Chapter 12

3.4K 83 24
                                    

“Penny for your thoughts?” biglang sabi ni Erin sa gitna ng katahimikan naming dalawa.

Iyon din ang naging dahilan para mapatingin ako sa kanya at bumalik sa realidad. Sa realidad na kahit na inaamin ko sa sarili kong attracted ako kay Davin ay may rules na dapat sundin at linya na dapat ay hindi lagpasan.

“You know, Hindi mo na kailangan mag-explain sa akin kung ano ang nakita ko kanina.” ani Erin.

Pinagmasdan ko siya at kinagat ko pa ang labi ko.

“Kahit sinong makakita ay may suspetya na! Kaya sigurado akong may namamagitan sa inyong dalawa ng Gago at Aroganteng si Jacob Elago. So Chacha kapag ready ka na, Sabihin mo sa akin ang bumabagabag sa iyo. Kasi sa huling pagkakatanda ko ay kaibigan mo ko.” aniya.

Ngumisi pa siya matapos sabihin iyon. Nang ihininto niya ang sasakyan sa garahe ng Apartment Building ay mabilis niyang kinuha ang car keys at bumaba ng sasakyan.

Wala akong ginawa kungdi ang huminga lang ng malalim. Alam kong tama si Erin. Hindi pa nga ako handa para ipagtapat sa kanya ang mga nangyayari sa akin at kung anong klaseng gulo ang pinasok ko, Ang gulong pinasok ko dahil sa pagiging greedy ko.

Natatakot din akong mahusgahan dahil sa ginawa ko. Kaya ngayon, Hindi ko na alam kung ano na ba ang susunod kong gagawin. Gulong-gulo na ko.

Ang buong akala ko ay makiki-go with the flow lang ako sa magandang nangyayari sa akin. Pero alam kong hindi ‘yun pwede. Sa huling pagkakataon ay bumuntong hininga ako bago bumaba ng sasakyan para sundan si Erin.

Pag-akyat ko sa Apartment naming dalawa ay nakita ko si Erin na pumasok sa banyo. Hindi niya ata ako napansin na pumasok sa loob ng Apartment.

Agad akong tumungo sa kusina para buksan ang refrigerator at kumuha ng malamig na tubig. Pagkasalin ko ng tubig sa baso ay agad akong uminom at umupo sa malapit na upuan.

Hinilot ko rin ang aking ulo dahil pakiramdam ko ay na-i-stress ako. Unti-unti, Bumabalik sa akin ang imahe ng mga nangyari kanina sa amin ni Davin sa loob ng VIP room ng Cubix.

Sa mga oras na ‘to ay gustong-gusto kong sabunutan ang sarili ko sa kahihiyan. Naiinis din ako sa sarili ko habang inaalala ko ang mga nangyari. Sa tingin ko nga parang hindi ako ang nasa katawan ko kanina, para akong sinapian ng lunod sa init na espirito.

Napatigil lang ako sa lahat ng pinag-iisip ko nang sumakit ang ibabang bahagi ng tiyan ko.

Oh God cramps!

“Chacha.” rinig kong boses ni Erin.

Tumayo ako at nakita ko siya na pinupunasan ang buhok niya. Halata ko pang papasok na siya sa loob ng kwarto niya.

“Matapos mong maghilamos ay magpahinga ka na. Masyadong maraming nangyari ngayong araw, Good night.” aniya bago pumasok sa kwarto.

At kahit hindi niya narinig ay sinagot ko rin siya. “Good night din.”

Matapos ay naglakad na ko papasok sa banyo para naman maghilamos. Napapangiwi ako dahil sa sakit sa ibabang bahagi ng tiyan ko. Pagpasok ko ay agad kong tinanggal ang damit na suot ko at isinabit sa towel rack.

Napansin ko sa underwear ko ang pulang linya..

“Shit!” nasambit ko na lang.

Kaya pala.. Kaya pala ganoon na lang ako matangay kanina sa nangyari sa amin ni Davin. Stupid hormones! Wrong timing ka naman, Kainis!



KINABUKASAN ay maaga akong gumising kahit na namimilipit ako sa sakit ng puson ko. Second day ko bilang Personal secretary niya, Kailangan kong ipaghanda ang pagkain niya ngayong agahan at tulungan din siya sa susuotin niya.

Hindi rin ako naka-receive ng kung ano mang text mula sa kanya. At kahit na nahihiya akong harapin siya ngayong araw at huwag na lang sanang magpakita pero hindi ko ‘yon magawa. May usapan kaming dalawa at kailangan kong tuparin ang usapan na ‘yun.

Kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami ma-pro-promote ni Erin at Cade sa darating na sabado. Alam kong parang ginamit ko siya sa ginawa ko pero gusto kong bumawi doon. Ayokong isipin niya na porket hindi ako mayaman katulad niya ay Oportunista ako.

“Saan naman ang lakad mo ngayon?” tanong ni Erin nang makita niya ko.

Kalalabas niya lang ng kanyang kwarto, Humihikab at umuunat pa nga siya.

“Dadaan sana akong Figaro may papabili ka?” pagliligaw ko sa usapan.

Pluck of VinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon