NO TO COPY-PASTE
PLAGIARISM is not allowed..
Original Story From By MissNoName
Underproperties of TSLS ..
TAGALOG SHORT LOVE STORY
In Love With My Brother
(James&Clara) - MissNoName
Chapter Twelve
Clara POV'S
Kame nalang ni Paula ang naiwan ngayon dito sa loob ng room. Umalis kasi si Jonas dahil nga sa tinawag siya ni James, wala na rin kasing student dito kasi nagsilabasan na rin para pumunta ng canteen.
Narinig ko nalang yung foot step nya palapit saakin,pero nanatili lamang akong nakapikit habang nakasubsob ang mukha ko sa desk, I dont to see her face baka kung ano pang kademonyohan ang magawa ko sa kanya..
" so kumusta naman ang mga alaga kong mga daga kahapon? Napakaen mo ba sila ng maayos ?"- mapang-asar na tanong nito. Dahil sa narinig ko bigla naman akong napatingin sa kanya.
" At ikaw pala ang may pakana ng lahat ng yun ?" Inis na sabi ko. Kaya naman pala, marahil ay mga alipores nya ang inutusan nya para gawin saakin yun. Napakawalang hiya talga!
" HAHAHA! you got it! Dapat lang yun sayo .. you deserve it ! Kulang pa nga yon e .. " sagot naman nito.. habang dhan-dahan na pinapaikutan ako.
"Wala naman akong alam na ginawa ko sayong masama.. pero bakit mo nagawa saakin yun ?" Takang tanong ko. Kase naman kahit na ayaw ko sa kanya, o ayaw ko sa isang tao never pa akong gumawa ng bagay na ikakasama ng kapwa ko, ayoko lang kaseng may makaaway iniiwasan ko talaga yun.
"Yun ang akala mo pero mero .. "sagot nito" Akala ko normal lang sa inyo ni James ang maging sweet sa bawat isa since magkapatid kayo, pero mali pala ako.. si James na kinikilala mong kuya ay ngayon ang kasintahan mo.. " galit na saad nito.
Biglang nanlake ang mga mata dahil sa narinig mula sa babae. Paano niyang nalaman ang tungkol saamin ni James ? Paano?
" Paano ko nalaman ? " tanong nito siguro napansin niyang napakunot nuo ako dahil sa pagtataka kung paano nya natuklasan ang bout dun.
" Simple lang Clara, dahil dito... " at ipinakita nya saakin ang cellphone nya may nakaplay na video dun and worst kame yun ni James yung moment na hinalikan nya ako sa rooftop.
" P-papano-- "
" Alam kong tambayan ni James ang rooftop pag gusto nyang magrelax that day nanduon din ako pero ng marinig kong may paparating nagtago ako, alam kong si James lang ang parating tao sa rooftop, at di nga ako nagkamali siya nga ang dumating at kasama ka nya.. akala ko non may importante lang kayong pag-uusapan pero shock ako dun sa nasaksihan kong kissing scene nyo.. Dahil sa galit ko vinideohan ko yun ... "mahabang paliwanag nito.
Kaya pala parang feeling ko that day may nakamasid saamen, na twing magkasama kame ni James duon parang mga mga matang nakatitig saamin ..
" Matagal ko ng gusto si James pero diko man lamang makuha kuha ang atensyon nya, okay lang naman na marame syang idate kasi alam kong pampalipas oras lang yun kase nakakasama ko rn siya, umaasa akong balang araw e magugustuhan nya rin ako pero sa isang iglap bigla itong nagbago saakin, di na siya palaging sumasama sa mga gimik namin. Kaya pala dahil bussy na siya sa love life niyo .. "