Chapter 6

2.2K 45 4
                                    

Pagkasakay na pagkasakay niya sa kotse niya ay pumara agad ako ng taxi para sundan siya. Magbabayad siya, Makikita niya. Justice will prevail! Justice is fair!

“Manong sundan niyo po yung kotseng ‘yun.”sabi ko kay Manong.

At si Manong hindi magkanda-ugaga habang sinusundan ang sasakyan nung Aroganteng Butiki (kasi mukha siyang butiki.. Drop the word gwapo kahit na alam kong gwapo talaga siya. Mukha rin naman siyang butiki eh.) na ‘yun. Ang kapal ng mukha niya. Pwede naman akong ilabas ng maayos sa building niya di ba? Bakit kailangan pa niya kong ihagis?

Naku lang talaga! Sa ayaw at gusto niya, Gugustuhin niyang magpa-interview sa akin dahil kung hindi, Kakasuhan ko siya ng harassment. Magpapatulong ako sa Gabriela para manalo ang lawsuit.

Nang mawala ang kotse niya sa paningin ko ay agad akong nag-reklamo kay Manong Driver.

“Manong nawala na po siya! Bilisan niyo po!”hysteria kong sabi kay Manong Driver.

“Ma’am, Ayon po sa kaliwang lane yung sasakyan na sinusundan natin.”kalmadong sagot sa akin ni Manong Driver.

Kaya naman tinignan ko yung kaliwang lane.. At oo nga. Nandoon ang sasakyan ng Aroganteng Butiki. Pahiya ako eh, Tinignan ko si Manong Driver na prenteng-prente kung magmaneho.

“Sorry po Manong, Pero babayaran ko po kayo ng malaki basta sundan niyo lang po.”sabi ko kay Manong Driver.

Icha-charge ko na lang kay Sir Axel ‘tong ibabayad ko sa taxi para sundan lang itong Aroganteng Butiki na ‘to.

Huminto ang sasakyan niya sa labas ng Bar. Kaya naman napakunot ang noo ko.

Anong gagawin niya? Bakit siya pumunta dito? At sino ang kikitain niya?

Nalaglag ang panga ko nang makita ko siyang pumasok sa loob. Kaya naman agad kong binayaran si Manong Driver ng dalawang libo sa wallet ko, Saka ako madaling lumabas. Baka kasi mamaya pagpasok ko mawala sa paningin ko yung Aroganteng Butiki na ‘yun.

Pagpasok ko sa loob ng Bar ay sobrang usok at ang sakit pa sa tenga ng tugtugin. Ang dami ring tao at ang sakit nila sa ulo.

Agad kong hinanap ang lalaking iyon sa parang dagat ng tao sa loob ng bar. Nahagip siya ng mata ko na nakatayo sa Bar na halatang bwisit na bwisit sa babaeng naka-ub-ob sa counter at mukhang lasing. Sa tabi naman niya ay isang lalaking iiling-iling.

Lumapit ako sa kanila at agad akong natigilan nang umayos ng upo ang babae pero halatang lasing na lasing siya.

Apat na upuan ang pagitan ko sa kanila.

“Oh! It’s you Davin!”lasing na sabi ng babae at sininok pa.

Bumuntong hininga si Davin Elago o Jacob Elago basta ang Aroganteng butiki. Sa sitwasyon na ito, Dapat ako ang bumubuntong hininga.

“Did you come for me?”at humalakhak ang babae. “Hey! Davin.. Tell me. Why can’t you love me? Why can’t you love me back? Si Iris pa rin ba?”

Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa chismosa pero-- Napatalon ako sa gulat nang sumigaw yung babae.

“Fuck shit Davin! Iris dumped you on your proposal! Wala siyang kwenta! Ako? Mahal na mahal kita.”

“Yvette, You’re hopeless! Get up your ass.”rinig kong sabi nung lalaki at mukhang natatawa ata siya sa sitwasyon ng babae.

“I won’t Isaac! So shut the fuck up! Until Davin loves me.. Until he loves me too, I won’t go anywhere.”

Tama nga yung Isaac, She’s really hopeless.

“Na saan ba kasi si Ynigo? Bakit hinahayaan niya ang kapatid niya dito?!”sigaw na niya, Mukhang napuno na.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, Hindi ko namalayan na napatingin ata siya sa gawi ko at sinamaan ako ng tingin? Hindi ako sigurado..

“Fuck!”

Hindi ako sigurado kung napatingin nga siya sa gawi ko. Yung Isaac naman tawang-tawa lang sa nangyayari.

“Bring her home, Isaac. Just bring her home.”inis na inis na sabi niya doon sa Isaac, Bago siya naglakad sa gawi ko.

Nanlaki ang mata ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko. Napakahawak na lang ako ng madiin sa bag ko, Handang-handa na nga akong ihampas sa kanya ‘to, Sa kung ano man ang gagawin niya sa akin. Pero nagulat na lang ako nang hawakan niya ko sa braso ko at kinaladkad ako palabas ng Bar.

“What the fuck are you doing here?!”sigaw niya sa akin matapos niya akong padabog na bitawan sa Parking Lot ng bar.

Napalunok ako ng laway ko sa takot, Sa takot ko sa pag-sigaw niya at sa itsura niya ngayon. Para kasi siyang halimaw na handang lapain ang nasa harapan niya.

“Sinabi ko naman sa’yo, Mawawalan ako ng trabaho. Hindi lang ako, Pati na rin yung mga kasama ko kanina kapag hindi ko nagawang kunin ang interview mo.”lakas loob kong sabi sa kanya at nakatingin lang siya sa akin ng masama.

“That’s none of my business!”sigaw niya kaya naman napasigaw na rin ako sa inis at takot ko sa kanya.

“You’re my business!”

Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa matapos kong sumigaw. Pero yung matalim niyang titig, Iyon ang hindi nawala.

“Damn!”rinig kong cussed niya at napahawak na siya sa sentido niya.

Panay ang buntong-hininga niya na halatang inis ang binubuntong niya. Kinagat ko ang labi ko at pinag-isipang mabuti na humingi ng pasensya sa kakulitan ko.

“I am really sorry Mr.Elago pero hindi naman po kasi matagal, Saglit lang.”sabi ko. “We just want to know your Opinions about business. Share your motto and achievements of your Company that helps the Economy of our Country. How you successfully run the Elago Incorporations in your very young age, And to give motivation to entrepreneurs and aspiring entrepreneurs.”paliwanag ko pa.

Tinitigan niya lang ako the whole time na nagpapaliwanag ako. Somehow napansin kong nawala na yung kilabot niyang titig habang nagpapaliwanag ako kanina.

“Mr.Elago thirty minutes is enou--”hindi ko natapos ang sinasabi ko nang bigla niya kong hawakan sa batok at braso para mapalapit sa kanya.

Agad na nanlaki ang mga mata ko at nakaramdam ng panic. “A-anong..”

Huminga siya ng malalim habang nakatingin sa mga mata ko’t magkalapit ang mukha naming dalawa. Doon ko napansin na gumalaw ang mata niya sa gawing likuran ko ata? Hindi ko na alam, Dahil ang alam ko na lang ay nilapat niya ang labi niya.. Sa labi ko.

Lalong namilog ang mata ko nang ma-realize kong hinalikan na naman niya ko! Hindi lang iyon isang simpleng halik kung hindi isang mainit na halik..

Pero nasa wisyo ako ngayon, Hindi tulad ng nangyari sa Paris na lasing ako kaya wala akong nagawa. Agad kong inangat ang dalawang kamay ko para itulak siya. Binitawan niya ang braso ko at hinawakan ang mga kamay kong itinutulak siya sa dibdiban niya.

Shit!

Ano bang problema ng lalaking ito at nanghahalik na lang basta-basta?!

Nang maramdaman ko ang dila niya sa labi ko ay nanghina ang tuhod ko. Tinakasan ako ng kaluluwa at pag-iisip ko, Napapikit ako sa halik niya. Sumabay ako sa masarap na alon ng sensasyon na dulot ng halik niya.

“Davin!”rinig kong boses ng babae sa likuran ko.

Na-estatwa ako at tumigil siya sa paghalik sa akin. Agad akong napadilat at bumungad sa akin ang naka-ngisi niyang mukha habang nakatingin sa babaeng nasa likuran ko. Hindi ako sigurado kung ako lang ba, Pero nakikita kong kahit naka-ngisi siya ay malungkot at nasasaktan ang repleksyon ng mga mata niya.

“What are you doing here Iris? Kikitain si Axel?”ngising sabi niya kaya naman nanlaki ang mata ko.

Iris? Iris Lacsamana? Yung modelo?!

“No! Actually my friends invite me, Ikaw.. Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo? Fling?”napalingon ako at agad na tumanggi.

“Hindi! Sa totoo--”

“She’s my new girl.”sabi niya sabay akbay sa akin.

Agad akong napatingin sa lalaking umakbay sa akin. Na-speechless ako at sa mga oras na ‘to, Gustong-gusto na talagang makilala ng panga ko ang semento sa kinatatayuan naming Parking Lot ng Bar. Kailan pa niya ko naging “new girl”, Ha? Sa pagkakaalam ko ay pinatapon niya pa ko palabas ng building ng kompanya niya kanina lang!

Ang kapal ng mukha niya!

Tinaasan ako ng kilay ng modelong si Iris bago siya ngumisi. “Your new girl.. You mean another toy to play?”

Naguguluhan na ako dito, Pero iisa lang ang alam ko. Playboy ata ‘tong si Mr.Elago. Nayari ka Charyn! Kaya pala magaling humalik.. Patay ka na!

“If you mind, Iris? It’s not really your business if i date her, Respect my Privacy.”

Iyon lang yung huli kong naalala, Bago ako inalayan este kinaladkad ng lalaking ito sa loob ng kotse niya. Huli na nga nang ma-realize kong nasa loob na pala ako ng sasakyan niya at umaandar na ‘yun.

“Excuse me pero ida-drop ko ang formalities..”sabi ko sa kanya na nagmamaneho. “.. Anong ibig sabihin ‘nun? Bakit mo sinabi sa kanya ‘yun?!”

Ngumisi siya. “What? That we’re dating? Isn’t that a privilege to you? That you’re dating the President of Elago Incorporations.”

Sobrang hangin niya talaga. Oo alam kong makapangyarihan siya pero..

“And It’s not like, I want to say that..”sabi pa niya kaya tumaas ang kilay ko lalo na nung sumulyap siya sa akin habang nakangisi. “.. You’re not that beautiful and sexy. You know, I only date beautiful and sexy girls. Sadly and sorry to say, You’re not even one of them.”

Napanganga ako sa sinabi niya. A-Ako?! Hindi maganda at sexy?

Eh Gago pala siya! Bulag at Pervert din!

Okay pa sana yung hindi sexy alam ko ‘yun sa sarili ko, Pero Heck! Hindi maganda? Ako hindi maganda? Samantalang ako nga ang tinaguriang Campus Sweetheart nung High school ako! Marami nga akong manliligaw noon.

Ang dami na talagang kasalanan nitong lalaking ito sa akin. Kung isa-summarize natin, Finrame up niya kong hinarass ko siya at Ipinatapon niya ko palabas ng building niya kanina. Hinalikan niya ko kanina ng walang pahintulot ko (kahit na magaling siyang humalik, exception ‘yun!) at ininsulto ako ngayon-ngayon lang.

Ay meron pa pala!

Hindi naman ako masyadong tanga para hindi mapansin na kaya niya ko hinalikan kanina ay para pag-selosin ang modelong si Iris which is, Girlfriend niya ata dahil mukhang nag-proposed siya pero hindi siya sinipot.

Mabuti naman dahil kung sinipot siya ng modelong si Iris Lacsamana, Malamang! Condolence sa kanya. Sobrang sama ng ugali nitong lalaking ito eh.

Hindi na lang ako kumibo sa kanya na nagmamaneho habang nakangisi. Ang sarap lamutakin ng mukha niya, Bwisit!

Huminga ako ng malalim at nilunok ko lahat ng ginawa niya ngayong araw sa akin. Ine-expect ko na mas malala pa siya sa mga susunod na araw na susundan ko siya. Mas malala pa siya sa mga susunod na araw na makakasama ko siya.

Kapag kasi hindi ko ginawa ‘to, Mawawalan kami ng trabaho nila Cade at Erin. Para sa akin ang trabahong ito ang kailangan ko sa ngayon para tustusan ang kalusugan ni Charlie. Siguro sa kaso ni Erin at Cade, Kay Erin lang ako mag-aalala dahil nagpapadala siya ng pera sa kamag-anak niya sa Probinsya. Si Cade? Mayaman si Cade kaya walang problema sa kanya.

Nakakapagod din, Nakakapagod ding makipag-away sa taong mayabang na may ipinagmamayabang. Tama na muna ngayon, Masyado nang marami ang nangyari sa’kin ngayong araw.

Hininto niya ang sasakyan niya sa Cliffs at ibinaba niya ang roof ng convertible car niya.

Anong ginagawa namin dito sa Cliffs? Sight-seeing sa buong City? Tsk!

“Ano pong gagawin natin dito?”tanong ko sa kanya at tinignan niya lang ako ng seryoso.

“Make out.”simpleng sabi niya at nanlaki ang mata ko.

Agad kong inilagay ang dalawa kong braso sa dibdib ko at tinikom ko ng mahigpit ang labi ko.

Sa ginawa ko napatawa siya. What? Pinaglalaruan niya ba ko?

Ibinaba ko ang braso ko at bumuga ko ng hangin sa inis. Masyadong malala ang isang ‘to.

“You’re funny.”nakangiting sabi niya pero hindi umaabot sa mata niya yung saya niya.

“Sir seryoso po? Gabing-gabi na, Kailangan ko na pong umuwi. Ano pong ginagawa natin dito?”tanong ko sa kanya ng seryoso.

Nang hindi siya sumagot ay iniwasan ko na lang ang titig niya. Tinignan ko na lang ang view ng City mula dito sa Cliffs.

Tahimik lang kaming dalawa. Tanging ang paghinga namin at ang malakas na ihip ng hangin lang ang naririnig ko.

“Fine, I’ll let you get my interview.”biglang sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya.

Seryoso ba siya? Saka tama ba ang narinig ko?

“Excuse me Sir, Pero tama po ba ang pagkakarinig ko? Magpapa-interview ka na?”tanong ko sa kanya dahil gusto ko ng kumpirmasyon galing mismo sa bibig niya.

“Yeah, Exclusively for you.”sabi niya at magiging maligaya na sana ako, sana.. “Pero sa isang kondisyon.”

“Kondisyon? Ano pong kondisyon?”tanong ko sa kanya.

“First drop the formalities tulad ng ginawa mo kanina, It’s comfortable.”iyon lang pala madali lang-- “Second I need a personal secretary, Can you do another job?”

Napanganga na ko dahil kung may second, ibig sabihin may third pa? Akala ko ba isang kondisyon lang?

“Hep! Sir sandali---”binato niya sa akin yung kilabot niyang titig. “Ahm.. I mean sandali lang.. Ano.. Akala ko ba isang kondisyon lang? Bakit ang dami naman ata?”

Pagkasabi ko ‘nun ay binato na naman niya sa akin yung matatalim niyang tingin.

Umiwas ako ng tingin at nag-pekeng ubo sabay ayos ng upo ko.

“And third, I want you to pretend that i am dating you.”namilog ang mata ko at mabilis akong napatingin sa kanya.

“H-Ha?”nabingi ata ako sa haba ng sinabi niya.

“Iyon lang ang kondisyon ko. Drop the formalities between us, Be my personal secretary and pretend that I am dating you.”napanganga na ko.

“Hindi ba sabi niyo isang kondisyon lang? Eh tatlo ‘yan eh.”reklamo ko sa kanya.

Porket gipit ako, Masyado niya kong pinagsasamantalahan.

“No, Isang kondisyon lang ‘yan. Isang sentence lang di ba?”napabuga ako ng hangin sa kagaguhan niya.

Shit lang! Ang utak niya. Dahil kailangan ko siya, Gagamitin niya rin ako kaya lang mas gagamitin niya ko. Quits nga naman kaming dalawa kasi ako yung may kailangan sa kanya.

“Deal?”tinitigan ko na lang siya na mukhang seryoso talaga sa sinabi niya.

Mukhang mapapasubo ako dito. Ano bang gagawin ko?

“Pwedeng pag-isipan ko muna? Masyado na kong pagod ngayong araw eh.”pagdadahilan ko.

Ibinaba niya ang roof ng convertible car at nagmaneho na siya paalis sa Cliffs.

“Take your time to decide.”

Pluck of VinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon