NO TO COPY-PASTE
PLAGIARISM is not allowed..
Original Story From By MissNoName
Underproperties of TSLS ..
TAGALOG SHORT LOVE STORY
In Love With My Brother
(James&Clara) By: MissNoName
FINAL ENDING PART 2
CHAPTER SIXTEEN
CLARA POV'S
Nandito na ulit ako sa kwarto nakatitig sa isang kahon kung saan nanduon ang ibinigay ni Jonas saakin na damit at pati sapatos, suotin ko daw ito at magpaganda daw ako kase dadalo kaming dalawa duon sa engagement party nila James :'( nanadya ba ang lokong yun? O gusto lang talaga nya akong masaktan kaya pinapapunta pa niya ako duon T.T <\3 ayokong masaksihan ang engagement nila ..
* tok! * tok!*
" pasok .. bukas po yan ." Sabi ko marahil ay si mama yun .. wala na rin kasi dito si James nandun na siya sa bahay nila Paula para daw mag-ayos.
" anak may bisita ka ... " sabi ni mama di na ito pumasok pa sa loob. Sino naman kayang nilalang yun -_-
2 hours nalang at start na ng engagement nila.
:( two hours nalang talaga ang natitirang oras .. magiging sa kanya na si James at mawawalan na ako ng pag-asang maging kame pa.
Bumababa naman ako para tingnan kung sino ang bisitang yun. At ang nakita ko ay si Jonas ..
Nakangiti itong sinalubong ako.
" akala ko nagbihis kana .. "
" Baliw kaba ? Bakit ako dadalo duon?"
" Ikaw rin baka pagsisihan mo kung bakit dika dumalo sa engagement na yun.. "
" wala akong pagsisisihan, at pwede ba .. ayokong masaksihan yun! AYOKO!" sabe ko sa kanya tapos ay tinalikuran ko siya. Nagulat nalang ako ng bigla nya akong kargahin na parang sako lamang ..
" TITA! AKO NA PO BAHALA KAY CLARA ! KAILANGAN KO LANG PO SIYANG PAAYUSAN PARA MAMAYA READY NA SIYA .. "
Sigaw nito . Baliw lang kailan pa nya naging tita si mama feeling close lang din siya -_-
Naguguluhan naman akong nagtanong sa kanya..
" ANO BANG NANGYAYARE JONAS? MAY DAPAT BA AKONG MALAMAN?" Tanong ko sa kanya.. ipinasok na nya ako sa kotse nya .. at pumwesto na sa drive seat para magdrive.
" Basta sumunod ka nalang sa lahat ng sasabihin ko mamaya okay? " sabi nito pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan .
Kung saan kami pupunta wala akong alam, sumunod daw ako sa lahat ng sasabihin nya. Kahit kailan talaga may pagkabaliw ang lalakeng to, pero sige dahil ayoko naman magmukmok duon sa house habang ginaganap ang engagement party nila James baka sakaling masaya tong pupuntahan namen ni Jonas. Pwedi na rin ..
* * *
Huminto ang sasakyan niya sa isang sikat na Parlor .. pinagbuksan nya ako ng pinto at hinila pa ako papasok sa loob .
" Good morning maam and sir ano pong kailangan nila ?" Magalang na tanong ng isang babae .
" Ayusan niyo siya at gusto ko siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa .. hehehe " pinalo ko naman si Jonas, makapang-asar to wagas!