(3rd Person's POV)
Bumalik si Austhene sa cafeteria kung nasaan sina Theia at Mary may. Iniwan nya ang walang malay na si Aaron sa Faculty Room na yun.
Lumagpas na sya sa sampung minutong ibinigay nyang oras sa kanila.
Napangisi sya. Bahala sila.
Afterall, mamamatay din naman silang lahat.
Malayo pa sya sa cafeteria ay rinig na rinig nya ang halakhak mula sa kanyang dating kakampi, Theia.
"At nagagawa nyo pa talagang tumawa kahit nasa bingit na kayo ng kamatayan ha? Sabagay, Class Atrocity kayo e. Mga wala kayong takot. Pero tignan natin kung hanggang saan ang tapang nyo." saad nya sa sarili.
Naglakad pa sya papalapit sa cafeteria ng biglang tumahimik ang paligid. Hindi maganda ang kutob nya.
Hinigpitan nya ang hawak nya sa kutsilyong ginamit nyang pansaksak kay Jerrifer- may bahid pa iyon ng dugo.
Hininaan nya ang bawat hakbang nya upang hindi maka likha ng tunog na magpapahiwatig na paparating na sya. Hinay hinay syang naglakad at nang nasa harapan na sya ng pinto, sumilip sya sa siwang nito.
And she's shocked to see Theia standing, her back facing the door. Malamang ay hindi sya nito nakita.
Pero namangha sya sa abilidad nito. Nakawala sya sa pagkakatali. Theia is a keeper. Too bad Austhene don't care.
"Goodbye Mary. See you soon. HAAHAHAHAH!"
Napakunot ang noo nya ng marinig iyong sinabi ni Theia. Agad nyang naisip na baka pinatay na ni Theia si Mary May.
Naunahan pa sya.
Ngumisi sya at kinapa sa bulsa ng kanyang coat ang smoke bomb.
Tinapon nya agad ito sa loob at naghintay ng pag eepekto nun.
Ilang minuto ang nakalipas, pinakiramdaman nya ang buong paligid. At nang sigurado syang wala ng malay si Theia, unti unti nyang binuksan ang pinto at talagang nabilib sa kanyang sarili ng makitang nakabulagta na si Theia sa sahig.
Tumawa sya ng pagka lakas lakas na parang nawawala na sa tamang pag iisip at hinatak ang katawan ni Theia papunta sa kinaroroonan ni Aaron.
(Aaron's POV)
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Parang mabibiyak.
Hahawakan ko sana ito ng maalalang nakatali nga pala ang kamay at paa ko.
Napalinga linga ako sa paligid.
Wala na doon ang katawan ni Jerrifer. Pero malinaw pa rin sa memorya ko ang nangyari sa harapan ko mismo. At sigurado akong hinding hindi na iyon mawawala sa sistema ko.
Pinipilit kong kalagin ang tali sa kamay ko pero sobrang nanghihina na ako. Noong isang araw pa akong hindi kumakain na talagang nagpapahina sakin.
Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas na nagdala ng nakakapangilabot na tunog.
Pumasok doon si Austhene habang may hila hilang katawan na sobrang pamilyar. Agad sumigid ang kaba sa kaibuturan ko ng mapagtanto kung sino yun.
"Theia!"
Agad namang napalingon sakin si Austhene at ngumisi.
YOU ARE READING
CLASS ATROCITY
Mystery / ThrillerON-GOING ----- The fogs of lies covers the pathway of reality. They who doesn't know what it means, Will regret. Welcome to Class Atrocity. A class of HORROR.