Chapter 9

2.2K 58 4
                                    

“Talaga? Nakuha mo na agad?”kumento ni Sir Axel at hinawakan ang baba niya. Napataas pa siya ng kilay habang nakangisi. “Interesting..”

Matapos ko kasing sabihin sa kanya na nakuha ko na ang interview ni Davin Jacob Elago ay ganyan ang naging reaksyon niya.

“Na kay Erin na nga po at ginagawa na niya ang article.”sabi ko pa kay Sir Axel at nagtatango lang siya nang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang mukha.

Nagtataka na ko dito. Bipolar ba si Sir Axel tulad ni Davin? Kasi parang kanina lang pag-pasok ko sa office niya ay muntik pa niya akong singhalan, Pero nung sinabi ko na nga sa kanya na nakuha ko na ang interview ni Davin ay ayan! Tignan mo nga naman, Sobrang laki ng ngisi at para siyang naging kalmado.

Yung totoo? Mag-ano ba sila ni Davin at parehas sila ng sapak sa ulo?

“Okay, Good job. Rest for now, Sigurado kasi akong nahirapan kang mapapayag at makuha ang interview niya sa loob lang ng dalawang araw. Knowing him?”sabi niya at napatawa pa siya ng mahina, Habang ako? Na-curious na ng sobra.

Anong relasyon niya kay Davin at parang kilalang-kilala niya ito? Hindi kaya.. Napatigil ako sa mga pinag-iisip ko nang marinig ko ang sumunod na sinabi ni Sir Axel.

“Umuwi ka ng maaga at magpahinga para bukas. Marami kayong gagawin dahil ibinigay na sa akin ni Miss Cabuyao ang schedule ng Business Department bago siya mag-retire next month.”

Matapos sabihin ‘yun ni Sir Axel ay umalis na ko agad, Bigla rin kasing dumating si Sir Ynares, Ang baklang Editor-in-Chief ng Fashion Magazine kung saan ako nakatalaga noon. May pagme-meeting-an daw sila.

Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilang humikab. Early off from work? Naku! Hindi ko talaga tatanggihan ‘yan. Kailangan kong matulog, Kailangan ko ng tulog! Hindi nga kasi ako nakatulog ng maayos kagabi sa kaka-isip ng gagawin ko para lang makuha ang interview ni Davin, Maging ang tungkol sa deal. Ang deal na siya lang ang nagbe-benefit.. Well on the second thought, Hindi ko rin naman masasabi na siya lang ang nagbe-benefit, Nag-benefit din naman ako.

Paano ko nasabing nagbe-benefit din ako? Mapro-promote kami ni Erin. Madadagdagan pa ng 18% ang sweldo ko dahil sa promotion. My boss and everybody is impressed to me (dahil nga sa nakuha ko agad ang interview niya sa loob lang ng dalawang araw, Knowing him nga? Mailap siya masyado but i managed.) and lastly, Magkakaroon pa ko ng extra money dahil nga magtatrabaho ako sa kanya as a Personal secretary within a month.

Pagka-upo ko sa swivel chair ko ay tinignan ko si Erin na nasa tabi ko. Mukhang hindi ko siya maiistorbo dahil may nakasalampak na earphones sa tenga niya. Pinapakinggan niya ata ang recorder niya na naglalaman ng interview ko kay Davin, Nagsusulat din siya sa kwaderno kaya naman nahulaan ko agad ang ginagawa niya.

Tumingin na lang ako sa laptop ko at tinapos ang isang manuscript na pinapa-proofread sa akin ng isang kakilala sa pocketbooks bago ako mag-off sa trabaho ko. Kailangan na kasi ito kaya naman tinapos ko na tutal matatapos ko na rin naman.

Nauna na akong umuwi kay Erin, Hindi ko na siya inantay pa dahil mukhang mamaya pa siya uuwi. Iniwan ko kasi siyang binubusisi ang hawak niyang kwaderno, Ang kwaderno kung saan nakasulat ang interview.

Habang palabas ako ng building ng R Publishing ay nakasalubong ko pa si Cade na nakabusangot. Hula ko’y galing sila sa shoot at mukhang panay ang singhal sa kanila ni Sir Axel kanina, Halata kasi sa mga mukha nila na stress na stress sila mula kanina pa.

Nang makita niya ako ay inayos niya nag ekspresyon ng mukha niya, Tumigil saglit bago nagtanong sa akin. “Kamusta yung interview?”

“Tapos na, Nakuha ko na at Mapro-promote na tayo. Ang kailangan na lang nating gawin ay bumalik bukas para makuhaan natin ng formal picture si Jacob Elago na gagamitin para sa Magazine Issue. Pag-usapan na lang natin bukas ang iba pang detalye.”sabi ko kay Cade at tumango siya’t tinapik ako sa balikat, Bago siya sumakay ng elevator pa-akyat naman sa itaas.

Ako naman ay naglakad na palabas ng building. Tumingin pa nga ako sa paligid ko dahil baka mamaya may paparazzi na palang sumusunod sa akin dahil dine-date ko ang Presidente ng isang malaking korporasyon. Mabilis pa naman kumalat ang mga rumors.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang masiguro kong wala pa namang sumusunod sa akin. Alam ko kasing sa susunod na mga araw? May susunod na sa akin. Susunod sila para makuha ang interview at larawan ko.

Napailing na lang ako sa sarili ko. Bakit? Bilang isang Publicist, Yung kukuhanan ka ng kapwa mo Publicist ay parang nakakatawa lang isipin. Hindi ko na lang muna inisip at umuwi na lang agad ako.

Pagkauwi ko ng matiwasay ay agad akong nagpalit ng damit pambahay at sumandal sa sofa, Binuksan ko rin ang TV para manood. Relax-relax lang ba? Pero imbes na manood, Hindi ko namalayan na bumabagsak na pala ang talukap ng mata ko hanggang sa nakatulog ako.



NAGISING ako sa boses at kalabit ng mga daliri ni Erin sa akin.

“Teh, Bakit diyaan ka natulog?”bungad na tanong sa akin ni Erin nang dumilat ako.

“Ha?”react ko.

Doon ko lang napansin na nakatulog pala ako sa sofa sa apartment namin ni Erin habang nanonood ng TV. Masyado ba akong puyat at pagod kaya pagkasandal ko palang kanina ay nakatulog agad ako? Umayos ako ng upo at pinatay ang TV na sure akong magdamag na bukas.

Urgh! Dagdag sa Bills! Bakit ba hindi ko pinatay? Ay sa malamang! Nakatulog kasi ako. Eh bakit ba binabara ko sarili ko? Nababaliw na ata ako o gutom lang?

“May pagkain kang dala?”tanong ko sa kanya at umiling siya sa akin bago ilapag ang bag niya sa tabi ko.

Tumayo ako at sinundan siya sa kusina, Magluluto ng hapunan si Erin! Kaya naman habang nagluluto siya ay nag-saing ako ng kanin. Nang matapos akong mag-saing ay umupo ako sa dining chair at kinalikot ang cellphone ko.

“Ang aga mo palang umuwi, Natapos mo yung article?”tanong ko kay Erin habang kinakalikot ko ang cellphone ko.

“Hindi nga, Inuwi ko na lang ang trabaho ko. Puro utos si Tanda palibhasa magre-retire na siya next month.”sabi ni Erin habang nakatalikod sa akin at naghihiwa ng rekados.

“Ay! Oo, Next month na pala ang retirement ni Tanda at ipinasa na niya kay Sir Axel ang schedule na gagawin natin bago siya umalis. Sa tingin ko ay marami siyang ipapagawa sa atin dahil dumating na ang peak niya!”pagra-rant ko habang kinakalikot ang cellphone ko.

“Sinabi mo pa! Nakita ko nga ang schedule at sobrang dami nating gagawin, Pero mas excited ako sa trip na nilagay ni Tanda, Conference raw sa Cabuna Island. Chacha! Sa Cabuna, Ang may pinaka-malinis na tubig sa buong Pilipinas!”

Magsasalita pa sana ako nang may pumukaw sa atensyon ko. Nakatanggap pala ako ng text messages from an unknown number. Napakunot ang noo ko at binuksan ang message box ko.


From: 09xxxxxxxxx

Are you done? Off from work?

Napataas ang kilay ko, Sino ‘to? Stalker ko kaya ‘to? Saan naman niya nakuha ang number ko? Lol.

Busy?

Hey!

Are you that busy? You should reply.

I told Axel you’re dating me, Ditch your work. Meet me.

Napakunot lalo ang noo ko, Tumaas pa lalo ang kilay ko habang iniisip ko kung sino ba ‘to. Until I realize.. Sino ba ang dine-date ko ngayon na bossy at strict? Hindi ba ang Presidente lang naman ng Elago Incorporations na si Davin Jacob?

Ay nakalimutan ko! Kunwari lang pala ‘yun, Front lang pala na dine-date niya ko kasi sa totoo lang Personal secretary niya ko. Napanganga ako at nahampas ko pa ang mesa.. Shit lang! Bakit niya sinabi kay Sir Axel na dine-date niya ko? Paano kung tanggalin ako ‘nun sa trabaho?

“Ayos ka lang?”tanong ni Erin sa akin na nilingon talaga ako.

Ngumiti ako sa kanya na para bang wala akong nabasang text message na kinainis ng damdamin ko.

“Oo naman.”sagot ko at tinignan pa ko ni Erin na para bang ang weirdo ko.

Nang makumbinsi ko siya sa pag-ngiti ko na para bang walang problema ay tinalikuran na niya ko’t muli siyang bumalik sa pagluluto niya. Ako naman ay agad na sinave ang number niya sa phone ko nang madali, Nakalimutan ko kasi kanina.

Hindi rin ako mapakali ngayon dahil naloloka ako sa oras kung kailan niya sinend sa akin ang messages! Kanina pa, Tatlong oras na ang nakalipas! May ilang missed call din siya sa akin at naisip kong emergency. Naku! Baka pumuti na ang mata niya sa kakaintay ng reply ko.

Kung anu-ano pa ang pinag-iisip ko sa posibleng nangyari sa kanya, Kaya naman tinawagan ko na siya. Tumayo pa nga ako at pumunta sa terrace ng apartment namin ni Erin. Saktong pagsandal ko sa railings ay sinagot na niya ang tawag ko.

“Ano bang ginagawa mo at parang mas busy ka pa sa akin?”bungad niya kaya naman napangiwi ako.

“Bakit ka nag-text? Emergency ba? Anong nangyari? May kailangan ka ba?”tanong ko sa kanya at narinig ko siyang napa-tss sa kabilang linya.

“Nothing, I am just trying to test if you will worry for me.”napabusangot ako. Sa tono kasi ng boses niya ay parang nang-aasar lang.

Bumuntong hininga ako. “Mr. Davin Jacob Elago, I-text niyo po ako kung emergency at kung kailangan niyo ko. Hindi po yung pagti-tripan niyo lang ako.”

“Now you’re being sarcastic?”narinig ko pa siyang natawa.

Bumusangot ako lalo habang naririnig ko ang pag-tawa niya.

“Pero seryoso, Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko? What happened to you? Maaga ka raw umalis sa trabaho sabi ni Axel.”sabi niya kaya naman may naalala ako na ikinainis ko.

“Bakit mo nga pala sinabi kay Sir Axel na dine-date mo ko? At..”kinagat ko ang labi ko bago pa ko may masabing iba.

Wala pala akong karapatan itanong kung ano ang relasyon niya kay Sir Axel. Labas ata ‘yun sa kung ano man dahil una, Personal secretary ako at hindi totoong girlfriend.

“Answer my question first before you ask.”matigas na sabi niya at kahit na nag-uusap na lang kami sa cellphone ay tinaasan pa rin ako ng balahibo sa tono niya.

Kapag talagang ginagamit niya ang kilabot niyang tono ay tataasan ka talaga ng balahibo sa takot. Idagdag pa yung matalim niyang titig? Ay ewan ko na lang kung hindi ka bumagsak sa panlalambot ng tuhod.

“Eh ano ba yung tanong mo?”tanong ko sa kanya at narinig ko pa siyang bumuntong hininga in frustration.

Sorry naman at nakalimutan ko ang itinanong niya. Masyado kasing occupied ang isipan ko sa relasyon nilang tatlo nina Sir Axel at Iris. Masyado akong curious kaya naman hindi ako makapag-focus.

“Damn! Palalagpasin ko ‘to but next time may parusa ka na talaga.”rinig kong bulong niya mula sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko.

“Ano? Anong sabi mo?”tanong ko sa kanya dahil hindi ko narinig ang sinabi niya, Obviously dahil sinadya niya atang ibulong iyon.

Panay ang rinig ko sa pag-buntong hininga niya.

“Wala! Wala akong sinabi.”iritadong sabi niya sa akin.

Nagtataka na talaga ako sa kung ano ang timpla ng ugali niya, Parehas na parehas sila ni Sir Axel eh. Ang kaibahan lang nilang dalawa ay si Sir Axel medyo mild pa, Pero siya? Sobrang malala na!

Kanina lang ay nanti-trip siya’t nangaasar pero ngayon ay naiirita siya? May sapak na talaga.

“Damn! Are you deaf? Or may Alzheimer’s ka?”sabi niya matapos ng dalawang segundo, Napanganga ako. “At para saan pa ang cellphone mo? Anong purpose niyaan at hindi ka mag-reply sa mga text ko? Itapon mo na ‘yan at parang walang silbi.”

Napadiin ang pagkapit ko sa railings ng terrace dahil sa inis ko sa parang insulto niyang pinagsasabi sa akin. Ako na nga itong nag-effort na tawagan siya para malaman ko kung may problema ba, Pero tignan mo, Dinaig niya pa ang selosong boyfriend kung umasal.

Huminga ako ng malalim at sinagot siya. “Kung mang-iinsulto ka lang, Sana-”

“Fuck Charyn!”bigla niyang mura, Napatalon pa nga ako sa biglaan niyang pag-sigaw. “Are you an idiot for real?”

Medyo huminahon yung boses niya sa huli pero walang hiyang lalaki pa rin siya para sa akin. Ang laki naman kasi talaga ng sapak niya ulo. Hindi ko siya maintindihan lalo na sa pagbabago ng mood niya, Bigla-biglang nang-iinsulto eh.

“Kung sabihin mo kaya sa akin kung ano ang ikinaiirita mo? Para naman maintindihan ko, Para maintindihan ko ang ikinapuputok na naman ng butchi mo. Hindi yung nang-iinsulto ka diyaan.”inis na sabi ko sa kanya. “Pagod na pagod ako galing trabaho at nakatulog ako kaya hindi ko nasagot ang mga text at tawag mo.”

And there! Goodbye part time job na ata ako matapos ko siyang sagutin.

“Damn!”is all he can manage to say.

Dahil matapos ‘nun ay namayani ang katahimikan sa aming dalawa sa loob ng ilang segundo, Except lang siguro sa frustrated niyang pag-buntong hininga.

“I was worried.”mahinang sabi niya, Pero sapat na para marinig ko sa dumaan na katahimikan sa aming dalawa.

“H-Ha?”iyon lang ang nasabi ko sa sobrang gulat at pagkabigla sa sinabi niya.

“Wala ang sabi ko good night. Ite-text na lang sa’yo ni Belinda ang address ng bahay ko.”at bago pa ko makapagsalita na hindi iyon ang narinig ko ay binabaan na niya ko.

What the hell just happened? Sobra akong nagtaka dahil siya? Ang president ng isang korporasyon ay nag-alala sa akin? A big question mark is now painted on my face..

“Sino kausap mo diyaan?”tanong ni Erin na lumabas dito sa terrace.

“H-Ha? Wala, Ano lang.. Wrong number.”pagsisinungaling ko kay Erin.

Ayokong malaman niya ang tungkol sa deal ko kay Davin. Hindi ko alam kung bakit pero basta, Ayoko lang.

“Eh bakit ka pa nandito? Malamok na dito oh.”sabi niya sa akin bago niya pinalo ang braso niya na dinapuan ata ng lamok.

Hindi naman ako nilalamok dito pero nagawa ko pa siyang biruin.

“Lamok na nga lang ang naghahabol sa’yo pinapatay mo pa.”at nakatanggap ako ng hampas sa braso mula kay Erin.

“Wag kang kakain ng niluto kong adobong lamok este manok pala, Hmp!”sabi ni Erin sa nagtatampo’t nagtataray na tono.

Tinawanan ko na lang siya bago kami pumasok sa loob ng apartment namin.



SAKAY ako ng taxi habang papunta sa bahay ni Davin. Ngayon kasi ang unang araw ko bilang Personal secretary niya. Mahigpit kasi niyang ibinilin kay Belinda (secretary niya) na ibilin daw sa aking kailangan kong pumunta ng maaga sa address ng bahay na ibinigay niya.

Nagtanong pa nga si Belinda sa real score namin ng boss niya, Kausap ko kasi siya kagabi matapos ng dinner namin ni Erin. As usual ang daldal pa rin niya, Hindi na lang ako sumagot sa mga katanungan niya dahil ayokong pangunahan si Davin. Kung alam lang kasi ni Belinda na hindi naman talaga ako girlfriend ng boss niya at tulad lang din niyang secretary din, May “personal” lang ay hindi ko alam ang ire-react ko kapag nahuli kami. Baka masabihan pa ko ng makapal ng mukha sa pag-assume o pagkakalat na kami kahit na hindi naman.

Nagtaka rin kanina si Erin sa maaga kong pag-alis ng bahay. Papungas-pungas pa kasi si Erin kanina nang makita niya ko sa harap ng salamin sa salas habang inaayos ang sarili ko.

“Ma’am nandito na po tayo.”sabi ni Manong Driver at napatingin naman ako sa labas.

Ang nakikita ko lang ay isang malaking gate na itim. May guard house din na tulad ng sa mga ekslusibong subdivisions. Ang mataas na pader ay napapalibutan ng makakapal na vines na tinubuan ng bulaklak na animo’y mga ligaw ang mga ‘yun.

Tumingin pa ko sa paligid kung may bahay ba pero wala akong nakita kung hindi ito lang. Malaking gate na itim na parang may walang hangganang matataas na pader.

“Manong sure po ba kayo na tama ang pinuntahan nating address?”tanong ko kay Manong Driver.

Tinignan ko pa ang papel na hawak ko kung saan ko isinulat ang address na ibinigay sa akin ni Belinda kagabi.

“Hindi ko nga rin po sigurado ma’am pero eto lang po ang alam kong Mia Eliago Mansion.”napatingin ako sa relo at male-late na ko.

Binayaran ko na si Manong Driver at bumaba na ako, Bahala na sa kung anong mangyayari. Lumapit ako sa guard house at nagtanong.

“Excuse me po, Dito po ba yung Mia Eliago Mansion?”tanong ko at tumingin sa akin ang guard.

“Eto lang ang nag-iisang Mia Eliago.”sagot niya sa akin at may itinuro siya sa itaas.

Tumingala ako at tinignan ang itinuro ni Manong guard sa akin. Nakita ko sa malaking itim na gate ang kulay gintong logong MEM.

Magtatanong sana ako kung dito ba nakatira si Davin nang bumukas ang malaking gate at may isang pulang BMW convertible car ang lumabas. Hindi iyon tulad ng sasakyan ni Davin na puting convertible car.

Tumigil ang pulang sasakyan sa harapan ko at nakita ko ang babaeng naka-shades. Mukha siyang mayaman at ang kutis ng balat niya ay porselana.

“Who are you?”tanong niya sa akin at ibinaba ang shades niya.

“Dito ba nakatira si Davin Jacob?”nag-a-alangang tanong ko sa kanya.

Tumaas ang kilay niya at tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.

“You must be?”taas ang kilay niyang tanong.

Sa mga titig niya ay para siyang nanunuya. Hindi ko alam kung makakaramdam ba ako ng inis o asar sa mga titig niya.

“Charyn Manuel, His..”kinagat ko ang labi ko dahil hindi ko mahanap ang tamang isasagot ko.

Girlfriend o Personal secretary? Hindi ko alam ang sasabihin. I think I need to discuss this with him later.

“Charyn?”kumunot pa ang noo niya na para bang narinig na niya ang pangalan ko somewhere.

Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Nagulat na lang ako nang magbago ang ekspresyon ng mukha niya, Napalitan iyon ng amuse.

“Oh! You are the famous Charyn! Finally meeting you!”nakangiti niyang sabi sa akin.

Napa-awang ang labi ko at hindi ko alam na famous pala ako. Paano at sa anong paraan ako naging famous?

“I am Rhian Elago, Davin’s cousin.”pakilala niya sa akin at nginitian niya ko ng matamis. “Hop in, Sasamahan na kita sa loob dahil baka maligaw ka pa.”

Nahihiya man ako ay sumakay na rin ako dahil male-late na ko sa usapan namin ni Davin.

“You’re not that ugly like Iris told us, Maitim ka lang.”prangka niyang sabi kaya naman nahiya ako sa balat ko.

Hindi naman ako maitim, Morena ako. Pero kumpara nga naman sa porselana at mala-gatas nilang kutis ay maaaring sabihin nila na maitim nga ako.

“But don’t worry, You’re beautiful, I just don’t know that Davin will go for a Filipina beauty. Nagulat lang kaming lahat dahil usually, Chinita at mapuputi ang physical preference niya.”sabi niya sa akin.

So alam nilang dine-date ko si Davin? Sino pa ba sa mundong ito ang hindi nakakaalam na dine-date ko si Davin Jacob Elago na Presidente ng Elago Incorporations? Si Erin na best friend ko? Naku! Baka patayin ako ‘nun kapag sa iba pa niya nalaman na dine-date ko ang lalaking “Asshole” at “Jerk” sa paningin niya. Ay naku! Bahala na. Bahala na talaga.

Pluck of VinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon