(3rd person's pov)
3:20 palang ng umaga ay nagising ang myembro ng unang grupo na si Catherine upang simulan na ang paghahanap.
Ayaw nyang ipaalam sa ibang grupo ang plano nilang makauna at makuha ang plus points sa grades kaya ginising nya na ang kanyang mga kasama.
Naglakad sila ng hinay hinay dahil ayaw nilang gisingin ang ibang grupo upang wala silang ka kumpetensya at hindi sila ma pressure. Nadaanan naman nila ang room na tinutulugan ng teacher nila. Sumilip sila sa iwang ng pinto at nakitang tulog pa nga ang teacher.
Nai-assign sa kanila na sa likuran na parte ng school sila mag hahanap.
(Catherine's pov)
Ng makarating kami sa kakahuyan sa likuran ng school ay nagsimula agad kaming mag hanap. Hanap sa mga Ugat ng malalaking puno, sa mga Bato, sa mga dahon at kung saan saan.
"Ano ba ba't parang wala naman dito?"- Sherrey
"Oo nga cath sa iba nalang tayo."- Darius
"Na check nyo bang maigi? babe? wala ba dyan?" Pasigaw na tanong ko kay Heniel. Nakita ko kasing naghahanap siya sa hindi kalayuan.
"Wala eh!" sigaw nya rin pabalik.
"Baka kasi wala talaga dito Cath. Impossible namang dito nila itago yun. Mag mumukha lang tayong tanga dito e." - Heniel
"Oo nga. Ang lawak lawak ng gubat na to tapos susi lang ang hanap natin." -Sherrey
"Feeling ko nasa isang specific na lugar lang yun e. " -Ian
"Masyadong spacious ang gubat para sa maliit na susi lang." -Heniel
"Oo nga no? Ang tatalino nyo talaga. Especially ang babe ko."
Lumapit ako sakanya at hinalikan sya. napatingin naman sila sakin. Tss pakialam nyo ba?
"Sige mag hanap hanap lang muna kayo dyan. 30 more minutes at pag hindi talaga natin nahanap, aalis na tayo."
Naghiwa-hiwalay na kami at naghanap. Habang naghahanap ay nakita kong nag tatawanan si Sherrey at Heniel.
Napairap naman ako.
Halerrr?! Nandito ako oh! Harap harapan pa makipag landian tong Sherrey na to sa boyfriend ko eh.
Sa nakita ko ay nawalan ako ng gana maghanap.
"Guys let's go! Alis na tayo!"
"Sige." -Ian
"Oo nga inaantok pa ko e."- Darius
Lumapit na rin samin si Heniel at Sherrey. At nauna nang maglakad sina Ian, Darius at Sherrey. Nagpaiwan naman sa gilid ko si Heniel.
"Halika na babe."
Inirapan ko sya at nung akmang hahawakan nya ako ay umiwas ako.
"Dun ka na sa katawanan mo! Masaya ka naman sakanya diba?"
Hindi makapaniwala ang ekspresyon nya.
"What?! Look. I'm sorry. Nag ki-kwento lang naman kasi sya ng childhood moments nya and I can't stop myself from laughing."
"Edi dun ka na nga sakanya!" akmang hahawakan at hahalikan nya ako ulit pero umiwas ako.
"I'm sorry babe."
"Lumayo layo ka muna sakin. Ayaw muna kitang makita. Mas lalo lang umiinit ang ulo ko. Mamaya mo na ako i-approach. I'm not in the mood."
"Okay. We'll talk later. I love you."
YOU ARE READING
CLASS ATROCITY
Mystery / ThrillerON-GOING ----- The fogs of lies covers the pathway of reality. They who doesn't know what it means, Will regret. Welcome to Class Atrocity. A class of HORROR.