NO TO COPY-PASTE
PLAGIARISM is not allowed..
Original Story From By MissNoName
Underproperties of TSLS ..
TAGALOG SHORT LOVE STORY
In Love With My Brother
(James&Clar) By: MissNoName
- CHAPTER FOURTEEN-
CLARA POV'S
Nandito kame ngayon ni Jonas sa E.K ( Enchanted Kingdom) ewan ko ba sa kanya at bakit dito niya ako naisipang dalhin..
Bumababa na kame sa kotse niya,tapos ay nauna na itong maglakad para bumili ng ticket..
" Oo nga pala Jonas curious lang ako, bakit dito mo ako naisipang dalhin?" Tanong ko.
" wala lang, gusto kong maexperience ang maglaro dito kasama ka ;) " sagot nito tapos kinindatan pa ako.
( Pacute ang isang to XD)
" Ah okay.. " sagot ko para maputol na ang conversation namen.
Andameng nakapila, tapos yung nasa unahan namen magkasintahan, ang sweet lang nilang tingnang dalawa.. bigla ko naman naalala si James :(
Pero kailangan kong panindigan kung ano man ang naging desisyon ko. Sempre masakit para saakin ang gawin yun, pero kesa naman ganun kame nga pero si Paula naman ang kinikilalang Gf nya ng mga student.. kaya ayun, mas mainam na yun kesa naman masaktan lang ako palage pag nakikita ko yung Sweetness nila.
( Author : pasingit ! :) Naalala ko lang yung conve namen ng lalabs ko Haha. Imbes na sweetness ang sabihin ko naging shoesness HAHAHA! .. )
" Uy Clara ! Nanjan ka paba ? Nawawala ka na naman sa sarili mo .. are you okay?" Nag-aalalang tanong ng lalake.
" Hehe .. senxa na may naalala lang po." Sagot ko naman. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, matagal tagal na rin naman ng huli kaming pumunta dito nila Mama, Papa si Jason at James ..
Tch! Puro nalang james ang nasa utak ko.. :'( The truth is I miss Him :'( kung di lang sana umabot sa ganito ang pangyayare si James sana ang kasama ko dito at di si Jonas..
" Pwede bang kahit ngayon lang kalimutan mo siya? At ako nalang ang isipin mo kasi ako naman ang kasama mo ngayon." Si Jonas.
Nagulat naman ako sa sinabe nya, napatingin ako sa kanya at kita ko sa ekspresyon ng mga mata nya na para siyang nasasaktan.
Posible kayang may gusto siya saakin ?
Tsk! Napaka-assuming ko naman kung ganun -_- isa lang akong normal na babae. Na di pagkakainteresan ng sino man.
Ngumiti nalang ako sa kanya. Pagkatapos ay nauna na akong naglakad..
* * *
JONAS POV'S
" Pwede bang kahit ngayon lang kalimutan mo siya? At ako nalang ang isipin mo kasi ako naman ang kasama mo ngayon." Sabe ko.
Kase naman kanina pa siya nakatulala lang, para tuloy akong ewan na nakikipag-usap sa isang nakatunganga lang, parang ang lalim ng iniisip niya. At nasisiguro kong si James na naman ang nasa isip nito .. XD damn that guy! Kasalanan nya kung bakit nagkakaganito si Clara. Pero wala ng oras para sisihin siya sa mga nangyayare ngayon kase di naman din maibabalik pa ang mga pangyayareng yun para maitama yung pagkakamali nya. Siguro ang dapat ko nalang gawin ngayon ay kung paano siya matutulungan magmove on.