CHAPTER 21

5 0 0
                                    

(Mary May's POV)

Nagising ako sa pamilyar na silid. Nasa cafeteria kami.
Makalat ang buong paligid. Nakaupo ako sa upuan at nakatali ang kamay at paa ko gamit ang lubid.

Lumingon ako sa nakita kong nasa likuran ko pala si Theia.

Who the hell must've done it? Napakabilis ng pangyayari at hindi ko nakita ang mukha ng gumawa samin nito. Naging malakas ang epekto ng usok na yun sakin kaya nawalan agad ako ng malay.

Nasaan sila?

Kung nandito si Theia, ibig sabihin, isa kina Aaron, Austhene or Jerrifer ang killer.

Ilang minuto ang lumipas, hindi parin nagigising si Theia.

Biglang tumunog ang seradura ng pinto mula sa labas. May bumubukas. May papasok.

Agad akong yumuko at nagpanggap na tulog.

Narinig ko ang nakakatakot na tunog ng pagbukas ng pinto. Kagaya sa mga horror movies. Agad nanayo ang balahibo ko. Hindi ko pa kayang makita ang taong pumatay sa mga kaibigan ko.

Unti unti, naramdaman ko ang presensya ng salarin.

Naglalakad sya papunta sa direksyon namin. Sobrang bigat ng bawat hakbang nya. Nakakatakot.

Pero I must've not fear anyone. Tao lang din sya. Human have weaknesses.

Nakarating sya sa harapan ko. Kaya kitang kita ko mismo ang suot nyang sapatos.

Kilalang kilala ko kung sino to.

Pero naka tsinelas lang sya kanina ah?

"Hmmm."

Unti unting nangilabot ang kaloob looban ko. Gising na si Theia. Malalagay sa peligro ang buhay nya! She must've acted like she's asleep!

"Hey. You're awake."

That voice!

Nanatili akong tulog tulugan kahit alam kong gising na si Theia.

"Get this shit out of my hands. Set me free."

"Uhuh? Let me think about it darling."

"What the?! I am not the enemy here! I am with you!"

What?! Kasabwat nya si Theia?!

"Yes? And so what? I loathe friendship Theia. You know that."

Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa.

So magkasama pala sila? All this time magkasabwat pala sila? Shit! Ba't hindi agad namin nalaman?

"ArghHhhhh! Fckyou!"

"Yea. Yea whatever Theia. Fck me all you want! I seriously don't care."

Naramdaman ko ang unti unting pag ikot nya sa pwesto ko. Sobrang lapit nya.

"Hanggang kailan ka magpapanggap na tulog, Mary May?"

Nanindig lahat ng balahibo ko at sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

CLASS ATROCITYWhere stories live. Discover now