(Jessha's POV)
Nasa kwarto na ako ngayon kasama sina Eulla at Mary may.
It's already 6 pm. We skipped lunch dahil sa nakita namin kanina na nangyari sa mga kaklase namin.
Umaagos padin ang mga luha ko pababa sa pisngi ko ng hindi ko namamalayan.
Tatlong kaklase ko ang binawian ng buhay sa karumal dumal na paraan.
Pinahirapan sila.
Ginawang parang mga baboy.
"Tumahan ka na Jessh. Lahat naman tayo ay nasasaktan sa nangyari."
Masakit makitang naging ganun ang kinahinatnan ng mga kaklase at mistulang pamilya mo na sa ilang taon na.
Masakit na makita sila sa ganung kalagayan.
Sino ang gumawa nun? At bakit?
Kahapon sama sama pa kaming naglalakad papunta dito, akala namin magiging masaya kami.
Pero ito? ito agad?
Isang araw palang.
Isang araw.Hinahagod ni Eulla ang likuran ko nang pumasok si Kert at Alfritz na groupmates namin.
Puno ng dumi ang kanilang mga damit.Napagpasyahan kasi namin na bigyan ng maayos na libing ang tatlo.
Pinatawag ni sir ang mga lalaki upang tumulong sa paghuhukay ng libingan nila. Hindi na pinasama ang mga babae dahil mas lubos daw na emosyonal.
"sup?" - Alfritz
"Not fine." -Mary may
Umiiyak pa din ako at hindi ko talaga mapigilan. Sobrang sakit ang dulot sakin nun.
Napatingin ako sa mga mukha nila at alam kong nasasaktan din sila.
Nakasalampak si Kert sa sahig.
Si Alfritz ay dumeretso sa upuan.
Si Mary May ay nakatulala na nakatingin sa bintana.
Si Eulla ay pinapatahan naman ako.
Kailangan na naming matapos ang quest at mahanap ang susi.
"Guys. Hanapin natin ang susi."
Nakita kong tumingin sila sakin.
"Yeah. We'll definitely do that. Tomorrow." -Mary may
"Magpahinga na muna tayo. Inaantok na ako."- Alfritz
Tumango naman ako sa kanila.
Walang umiimik sa aming lima. Para bang walang balak basagin ang katahimikang bumabalot sa aming lahat.
Napatingin kami sa pinto ng may kumatok.
"Group 2? Lets have dinner dun sa room ni Sir. Punta agad kayo. Our useless teacher will discuss something."
"That's Roselyn diba?"-Eulla
"I guess so."
Lumabas na kaming tatlong babae at sumunod ang dalawang lalaki sa amin papunta sa room ni Sir.
Pagdating namin dun, busy sila sa pag aayos ng mahabang mesa. Walang imikan at walang nagsasalita. Marahil ay pinipilit lang din nila ang mga sarili nila na maging matatag despite ng nakita namin kanina.
"So students."
Tumingin kaming lahat kay sir ng mag salita sya.
"In line sa nangyari kanina, kailangan na nating kumilos at hanapin kaagad ang susing yun. Hindi tayo makakalabas sa lugar na ito kung hindi natin yun mahahanap. We can't text Miss Quizon dahil walang signal dito. So the least thing we could do is to find the key and be safe."
YOU ARE READING
CLASS ATROCITY
Mystery / ThrillerON-GOING ----- The fogs of lies covers the pathway of reality. They who doesn't know what it means, Will regret. Welcome to Class Atrocity. A class of HORROR.