Chapter One

182 4 0
                                    

                              ****

     "Nakapagdesisyon na ako Arnold, aampunin ko ang  anak ni Maria .. " sabi nito  sa asawa .. matagal na rin kasing gustong magkaanak ni Sofia pero sa kasamaang palad nalaglag ang batang nasa kanyang sinapupunan,kaya naman masyado nya itong dinamdam at dahil sa gusto rin naman ipaampon ng kaibigan ang anak nito dahil nga sa ayaw rin naman panagutan ng ama ng bata yung kanyang isinilang. Naiintindihan din nya ang kaibigan kung bakit nya ito gustong ipaampon dahil nga sa mahirap lamang ang kanyang kaibigan . Kahapon lang nanganak ang kaibigan at nakwento nito ang tungkol sa problema nito dahil sa awa na rin nya at dahil want na rin nyang magkababy naisip nyang  alukin ang kaibigan nya at natuwa naman ito kaso e kailangan pa nyang ipaalam sa asawa nya ang kanyang offer sa kaibigan .

Medyo may kaya naman sila kaya sapat na rin siguro yun para masuportahan nya ang kailangan ng sanggol .

" Sigurado kaba sa sinasabi mo? Papaano pag biglang magsampa ng kaso ang magulang ng batang yun ? Paano pag bigla nalang kinuha saatin yung bata pag lake ? Pwede ba Sofia .. gusto kong magkaroon ng anak ngunit di sa paraang gusto mo .. " seryosong sagot ng asawa.

Nalungkot naman sya sa narinig nya mula sa asawa kaya naman unti-unti na naman syang napapaiyak ..

Napansin naman ito ng kanyang asawa napailing nalang itong lumapit sa kay Sofia .. alam kasi nito na matgal na nilang gustong magkaroon ng anak,at ng malaman ni Sofia na buntis sya  lubhang natuwa ito, ngunit sa kasamaang-palad nalaglag naman ito ng minsan ay nadulas ito sa Cr .. Hindi nya kayang makitang nalulungkot ang asawa, halos araw-araw itong magluksa dhil sa pagkawala ng anak nila ngunit wala na silang magagawa sadyang ganun talaga .. yun ang nakatadhana pra sa kanila .

"Shhh .. tama na mahalko, tama ayokong nahihirapan ka, ayokong nakikitang umiiyak ka,so please tama na .. " niyakap naman niya ang babae upang patahanin ito ngunit siguro ay talagang iyakin ang asawa dahil imbes na tumigil ay mas lalo pang lumakas ang pag-iyak nito .

"Okay, okay .. sige na tumahan kana muna jan at  pumapayag na ako sa gusto mong mangyare . Kahit na labag sa kalooban ko, ngunit mas matimbang parin ang nararamdaman kong awa para sayo mahalko .. " hinaplos haplos nito ang pisngi ng asawa upang punasan ang mga luha nito ..

Tumigil naman ang babae at humarap sa asawa ng nakangiti ..

"Talaga Arnold ? Sure na ba yan ? " masiglang tanong nito . Tila ba nabuhayan sya sa sinabi ng asawa .

"Oo na, ayoko naman kasing makita kang ganyan, nagluluksa palagi .. ewan ko ba sayo dikana makapag-antay e pwede ka pa naman magkaanak" sagot ng asawa .

"Mahal naman e, alamo naman na matagal na rin hinihiling ni lola na magkaroon tayo ng anak, at kilala mo si lola, alam mo kung gaano kahalaga si lola sakin, kaya diko rin sinabi sa kanila ang tungkol sa pagkalaglag ng anak ko .. next  month uuwi na sila sa Pilipinas, si lola nalang ang natitirang meron ako, sya na lamang ang natitirang pamilya ko Arnold sana maintindihan mo ako .. " mahabang paliwanag ng babae .. Inakbayan pa nito ang asawa at pinaupo sa bakanteng chair na nasa tabi nila .

"Alright, sige na panalo kana .. I love you mahalko .. "  kahit naman na mangtwiran sya .. palaging panalo ang asawa nya kaya mas minamabuti niyang wag nalang makipagtalo at isa pa pag natatalo ang kanyang asawa umiiyak ito  at yun ang pinakaayaw nya. 

          ****

Ganun na nga ang nangyare, inampon nila ang bata .. ang anak ni Maria  kahit labag man sa kalooban nya kahit na gusto nyang alagaan ang bata ngunit wala syang magandang trabaho dahil sa club lang siya nagwwork  di nya kayang tingnan ang kaibigan habang dahan-dahan nitong kinukuha ang anak sa kanya .. napapaiyak siya .. Samantalang natutuwa naman si Sofia dahil magkakaroon na siya ng anak, at lalake pa .

In Love with my KUYA → James&ClaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon