Chapter 1

5.4K 44 1
                                    

Napahinga ako ng malalim at binuntong hininga ko na lang iyon. Kanina pa kasi ako inis na inis sa katabi ko. Actually kanina pa siya, Sa pagsakay pa lang sa eroplano ay inis na inis na ko sa kanya pero nagtitimpi lang ako.

Alam niyo yung gustong-gusto mong pasakan ng kung anong madambot mo sa tabi, Yung bibig ng katabi mo? Ganoon na ganoon yung nararamdaman ko kanina pa pero nagtitimpi lang talaga ko. Kanina pa siya dakdak ng dakdak hindi naman helpful.

“Oh my Gosh! Sobrang excited na kong lumapag ang eroplano sa Paris! This is it!”salita lang siya ng salita, Hindi ko pinapansin.

Kanina ko pa siya hindi pinapansin simula nung mag-ingay siya. Kahit na nung nag-stop over kami sa Hong Kong? Naku! Ang daldal-daldal niya talaga.

Asar din naman kasi sina Cade at Erin. Ang layo-layo ng seats nila sa akin at kung mamalasin nga naman ako, Etong madaldal na ito pa ang nakatabi ko.

Ang malas ko lang talaga di ba?

Bwisit lang. Ako pa naman yung klase ng tao na ayaw sa maiingay lalo na’t sasabak ako sa matinding trabaho sa Paris.

Yes, Trabaho ang dahilan kung bakit kami pupuntang Paris nina Cade at Erin. Actually kaming dalawa lang talaga ni Cade ang pupunta pero nagpumilit lang si Erin kaya naman hinayaan na siya ni Sir Axel, Ang boss namin.

Napasuklay ako ng buhok at sumandal sa inuupuan ko’t pumikit.

Hindi naman talaga sana ako sasama dito sa Paris kung hindi lang kailangan lalo na’t banas na banas ako sa boss namin. Bakit ako banas sa boss ko?

Tarantado kasi siya. Daig pa niya ang mga Scientist dahil panay ang experiment niya sa mga employees niya samantalang almost six months palang siya simula nang palitan niya si Madam, Ang mother niya na totoong may-ari ng R Publishing.

At take note! Hindi pa officially na isinasalin sa kanya ni Madam ang R Publishing. Acting CEO palang siya pero marami ang banas sa kanya, Bakit?



One week ago..


Tahimik sana akong kakain sa Cafeteria sa tapat ng Publishing House kung saan ako nagtatrabaho bilang Writer slash Editor sa isang kilalang Fashion Magazine. Tulad nga ng sinabi ko kanina tahimik sana akong kakain, Kung hindi lang ako nilapitan ni Erin.

Si Erin ang bestfriend ko since High school at the same time housemate ko dahil sa iisang apartment lang kami nakatira. For one reason, Kailangan niya ng kahati sa pagbabayad ng apartment lalo na’t nagpapadala siya ng pera sa probinsya.

Ako naman? Kailangan ng matitirhan kaya eto, Pumayag ako na maghati kami sa pagbayad sa apartment.

“Chacha! Oh My Gosh!”hingal na hingal niyang approach sa akin sabay upo sa upuan sa harapan ko.

“Oh may problema ka na naman?”tanong ko sa kanya at umiling siya sabay kuha ng coke in can ko saka niya ininuman. Napa-rolyo na lang ako ng mata ko.

Nilapag niya muna ang coke in can ko bago siya nagsalita. “Magkakaroon na naman ng re-shuffle sa mga writers at editors next month.”

Sa sinabi niya nanlaki ang mata ko at napatigil sa pagkain. Re-shuffle?

“Na Naman?! Eh kakare-shuffle lang last month ah?”sabi ko at napangiwi siya. “Pinage-eksperimentuhan ba tayo ni Sir Axel? Daig pa natin ang mga Nomads dahil sa papalit-palit ng Departments eh.”asar na sabi ko pa.

Oo, Daig pa namin ang mga Nomads dahil wala kaming permanenteng Department.

Nag-simula lang naman kaming maging parang Nomads nung naupo si Sir Axel kapalit ni Madam. Nung una naka-assign ako kasama si Erin sa mga pocketbooks. Kami yung nag-e-edit ng mga typographical at grammars sa mga manuscripts ng mga writers. Pero nung naupo si Sir Axel?

Kung saan-saan na ako napunta. Naging editor ako sa isang Sports Magazine, Writer sa isang Home and Interior Magazine, Editor ulit sa isang Food Magazine at Writer sa isang Entertainment Magazine which is last month at ngayon naman sa isang Fashion Magazine.

Mabuti pa nga itong si Erin, Nung nilagay siya sa Business Magazine hindi na siya nawala. Ang rason ni Erin? “Ako lang kasi ang nagtapos ng BS in Business Administration and Management.” See?

Kaya hindi siya nasali sa experiment ni Sir Axel na nagpauso ng Monthly re-shuffle sa Publishing House.

“May re-shuffle na naman daw?”tanong ni Cade na umupo sa upuan sa gilid namin ni Erin. Etong si Cade naman ay Photographer ng Publishing House. “Ano ba ang trip sa buhay ni Sir Axel?”

“Malay ko, Naka-drugs ata ‘yun eh.”asar na sabi ko at tumayo na. Nawalan ako ng ganang kumain dahil sa pesteng “re-shuffle” na ‘yan.

“Oh Charyn saan ka pupunta?”tanong ni Cade pagkatayo ko.

“Kay Sir Axel magrereklamo, magreresign, I quit!”sagot ko sabay alis. Aalma pa si Cade pero pinigilan siya ni Erin, Alam na ni Erin na mainit ang ulo ko.

Sino ba naman kasi ang hindi mag-iinit ang ulo kung kada-month magpapalit ka ng Department di ba? Okay sana kung promotion kaso hindi! Anak ng tokwa lang.

Pagkadating ko sa loob ng Department namin dito sa Publishing House na pinagtatrabahuhan ko ay agad akong pumunta sa desk ko at kinuha ang pinrint kong Article para sa isang section ng Fashion Magazine na issue this month.

Ipapasa ko muna ‘to kay Sir Axel bago ako magreklamo at magresign.

“Charyn pinapatawag ka ni Sir Axel sa office niya.”sabi sa akin ng katrabaho ko kaya naman tumango ako.

Sakto! Kailangan kong pumunta sa kanya para magreklamo at magresign na rin. May dahilan para makapunta ako sa office niya nang may dignidad.

Kung nagtataka kayo bakit ganito ang ugali ko sa boss ko? Pwes hindi ako takot kay Sir Axel, Kay Madam? Oo, Pero kay Sir Axel? Hindi talaga.

Naging ka-blockmate namin ni Erin dati ‘yan nung freshman year namin sa College. Hindi naman kami ganoong ka-close pero may ugali kasi si Sir Axel na hindi ka matatakot sa kanya, Minsan lang kapag sumigaw na. Kumbaga para siyang granada, Hindi mangangatog at manlalambot ang tuhod mo unless you pull the trigger.

Naglakad na ko patungo sa office ni Sir Axel habang ginagawa ko na ang linya na sasabihin ko sa kanya sa utak ko. Napatigil lang ako nang tumunog ang cellphone ko.

Tinignan ko ang caller at si Ellen pala, Kaya agad kong sinagot dahil baka may problema.

“Hello, Ellen? May problema ba?”tanong ko sa kanya at narinig ko siyang napaiyak.

“Ate Chacha, Si Charlie kasi..”umiiyak niyang sabi kaya naman napatigil ako sa paglalakad.

“Anong nangyari kay Charlie?”nag-aalala kong tanong kay Ellen.

Nakaramdam ako ng kaba. Gusto ko agad tumakbo papunta sa kapatid ko.

“Ate nagrereklamo na yung Ospital kailangan na raw bayaran yung kulang kay Charlie. Kung hindi raw mababayaran yung mga kulang ay hindi na nila matatanggap si Charlie.”umiiyak na sabi niya sa akin kaya naman napahawak ako sa sentido ko.

Isa pa itong Ospital hindi ba sila makapag-antay ng katapusan para mabayaran sila? Binabayaran ko naman sila tuwing suweldo ko ah.

Napahinga ako ng malalim. “Huwag ka ng umiyak Ellen, Ako na ang bahala. Basta mamaya pupunta ako diyaan.”

“Ate pasensya na talaga sa istorbo. Nag-aalala lang talaga ako kay Charlie.”

“Okay lang saka salamat sa pagbabantay kay Charlie.”sabi ko sa kanya at matapos ng tawag na iyon ay napa-buga na lang ako ng hangin bago naglakad papuntang office ni Sir Axel.

Pagkarating ko sa office niya ay kakatok na sana ako nang mapansin kong naka-uwang ang pinto ng Office ni Sir Axel kaya naman binuksan ko iyon.

“I am telling you this Iris, Hindi mo susulputin si Davin next week.”rinig kong ngising sabi ni Sir Axel sa modelong si Iris Lacsamana. Kilala ko ang modelong iyan dahil na-feature siya sa Entertainment Magazine kung saan ako naka-assign last month.

“How can you be so sure na hindi ko susulputin si Davin next week?”rinig kong sabi ni Iris na tinaas pa ang kilay niya. “And for Pete’s sake Axel! Tigilan mo na ako, Masaya na kami ni Davin and we’re getting married before the year ends.”

“Basta alam ko lang na hindi mo susulputin si Davin next week at titigilan? No way Iris!”napataas na ang kilay ko. Parang isang kontrabida kasi si Sir Axel sa isang teleserye sa tono niya.

“You’re mine to begin with at lalong hindi ka magpapakasal kay Davin because he’s not the type of man who settles down.”

Napakunot ang noo ko. Hindi naman sa nakiki-chismis ako pero hello? I have my important business too kaya naman binuksan ko na ‘yung pinto ng malaki at pumasok na. Sabay pa nga silang napalingon sa akin pag-pasok ko.

“Sir pinapatawag niyo raw po ako.”magalang na sabi ko kahit na may hint ng asar ang tono ng boses ko. Siyempre kailangan maging magalang kasi may kailangan din ako.

Ganoon naman kasi talaga. Kahit banas ka sa boss mo kailangan mo pa rin gumalang.

Nakita ko na sinamaan muna ng tingin ng modelong si Iris si Sir Axel bago ako nilagpasan. Ngumisi si Sir Axel habang pinagmamasdan ang likuran nang papaalis na si Iris Lacsamana saka ako binalingan.

“Yes pinapatawag kita Miss Manuel, Take a sit.”sabi ni Sir Axel kaya naman umupo ako sa couch kung saan niya ako pinapa-upo.

“Gusto ko sanang i-inform ka na may Fashion Summit sa Paris next week at gusto kong pumunta kayo ni Cade doon para kuhanan ang summit na iyon na ipi-feature natin sa Magazine.”utos ni Sir Axel kaya naman napatango. “Isa pa, Don’t worry about the expenses and accommodation dahil ang Kompanya ang bahala.”

“Okay po sir.”sabi ko. “Ay sir, Ako na lang po ba ang kakausap kay Cade?”tanong ko kay Sir Axel.

Kinalimutan ko na ang reklamo ko about sa re-shuffle na ‘yan at ang balak kong mag-resign. Dahil kailangan kong unahin ang problema ko kay Charlie at Pangalawa kailangan kong mag-advance.

Ngumisi si Sir Axel na animo’y may binabalak pero baka naman guni-guni ko lang iyon kaya naman hindi ko na lang pinansin.

“Sure Miss Manuel you may tell him.”sagot ni Sir sa akin kaya naman napatango ako.

“Sige po, Sir.”at tumayo na ako para umalis palabas ng office niya.

Paglakabas ko sa Office ni Sir Axel ay bumungad sa akin si Cade at Erin, Mukhang nagtataka sila kung bakit hindi ako asar na lumabas sa office ni Sir Axel.

“Oh anong nangyari? Bakit parang kanina lang ay asar na asar ka kay Sir Axel pero ngayon ay mukhang ayos ka na?”nagtatakang tanong ni Erin kaya naman agad ko nang sinabi kay Cade.

“Cade! Ihanda mo na ang passport mo, We’re going to Paris.”sabi ko kay Cade.

Nagulat naman si Erin dahil hindi siya kasama. Si Cade? Sanay na si Cade sa mga ganito dahil nagta-travel siya from places to another para kumuha ng litrato.

Ako naman may passport na dati pa ipapa-renew ko na lang.

“Ha? Bakit kayo lang? Akala ko ba team tayo? Ang daya!”nakangusong sabi ni Erin at kinurot siya sa pisngi ni Cade.

“Papasalubungan na lang namin ikaw ng keychain ng Eiffel Tower.”biro ni Cade kaya naman lalong humaba ang nguso ni Erin saka nag-cling sa akin.

“Sabihin mo kay Sir Axel kailangan ng translator, Magaling akong magsalita ng French.”bungisngis ni Erin kaya naman napa-iling ako.

Nagsimula na rin akong maglakad habang si Erin ay kinukulit ako at pinipilit.

After office hour ay hindi ako sumama kay Erin at Cade sa galaan, Mag-ba-bar pa ang dalawang iyon pero ako imbes na mag-bar ay may aasikasuhin at bibisitahin ko pa ang kapatid ko sa Ospital.

“Ate Chacha!”tawag sa akin ni Ellen nang makita niya akong naglalakad papasok sa loob ng Ospital.

Agad niya akong yinakap kaya naman yinakap ko rin siya pabalik.

“Si Charlie?”tanong ko nang magkalas kami ng yakap.

“Nagpapahinga na siya ate, Mabuti nga at hindi siya masyadong sinumpong ngayong araw.”kwento niya sa akin kaya naman napangiti ako at hinawakan ang magkabilang kamay ni Ellen.

“Maraming salamat talaga sa paga-alaga at pagbabantay sa kapatid ko. Kahit na hindi ka niya naaalala, Nandyan ka pa rin sa tabi niya at hindi siya sinusukuan.”pagpapasalamat ko kay Ellen. Umiling siya sa akin at bahagyang ngumiti.

“Ate Chacha wala ‘yun saka ganoon naman talaga hindi ba? Kapag mahal mo ang isang tao wala kang hihingin na kapalit sa kanya. Ibibigay mo na lang kung ano ang kailangan niya.”sabi sa akin ni Ellen kaya naman napangiti ako.

“Nga pala hindi ako makakabisita next week kay Charlie, May trabaho kasi ako sa labas ng bansa kaya sana medyo habaan mo pa ang pasensya mo sa kanya kung sakaling mag-wala ulit siya. Pasensya na talaga.”sabi ko at natawa naman si Ellen ng mahina.

“Ano ka ba ate? Wala nga ‘yun saka pagdating kay Charlie sobrang haba ng pasensya ko. Mahal ko ‘yun eh.”aniya kaya naman hindi ko talaga alam kung saan ko ilulugar ang pasalamat ko kay Ellen sa pagtiya-tiyaga sa kapatid ko.

Pagkatapos naming mag-usap ni Ellen tungkol kay Charlie ay binayaran ko muna ang expenses ni Charlie sa Ospital lalo na yung mga kulang. Maging ang mga prescriptions niya at miscellaneous fees bago ako umalis ng Ospital.

Masyado na silang nagrereklamo kaya ayan babayaran ko na. Kahit na walang matira sa akin basta babayaran ko na.



Umayos ako ng upo at napabuga ng hangin nang maalala ko ang nangyari last week. Iyon din kasi ang isa sa dahilan kung bakit kahit gusto ko nang mag-resign sa Publishing House na pinagtatrabahuhan ko ay hindi ko magawa.

Hindi ko naman forte ang pagsusulat, Actually Fine Arts nga ang natapos ko pero dahil mataas ang sweldo at may alam ako sa Literature ng kaunti ay tinatyaga ko itong pagsusulat.

Tinatyaga ko para lang mapagtunan ng pansin ang kalusugan ng kapatid ko. Idagdag pa ang Health Benefit na nakukuha ko sa kompanya, Kay Charlie ko nagagamit.

Wala na kasi kaming magulang ng kapatid ko. That was before i graduated College, May nangyari kasing aksidente sa amin.

Napahinga ako ng malalim, Kaya ko ‘to

Ako pa ba?

Hanggang sa gumaling lang si Charlie, Makakaya ko ‘to. Except lang talaga dito sa katabi ko na inalok ko na ng Hopia para hindi na siya magsalita.


Eventually nakahinga naman ako ng maluwag pagkababa namin ng Eroplano, Pagka-alis namin mismo sa Airport na wala nang possibilities na makasama ko yung maingay na ‘yun.

Sa wakas lang kasi, Hindi ko na rin makikita o makakasama yung katabi kong sobrang ingay. Banas ako ‘dun, I mean banas na banas talaga. Kapag nakita ko talaga siya ulit dito sa Paris o hindi kaya nakasalubong man lang ay naku! Itutulak ko agad siya makikita niya.

Hindi niya kasi ako pinagpahinga buong biyahe dahil sa kaingayan niya. Maingay na nga siya kapag gising siya, Pati sa pagtulog pinatos niya rin ang lakas kung humilik eh. Kaya lang siyempre biro lang ‘yung itutulak ko siya, Wag ko lang talaga siya magpapakita sa akin.

Nahalata pa nga ni Erin at Cade ang relieve ko habang papasakay kami sa sasakyan, Na sumundo sa amin papuntang Hotel kung saan kami tutuloy habang nandito kami sa Paris.

Sponsored by Sir Axel siyempre, Hatid-sundo lang sa Airport at sa Summit ang purpose ng sasakyan. Kung maglilibot daw kami gamitin daw namin yung perang ibinigay sa amin ng kompanya.

Pero hindi talaga mawala-wala yung bangayan nila Erin at Cade. Hanggang ngayon ba naman kasi dito sa Paris dala-dala nilang dalawa ang bangayan nila, Hindi iniwan sa Manila.

“Ikaw nga ang ingay-ingay mo eh. Ang lakas mong humilik, Baboy ka talaga.”reklamo ni Cade kay Erin dahil nga sa magkatabi sila sa Eroplano kanina.

“Hoy kesa naman sa’yo tulo laway ka kaya matulog, Yuck!”pang-aasar naman ni Erin at natawa naman ako.

Parehas silang napatingin sa akin dahil sa biglaan kong pagtawa.

“Oh bakit?” “Ba’t ka natatawa teh?” sabay na react nilang dalawa.

Tinignan ko muna si Erin na nasa tabi ko bago si Cade na nasa harapan saka ako ngumisi at nagsalita. “Hindi kaya magkatuluyan kayong dalawa?”

Pagkasabi ko ‘nun ay sabay na naman silang nag-react.

“What?! No way!” “Seryoso ka Charyn? Iyang baboy na ‘yan? Ikakamatay ko ‘yun.”

Napailing na lang ako’t nanahimik bago bumuntong hininga sa batuhan nila ng comments sa isa’t-isa lalo na ang asaran nilang dalawa. Hanggang sa nakarating kami at binaba ng sasakyan sa kilalang El Liago Hotel and Resort na according to Erin ay pagmamay-ari ng mga Elago.

Hindi ko na lang pinansin yung mga Fact shits niya. Dinaig pa si Kuya Kim kaya ayan nagtalo na naman sila ni Cade habang papasok kami sa loob ng Hotel.

“Good morning, We are from R Publishing of the Philippines and we have our reservation.”sabi ko sa receptionist.

Hindi makakatulong si Erin sa pagiging translator niya dahil masyadong busy sa pakikipagtalo kay Cade ang babaita.

“Good day ma’am can we have your identification cards please?”sabi niya na may accent pa.

Kaya naman agad kong inabot ang ID ko. Sina Erin at Cade naman ay napatigil sa pag-aaway nang hingin ko ang ID nila. Nag-step forward na rin si Erin para magampanan niya ang role ng Translator namin.

Kami naman ni Cade, Eto inaantay si Erin na kinakausap yung receptionist.

“Ici.”sabi ni Erin at kinuha nung receptionist yung ID namin.

“Patientez, S’il vous plait Madamoiselle.”

Matapos niyang tignan iyon at i-confirm ay inabot niya sa amin ang Key Card namin, Which i find insulting dahil isang.. Presidential suite lang naman ang kwarto namin.

Yung totoo? Ginagago ba kami ni Sir Axel? Ano ‘to?

“Merci.”nakangiting sabi ni Erin sa receptionist at agad nila akong hinatak ni Cade papuntang Elevator.

Natulala kasi ako dito sa Presidential suite na reservation ni Sir Axel.

“Ginagago ba tayo ni Sir Axel? Bakit Presidential suite? Ang mahal-mahal nito! Isang taong suweldo ko na ‘to eh.”at kalahati na ‘to ng budget sa operasyon ni Charlie.

Napahawak ako sa sentido ko sabay sandal sa pader sa Elavator.

“Hayaan mo na, Minsan lang maging generous si Sir Axel sa mga ganitong Overseas trip.”sabi ni Erin sabay tampil sa braso ko bago siya nag-cling sa akin.

“Oo nga minsan lang ito kaya i-grab na natin ang chance, Wala namang masama di ba?”sabi ni Cade kaya naman napa-rolyo na lang ako ng mata at umiling bago kami lumabas ng Elevator.

Pagbukas palang namin ng Presidential suite ay agad na kaming namangha. Grabe lang kasi sa kasosyalan ang kwartong ‘to.

Si Erin nga nagtatalon sa kama, Nasinghalan tuloy siya ni Cade na masyadong Obsessive Compulsive. Nagtalo pa silang dalawa na never nawala. Magbabati man sila mga isang minuto lang, Kapag umaabot kasi ng sampung minuto na magkabati sila ay nagpapasalamat na talaga ako ng bongga.. Which is once in a blue moon lang kung mangyari.

Ayun nga, Napagpasyahan naming magpahinga muna saglit dito sa Hotel at nagpalit ng damit bago kami dumiretso sa Convention Center para sa gaganapin na Fashion Summit itong 10 ng umaga.

Kailangan kasi naming i-cover ang buong event dahil ife-feature namin sa next issue ng Magazine ang Fashion Summit na magaganap ngayon dito sa Paris. At next week na rin kasi ilalabas ang issue na ‘yun for this month.

Ka-stress lang di ba? Next week na ang deadline. Kung hindi lang talaga para sa kapatid ko hindi ako magpapaka-stress sa pagsusulat kahit mataas ang suweldo, Pero wala kailangan eh.



“..ade..”

“I love you..”

Pluck of VinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon