas ko ang secretary mo to the point na sinaktan mo na ko, Ang babaw mo!”

“Kaya ka siguro iniiwan dahil kasalanan mo rin.”sabi ko at kitang-kita kong npagtagis ng bagang niya habang nakatitig sa akin. “Kung nasasaktan ka sabihin mo, Hindi yung nanakit ka. Maiintindihan ko naman eh.”

Matapos kong sabihin iyon sa kanya ay kinuha ko ang bag ko sa couch bago ako lumabas. Lumabas ako ng office niya na himas-himas ang braso kong namumula. Tantaya ko’y mukhang magkakapasa ‘to.

Biglang sumama ang loob ko.

“Okay ka lang?”rinig kong tanong sa akin ng secretary niya pero hindi ko na iyon pinansin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungong elevator habang patuloy sa pagtulo ang luha sa mata ko.

Never in my life, May nakapanakit sa akin ng ganito. Sa tingin ko hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya. Yung interview? Wala na kong pake ‘dun.

“Charyn.”tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

“Charyn, Please? I am sorry.”sabi niya at hinawakan niya ko sa pulsuhan ko.

Agad kong hinatak ang kamay ko sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin bago ko siya tinalikuran. Hindi ko mapapatawad ang pananakit niya, Masyado siyang malala.

Pluck of VinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon