Chapter 11

2.8K 69 11
                                    

Warning: Medyo SPG



Maghapon akong naka-tutok sa harapan ng laptop ko para tapusin at ayusin ang mga nasira kong finalized scripts. Nasira ko nga kasi yung folder at kasalanan ‘yun ng isang Davin Jacob Elago, Masyado kasi niyang sinakop ang utak ko!

Naalala ko pa kanina, Para akong pusang nakayuko habang tinatanggap ang sermon ng matandang menopausal naming Supervisor (na magre-retire na, Thank God!) at ng Editor-in-Chief ng Department namin na Once in a Blue moon lang namin makita.

Ayan tuloy, Kasalanan niya na hindi ako nakapunta- I mean hindi ko nasamahan si Cade sa shoot para sa Magazine Issue.

“Kamusta na kaya si Cade? Anong oras na? Buhay pa kaya ‘yun?”matawa-tawang sabi ni Erin sabay tingin sa wrist watch niya. “Knowing Jacob Elago? Nilapa na siguro ng kademonyohan niya si Cade.”

“Buhay pa ‘yun ano ka ba? Baka na-aberya lang.”sabi ko kay Erin at tinignan niya ko.

Tumaas rin ang kilay niya, “Bakit parang sa tingin ko ay pinagtatanggol mo ang Gago at Aroganteng si Jacob Elago?”

Umiwas ako agad ng tingin kay Erin at lumunok ng laway ko.

“Sa tingin mo lang ‘yun.”sabi ko at sinalansan ang mga papel na napi-print out sa printer.

“Pero pasalamat ka talaga at wala si Sir Axel ngayon sa office niya. Kung hindi? Naku! Malamang malaking gulo!”stress na sabi niya. “Baka bago pa tayo ma-promote? Fired na tayo dahil diyaan sa ginawa mo.”

Matapos niyang sabihin iyon ay umiling-iling pa siya. Hindi na lang ako nagsalita habang inaayos ko ang folder ng finalized scripts, handa na para ipasa ko bago umuwi.

Hindi naman ako nahirapan na i-print out ulit ang mga scripts at gawin ang ipinagawa sa akin na i-double check ang mga iyon. Mabuti na lang kasi talaga at hindi pa binubura ni Kia (isa sa mga editors.) ang kopya ng finalized scripts sa USB niya.

Habang naglalakad ako papunta sa office ng supervisor namin ay biglang tumunog ang cellphone ko. Napatigil ako sa paglalakad para tignan kung sino ba ang nag-text sa akin, And to my surprise..

I finally receive a message!

Hulaan niyo kung sino?


From: Devil Jacob

Another thing? Iyan nga ang pangalan niya sa contacts ko at depende ‘yan sa attitude niya sa akin. Little revenge ba sa lahat ng pang-iinsulto niya kahit na gwa- I’ll shut it out bago pa ko may masabi na hindi ka-nais-nais.

You’re off from work?

Ano bang isasagot ko dito sa text niya na simple lang naman ang sagot pero parang komplikado?

                          Yeah, Tapos na ang

ang.. ang..

Agad kong binura ang tinaype kong message, Para kasing feeling close lang ang dating sa akin.

                          Yes, Sir I am off from work!

Binura ko ulit ang tinaype kong message.. Ghad! This is freaking complicated!

Okay Charyn, Inhale-Exhale, Then compose a message.

                          Yup, May kailangan ka?

Casual pero parang rude? Oh shit! Bakit ba ginagawa kong komplikado ‘to?

                          Pa-uwi na ko, May kailangan ka bang i-utos?

Send!

Kahit na hindi ako sigurado sa tinaype kong message ay bahala na. Ibinulsa ko na lang ang cellphone ko at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa office ng supervisor namin para ipasa ang hawak kong scripts.



KATATAPOS lang ng dinner namin ni Erin at nagyaya siyang manood kami ng TV, Which is very unusual for her. Madalas kasi ay magkasama sila ni Cade para mag-Bar hop pero mukhang hindi na sila nakakapuntang bar this past few days.

Idagdag pa ang pang-gigipit ni Sir Axel kay Erin sa mga workloads. Kaya ang ending? Wala na talagang oras si Erin para gawin ang kanyang fun-fun-fun.

On the other side? Maganda rin ‘yun, Hindi siya uuwi na amoy usok at alak, Wala rin akong lilinisin na suka niya.

“Ang predictable ng mga teleserye ngayon, Hula ko mabubuhay ulit yung naka-sakay sa kotseng sumabog.”pagra-rant ni Erin sa palabas na pinapanood namin. “Dalawa ang pwede niyang gawin, Plastic surgery na ubod ng mahal o hayaan ang peklat sa kanya para mas ma-drama.”

Natawa ako sa sinabi niya, May halong gestures din kasi. Inilingan ko siya kasabay ng pag-tunog ng cellphone ko.

Oh good! After almost four hours ay nag-text ulit siya.

Wow!


From: Devil Jacob

Cubix Bar, Now.

Napakunot ang noo ko dahil “wow” talaga. Wow kasi nga inabot siya ng apat na oras para lang mag-reply. Wow kasi pinapupunta niya ko sa lungga ng mga naghahanap ng ka-sex at higit sa lahat alas-nuwebe na ng gabi.

Delikado na sa labas lalo na’t babae ako. Oo sabihin na nating may kotse ako (na conjugal property namin ng best friend kong si Erin.) pero sa tingin ko ay delikado pa rin.

“Matutulog ka na?”tanong ni Erin sa akin nang tumayo ako.

I don’t have any choice, Okay? Sa pagkakatanda ko kasi “Personal” secretary ako ni Davin at mukhang may ipapagawa siya sa akin..

Hopefully yung kaya ko at ng sikmura ko ang ipapagawa niya.

So back to Erin..

“Hindi! Ano lang..”sabi ko, Kumunot ang noo niya. “A-Ano..”

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya, Hindi ko kasi alam kung saan bang lupalop ng Pilipinas nakatayo ang Cubix Bar and obviously? Kailangan ko ang tulong ni Erin na madalas pumunta sa mga bar.

“Ano yung ‘ano’ Chacha?”medyo suspicious ang tono niya pero carry lang!

Kinagat ko ang labi ko bago ko ipinikit ng mariin ang mata ko, Huminga ako ng sobrang lalim.

“Alam mo ba kung saan yung Cubix Bar?”mabilis na sabi ko and there! Nasabi ko kahit sobrang kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya.

“Yeah, Bakit?”tanong niya, Idinilat ko ang mata ko.

Nakita ko siyang naka-kunot ang noo habang nakatingin sa akin na may pagtataka, na para bang gibberish language ang sinabi ko.

“Kailangan ko kasing pumunta doon.”pag-amin ko sa kanya at lumunok ako ng laway ko.

Tumayo siya at natawa, “Sobrang weird mo simula nang dumating ka kanina sa trabaho.”

Dumaan siya sa harapan ko na iiling-iling. Sinundan ko siya ng tingin at papasok siya sa kwarto niya, Pero bago siya pumasok ay nilingon niya ko.

“Ano na? Hindi ka ba magbibihis? Gusto mong pahiramin kita ng cocktail dress ko?”tumaas ang kilay niya at ngumisi na para bang may binabalak siya.

Oh Lord! Please help me, Hindi na po ako magmumura. Iligtas niyo lang po ako sa kung ano man ang masamang binabalak ni Erin sa akin.



PINIPILIT kong hatakin pababa ang sobrang ikling “cocktail dress” ni Erin na may silver sequins sa may bandang skirt. Ramdam na ramdam ko kasi ang tela ng dress sa may bandang puwetan ko.

“Wag mo ngang hatak-hatakin! Baka mapunit, Mahal ang pagkakabili ko diyaan.”sabi ni Erin at tinampal ang braso ko.

“Oo na! Sobrang ikli naman kasi nito.”asar na sabi ko kay Erin at pumasok na kaming dalawa sa bar.

Pagpasok palang namin sa loob ay agad na nanuot sa ilong ko ang sobrang bahong amoy ng naghalong alak at sigarilyo.

Kinuha ko ang cellphone ko sa “clutch bag” ni Erin (na hindi ko alam na meron pala siya.) na ipinahiram niya sa akin. Agad kong tinext si Davin kung na saan ba siya, Pero bago ko pa ma-send ang text ay nagulat na lang ako bigla, May humatak kasi sa braso ko.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay ilang segundo pa ang nakalipas bago ko na-realize na may humalik sa akin.

Narinig ko ang pagsinghap ni Erin sa may likuran ko sa kabila ng malakas na tugtugin sa loob ng Bar.

Sa sobrang panic na nararamdaman ko sa buong katawan ko ay wala akong maisip na paraan para kumalas sa halik. Wala akong maisip na paraan para lumaban.

Wala rin ngang nagawa si Erin sa likuran ko na panay lang ang sabi ng, “Oh My God!”

She’s not really helping!

Shit!

Nanginginig ang buong katawan ko at ramdam kong pinagpapawisan ako ng malamig. Yung tuhod ko pa? Damn! Nanlalambot sila! Pinilit ko pa ngang i-angat ang nanghihina kong mga kamay para itulak siya pero wala rin akong nagawa, Sobrang nanghihina ako.

Nakakalasing masyado yung halik at nakakakuryente rin.

Nakilala ko lang sa wakas kung sino ang humahalik sa akin, nang maramdaman ko ang malikot na dila na dumadaan sa labi ko.

It’s him!

Kaya pala tumataas ang balahibo ko sa batok at nanginginig ang tuhod ko, Siya ang salarin! Na-kumpirma ko pa lalo na siya nga, Nang mawala ang labi niya sa labi ko.

“Davin.”bulong ko at kumapit ako sa braso niya.

Sobrang nanghina ako! Pero lalo akong nanghina nang titigan niya ko. Pumasok siya sa sistema ko at hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya.

Hinapit niya ko sa bewang ko at binulungan, “Bakit ngayon ka lang?”

Hindi ko magawang sumagot dahil kailangan ko pang kumuha ng lakas. Nanghihina nga kasi talaga ako, Ramdam na ramdam kong nanlalambot ang tuhod ko.

Mapipilay talaga ako at hindi makakalakad forever kapag nagpatuloy ako sa pag-dikit sa kanya.

“Nagpaganda ka?”bulong niya pa at ngumisi.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin ako sa best friend kong si Erin na naguguluhan. Panay din ang pagsa-salit ng tingin niya sa akin at kay Davin Jacob “The Jerk and Asshole” Elago.

Binigyan pa ako ng masamang tingin ni Erin at tumaas ang kilay niya, Para bang kailangan ko siyang bigyan ng matinong eksplenasyon sa nangyari.

Tumango ako sa kanya at nanliit ang mata niya bago umalis.

“Nagpaganda ka ba talaga para sa akin?”conceited!

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Bakit naman ako magpapaganda para sa kanya? Hello? Sino ba siya? Gwapo ba siy-- Err..

“So inaamin mo nga na maganda ako?”banat ko sa kanya pero umiling siya.

What the?!

“Kung para sa akin ka nagpaganda, Then the answer is yes, Miss. Kung hindi naman, Then you are not.”napa-awang ang labi ko.

Nanuot sa buto ko ang sinabi niya, Umikot ang sikmura ko at nagtatalon ang mga cells sa katawan ko sa sobrang kilig!

Damn! Hindi ako makapaniwala na kinikilig ako at sa kanya pa! Sa isang Davin Jacob Elago pa!

Tumitig ako sa kanya.. At eto na! Naglalaban na ang katawan ko at utak ko.

What have you done to me? Davin Jacob Elago?

Umangat ang gilid ng labi niya at ginawaran ako ng mabilis na dampi ng labi. Lumipad ang isip ko sa ginawa niya at hindi ko nga namalayan na inalalayan niya pala kong maglakad.

“Come.”sabi niya habang naglalakad kaming dalawa.

“Saan tayo pupunta?”kinakabahan kong tanong sa kanya.

Sino bang hindi kakabahan? Hello? He’s Davin Jacob Elago, A guy with raging Pheromones and Hormones. He can attract at the same time grab, Iyon siya at isang patunay doon ay ang mga babaeng napapalingon sa kanya sa pagdaan namin.

Umangat ang tingin ko sa kanya dahil di hamak na mas matangkad siya sa akin. Tinignan niya ko at ngumisi lang siya.

Agad akong nakaramdam ng irita nang makita ko ang ngisi niyang iyon. Idagdag pa ang kamay niyang humihimas at pumipisil sa bewang ko. Nakakairita talaga iyon at hindi ako komportable. Pero sa kabila ‘nun ay parang may dumadaloy sa katawan ko na hindi ko maintindihan, na pakiramdam ko ay para bang gusto kong lumutang, ngayon din mismo dahil sa ginagawa niya.

Dinala niya ko sa gitna ng maraming taong sumasayaw sa saliw ng maka-basag tengang tugtugin.

Napapangiwi na lang ako dahil malakas ang amoy ng pinaghalong sigarilyo, alak at kung anu-ano pang matatapang na amoy ang nandito sa kinalulugaran namin.

“Dance, I want you to Dance.”

Nagtaka ako sa sinabi niya. Gusto niya ba akong sumayaw at parang magpakabaliw dito sa gitna ng maraming tao?

Nang wala akong ginawa ay tinitigan niya ko at humalukipkip pa siya sa harapan ko. Lumingat siya sandali sa ibang direksyon, Nagkaroon ako ng pakiramdam na sundan ang tingin niya.

Doon ko napagtanto na naroroon pala ang modelong si Iris Lacsamana, Sumasayaw sa may pole kasama ang isang lalaki na sigurado akong katulad niya ay modelo rin.

Napatingin ako kay Davin na nakatitig sa akin. Hindi naman ako ganoong ka-tanga para hindi agad maisip ang gusto niyang mangyari. Kaya naman huminga muna ako ng malalim saka ko siya tinalikuran, Bago ako nagsimulang sumayaw sa kanya.

Kinagat ko ang labi ko habang sumasabay sa indayog ng tugtugin ang katawan ko. Ramdam kong nag-iinit ang mukha ko sa hiya.

Isa sa dahilan kung bakit ako tumalikod, Ayokong makita niya ang ganitong itsura ko. Ayokong maalala na ginawa ko ‘to para sa kanya.

Sa paghaplos ng likuran ko sa dibdiban niya ay nabigla ako nang iharap niya ko sa kanya. Hinapit niya rin ang bewang ko sa magkabilaang kamay niya’t nilapit ako sa kanya.

Napalunok ako ng laway ko, Lalo na nung parang yumakap siya sa akin.

“God! You’re so beautiful and gracious.”bulong niya sa tenga ko.

Kasabay ‘nun ay ang pagsinghap ko, Naramdaman ko kasi ang pagdaan ng dila niya sa earlobes ko. Muntik pa akong takasan ng ulirat. Napapikit na lang ako ng mariin nang maramdaman ko pa ang hininga niya sa sensitibong parte kong iyon.

Napa-ungol ako nang maramdaman ko ang marahang paghaplos ng daliri niya sa likuran ko.

Holy Shit! I never felt this crazy feeling of sensations before. It’s like plucking a grape vines in an erotic field.

“I want you mine..”

Matapos niyang sabihin iyon ay wala na siyang sinabi, Sinakop na lang niya ang labi ko, maging ang buong sistema ko.

Sa paghaplos ng malambot niyang labi sa labi ko ay sumabog ang puso ko, Kumabog ng malakas ang puso ko.

Nagpaunahan ang hininga ko at ang pagdaloy ng kuryente sa katawan ko.

Wala akong ginawa kung hindi ang magpatangay na lang sa mainit, marahan at nakalalasing niyang halik.

Ilang sandali pa ay naghiwalay ang labi namin, Hinabol ko pa ang sarili kong hinga.

Pagkatingin ko sa kanya ay kitang-kita ko ang panlilisik ng mata niya sa akin. Ibang klase ang lisik ng mata niya, Hindi iyon nakakakilabot at nakakatakot tulad ng parating tingin niya sa akin tuwing nanlilisik ang mata niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak niya ako sa madilim na parte ng bar. Agad akong nakaramdam ng kaba sa paghatak niya sa akin papunta doon!

Anong gagawin namin sa madilim na lugar na iyon?!

Nang tinulak ng kamay niya ang parang pader ay nalaman kong “VIP” room pala ang pupuntahan namin. Pumasok kami sa loob at ni-lock niya ang pinto.

Sa sobrang kaba ko, Parang may nagbara sa lalamunan ko.

Hinatak niya ko at umupo siya sa edge ng pa-“U” na couch habang ako ay naiwang nakatayo sa harapan niya.

Sa sumunod na ginawa niya ay nagulat ako. Hindi ko kasi inaasahan na isasandal niya ang ulo niya sa may bandang tiyan ko at iikot niya ang dalawang braso niya sa akin para yayakapin ako.

Tahimik lang kaming dalawa at ang paghinga lang namin ang naririnig ko.

Maya-maya pa ay naramdaman kong gumalaw ang ulo niya, Yinuko ko ang ulo ko. Nakita kong nakatingila siya sa akin at sobrang amo ng mukha niya.

Ang gwapo-gwapo niya, Ang pupungay ng mata niya, Sobrang tangos ng ilong niya, At ang pula-pula ng labi niya. Kung hindi lang siya arogante, mayabang at mapang-insulto ay mas lalo akong magwa-gwapuhan sa kanya. Kaya lang hindi, Ang sarap niya lang sakalin at sapakin tuwing naaalala ko ang lahat ng pang-iinsulto niya.

Bibitaw na sana ako sa kanya nang marahan niya kong hinatak. Kaya napa-upo ako sa hita niya, na naging dahilan para mag-init ang pisngi ko.

Natawa pa nga siya sandali nang makita niya ang pag-blush ko.

Ang lakas ng paghinga ko at alam kong nakakaramdam ako ng kilig sa mga ginagawa niya. Pakiramdam ko tuloy para akong teenager dito.

Nang haplusin niya ang pisngi ko ay napapikit ako, Para akong pinaghehele sa haplos niya.

“Charyn.”napadilat ako sa pagtawag niya ng pangalan ko.

Tumaas ang balahibo ko sa katawan sa pagtawag niya sa pangalan ko. Ang mga mata niyang nanunusok ang una kong nakita pagkadilat ko. Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin hanggang sa magkiskisan ang ilong namin.

Iginilid niya sa may tenga ko ang buhok ko bago ako halikan muli sa labi ko. Tulad ng kanina ay marahan at nakakalasing ang mainit niyang halik.

Medyo naging agresibo lang siya nang mailagay ko ang kamay ko sa balikat niya. Mas lumalim ang halik at naramdaman ko ang paghagod ng dila niya sa akin.

Napakapit na lang ako sa batok niya.

Naramdaman ko ang kamay niya na bumababa sa hita ko at pinaharap ako sa kanya. Napasinghap pa ako dahil may naramdaman akong matigas sa gitnang bahagi niya.

Oh God! Don’t tell me i made that?!

Lalo akong nabaliw sa iniisip ko na ako ang dahilan ng pagka-turned on niya. Pinalalim ko pa lalo ang halik ko sa kanya, Nabunggo ko pa nga ang ngipin niya.

Iyon ang naging dahilan ng sabay na pag-ungol naming dalawa. Oh My God! The vibrations!

One second after everything, The next thing I knew?

“Grind baby~”pa-ungol na sabi niya, At dahil nawala nga ako sa wisyo ay sinunod ko siya.

Sa mga oras na ‘to ay daig ko pa ang nagpakalasing sa alak. Nakakasira siya ng ulo at self-control, Masyado niya kong nilulunod sa sensasyon na dumadaloy ngayon sa katawan ko.

Lalong humigpit ang pagkapit ko sa batok niya nang makaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Humiwalay ang labi niya sa labi ko, pero napunta naman ang labi niya sa jawline ko.
 
Napa-awang ang labi ko at napapikit ako ng mariin. Hinawakan pa niya ang bewang ko para tulungan ako sa pag-galaw.

Maya-maya ay pabilis na ng pabilis ang rhythm ng galaw namin, Napalakas ang pag-ungol ko at nasabunutan ko siya sa buhok.

“Fuck, Charyn! Where are we going?”hingal at halata kong hirap pa siya habang sinasabi niya ‘yun.

Hindi ako nakapagsalita, Nababaliw na talaga ako sa kanya!

Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at yumakap pa siya ng mahigpit.

Nang maramdaman kong kinakalas niya ang suot kong bra ay doon ako bumalik sa katinuan ko. Bahagya ko siyang tinulak at nanlaki ang mata ko habang hinahabol ko ang sarili kong hininga.

“A-Anong nangyari sa atin?”nasabi ko at tumayo ako mula sa pag-kandong sa kanya.

Sa tingin ko ay pulang-pula ang mukha ko sa sobrang kahihiyan, Para akong sinaniban ng Maiden in Lust kanina. Hindi ako makapaniwala na magagawa ko ‘yun at sa kanya pa!

“Charyn-”

“Mali ‘to, Mali ako, I’m sorry to stepped the boundary.”matapos kong sabihin sa kanya ‘yun ay lumabas ako ng VIP room.

Inayos ko ang sarili ko at naglakad ako palabas ng Cubix.

Nakita ko pa nga si Isaac na nasa may Bar at tinawag ako. “Hey Charyn, Hinahanap mo ba si Davin?”

Umiling ako sa kanya at mabilis na naglakad palabas.

“Ano ‘yun? Bakit ka hinalikan ng Jacob Elago na ‘yun? Anong meron sa inyong dalawa?”sunod-sunod na tanong sa akin ni Erin nang sumakay ako sa kotse.

Hindi ako nagsalita at para akong napipe sa lahat nang nangyari kanina.

“May namamagitan ba sa inyo?”tanong pa niya pero wala ako sa sarili ko, Lumilipad ang isipan ko.

I shouldn’t have stepped the line. Pipilitin kong kalimutan ang mga ito, Tulad nung kung ano man ang nangyari sa amin sa Paris. Titiisin ko na lang ang ilang linggo dahil alam kong matatapos na ang deal na ‘to. Naipasa na ang finalized scripts, Natapos na ni Erin ang mga articles na naka-assign sa kanya, Sigurado rin akong nakuha na ni Cade ang shots para sa Magazine Issue.

Pagka-imprenta ng mga Magazines at pagka-nilabas na sa merkado ay tapos na ang deal namin, Iyon ang usapan.

“Bakit tulala ka? Don’t tell me pinagsamantalahan ka niya?!”sigaw niya kaya naman napatingin ako sa kanya.

“Hindi!”pasigaw kong sagot dahil sa gulat ko sa sinabi niya.

Tumaas naman ang kilay niya at ngumisi, “So what’s the score? Anong meron teh? Ikaw ah, Naglilihim ka na.”

Nanahimik akong muli, Hindi pa ko handang ipagtapat kay Erin kung ano ang meron. Natatakot akong husgahan niya ako sa ginawa ko.

“Ay masyadong showbiz! May nalalamang silent treatment a.k.a. no comment.”daldal pa niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Erin, May bumabagabag na katanungan sa akin, Ang tanong na bakit ko nga ba hinayaang halikan niya ko?

Bakit nga ba? Bakit ko ba siya hinayaan?

Natigilan ako saglit nang ma-realize ko at malaman ko ang sagot sa sarili kong tanong.

Bakit nga ba?

Kasi gusto ko.

Una palang, Unang kita ko palang sa kanya noon sa Paris ay alam kong attracted na ako sa kanya.

I know that all along that I was and am attracted to Davin Jacob Elago.. I just denied it.

Pluck of VinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon