CHAPTER 13

9 0 0
                                    

(Ryan's POV)

"Ry. Principal's office tayo. Hindi pwedeng mag mukmok tayo dahil sa pagka wala nila. Kailangan na nating kumilos."

Tumango naman ako kay Aaron.

Pinag iisa isa na nga kami ng killer. Kung sino man sya, matalino sya. Walang nakikitang bakas at signs na magtuturo kung sino.

Pero sino kaya sya? Sigurado akong isa sa amin ang killer.

Mahirap na ngayong mag tiwala. Groupmates o kahit close friends pa. Hindi mo alam kung sino sa kanila.

"Hey. Aaron. Sa tingin mo, sino ang killer?"

Tumingin sya sakin habang tinatahak namin ang daan papunta sa Principal's office.

"Ewan. Hindi ko rin masabi e. Masyadong magaling mag tago ang killer. Mahirap syang i figure out dahil tuso sya. All crime scenes walang iniwang bakas na makakapagturo sakanya."

Napaisip din ako.

Malinis ang pagkaka gawa ng krimen. Masasabi ko ngang expert na kung sino man sya.

At isa lang ang naiisip kong taong makakagawa nito.

Matalino.

Matapos ang ilang minutong paglalakad, pumasok kami sa maalikabok at magulong principal's office.

Nagkalat ang mga papeles at mga gamit. Puno na rin ng sapot ang mga sulok ng opisina na to.

"Only one goal in our minds. Find the key."-Aaron

Tumango ako sa kanya at lumapit sa drawer sa tabi ng table.

Baka may makuha akong impormasyon tungkol sa lugar na to. This place is just weird.

-----------

"Ryan. Labas muna ako kuha lang ako ng tubig."

Tinignan ko ang wristwatch ko at mahigit isang oras na pala kaming naghahanap.

Time passes so fast.

"Sige. Paki dalhan nalang din ako ng tubig."

Naramdaman kong lumabas na sya at ako naman ay nahiga sa mesang mahaba sa office na yun.

Napagod ako kakahanap pero ni katiting na clue kung saan mahahanap yung susing yun ay wala akong nahanap. Wala kaming nahanap.

Hanggang sa unti unti kong naramdaman ang pag hatak ng antok sa buo kong sistema.

--------------

Nagising ako sa sobrang tahimik ng paligid. Weird.

Bumangon ako at luminga linga sa paligid. Wala pa ba si Aaron? San sya nagpunta? Iniwan ako?

Langhiya. Di man lang ako ginising.

Bumaba ako sa mesang hinigaan ko at nakitang may water bottle sa taas ng table.

So hindi nya talaga ako ginising?

Kinuha ko yung bottle at deretsang ininom yung laman.

Tumingin ako sa oras at hindi naman pala ganun ka tagal yung itinulog ko.

Ilang minuto ang lumipas at wala pa ding anino ni Aaron. Nasan na ba yung hinayupak na yun?

Nagsimula ulit akong maghanap sa paligid nang bigla akong makaramdam ng hilo. Napakapit ako sa dulo ng mesa at napahawak sa ulo ko. Umiikot ang paligid. Naging malabo na yung mga nakikita ko.

CLASS ATROCITYWhere stories live. Discover now